TWENTY TWO PAGE
"WHERE are you going, apo?" Agad na tanong ng Don kay Rosel pagkalabas nito galing kwarto. "Bihis na bihis ka, importante ba ang lakad natin?" Nakangiting tanong ng Don sakanya.
"Sa company Lolo, may usapan kase kami ni Gil na sasamahan niya akong mamili ng regalo ko sa mga kapatid ko. Hindi ko na siya mahintay kaya pupuntahan ko nalang sakaniyang office." Nakangiti ring sagot ni Rosel sa matanda. Tumango-tango naman ang Don kaya nagpaalam na rin ito. Sumakay nalang siya ng taxi kahit pa sabihin ng matanda kanina na magpahatid nalang sakanilang personal driver pero hindi na mag commute nalang siya.
"Saan ga tayo, magandang binibini?" Magalang na tanong ng driver kay Rosel. Hindi naman halatang mukhang manyak ang driver lalo pa at matanda na ito, mukha lang nitong masayahin at maganda ang mood ng matanda kaya ganun nalang ito sakaniya.
"Sa Malvar Company po tayo, manong." Nakangiting sagot ni Rosel. Masaya siya ngayon dahil sasamahan siya ng asawa niya mamili ng mga pan-regalo niya sa mga kapatid at Ina nito maging kaibigan at kapatid ng kaniyang asawa at siyempre pati na ang matanda, kahit simple lang basta galing sa puso.
"Ay dine ka nagtratrabaho, ineng?" Muling tanong ng driver sakanya.
"Hindi po," Magalang niyang sagot.
"Ay kung gay-on, ano ga ang inyong sadya?" Muling pagtatanong ng driver kay Rosel. "Oh baka, ika'y asawa ng boss doon, iha?" Mahinang natawa si Rosel sa pagtawag sakanya ng driver, tinawag siyang binibini nu'ng una, sa pangalawa ay ineng at sa pangatlo iha naman.
"Ganun na nga ho." Nakangiting sagot niya sa driver.
"Ay hindi na ga ako magtaka, sa Ganda mong 'yan ay kaswerte ng lalakeng iyong napangasawa." Sambit ng driver sakanya. Tanging ngiti lang ang sinukli ni Rosel, swerte ba si Gil sakanya? O siya ang swerte sa asawa niya, bukod sa mayaman, mabait, maalaga at gwapo pa, may bonus pa ang pagiging seloso niya na lalong nagpapagwapo sakanya kapag nagseselos.
Pagkarating sa building ng Malvar Company ay agad siyang nanakbong papasok. Nakilala din naman agad siya ng guard doon kaya deretsyo siya sa loob. Masayang-masaya siya dahil excited na siyang makagala ulit at kasama pa ang kaniyang asawa.
"Hi ma'am." Pagbati sakanya ng isang lalake. Kunot noo namang tinignan iyon ni Rosel. "Ako po pala si Tico Tagaytay, bagong secretary ni sir Malvar." Nakangiting pakilala ng binata sabaya lahad ng kamay nito sakanya. Napangiti naman si Rosel at agad tinanggap ang kamay na nakalahad.
"Rosel," Pakilala rin nito sa sarili at agad binawi ang kamay niya. "Paano mo ko nakilala?" Tanong niya rito dahil alam niyang bago nga ang secretary-ng ito at tinupad nga ng kaniyang asawa ang kaniyang sinabi rito.
"Sinabi po sa akin ni sir, pinakita din niya ang kaniyang wallpaper at iyon ay ang iyong mukha kasama si sir." Nakangiting sagot sakanya ng bagong secretary ng kaniyang asawa. Naalala ni Rosel ang picture nilang dalawa, kuha iyon ng nagtungo sila sa bahay ng mga magulang niya first picture nila iyon na magkasama, kaya naman ganun nalang ang saya ng sabihin iyon ng bagong secretary ng kaniyang asawa. "Hindi lang po pala sa picture kayo maganda ma'am, mas lalo pa pala sa personal." Nakangiting sambit ng binata sakanya kaya namula naman sa hiya si Rosel.
"Sakto lang naman, pero salamat." Pasasalamat niya rito. "Siya nga pala, nasaan si sir mo?"Tanong ni Rosel ng maalala ang sadya nito sa company.
BINABASA MO ANG
My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓
General FictionGillmar Malvar and Rotella Sellaine Arami