Prologo

565 17 0
                                    

🌟Love o Contract🌟

Patungo ako ngayon sa drug store para bumili ng gamot para kay Mama dahil bigla nalang kase siyang nahilo kanina.

Kring! Kring! Kring!

Napatingin ako sa di keypad kong cellphone ng marinig ko itong tumunog. Agad ko itong tinignan at agad ko ding sinagot ng mapagtanto kong si Mama ang tumatawag. Bumili talaga ako ng cellphone para may gagamitin ako sakaling may emergency man sa bahay at wala ako.

"Hello ma." Agad kong pagsagot sa tawag.


"A-ate." Napakunot noo ako ng marinig ko ang boses ng nakababata kong kapatid at tila nanginginig ito habang pinipigilan ang pag-iyak. Dahil sa kung anong mga possibleng idea na pumasok sa isip ko kung bakit nagkaganon ang kapatid ko dahilan ng aking pagkataranta.


Tinakbo ko ang mahabang highway at di na inalintana ang mga sasakyan. Ang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa magkahalong kaba at pagod dahil sa nangyari. Umabot ako sa bahay ng pagod na pagod pero deretsyo pa rin ako sa loob ng bahay namin kaso wala akong ibang nadatnan kundi ang tahimik na bahay.



"Ma! Rhea! Rese! Nasaan na kayo?" Kahit na hinihingal pa ako dahil sa aking pagtakbo nagawa ko pa ring sumigaw sigaw.



"Ma!" Halos mapaluha na ako sa sobrang kaba at 'di ko na alam ang susunod kong gagawin.



"Iha wala na sila diyan, tinakbo na ng mga kapatid mo ang ina niyo ng mahimatay na naman ito. Tinulungan siya kanina ng mga baranggay tanod dahil hindi nila mabuhat ang mama mo." Agad akong napatingin sa may pintuan ng may magsalita at yun ay ang aming baranggay kapitan. Hindi ko na nagawang sumagot pa at agad akong lumapit sakanya at niyakap siya bago ako nagpaalam patungong hospital kung saan nila dinala si mama.





















🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟

Nakaharap ako ngayon sa doctor na umasikaso kay mama. Kaming dalawa lang dahil nasa loob ng kwarto ni mama ang dalawa kong kapatid.


"Tatapatin na kita Iha." Nang magsimulang magsalita ito bigla namang kumabog ang dibdib ko sa maaaring malaman ko. Mahigpit ang paghawak ko sa laylayan ng aking blouse habang nakatingin sa doctor at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.



"Your mother has a serious illness." Sabi ng doctor at tila nag-aalangan pa kung itutuloy pa ba niya ang pagsasalita. Napakunot noo ako habang nakatingin sakanya.



"Po?" Hindi ko maintindihan ang sinabi niya pero sa pagkaka-alam ko may sakit si mama na malala.



"May infection sa ovary ng mama mo at kailangan na itong matanggal sa lalong madaling panahon dahil baka mas lumalala pa ang kalagayan ng mama mo na possible niyang ikamatay." Dugtong niya dahilan ng pagbagsak ng aking mga balikat. Naiiyak na ako sa isiping mawawala sa amin ang aming ina. Hindi ko kaya, lalo na ang aming mga kapatid.


My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon