Pangatlong Pahina

233 8 0
                                    

THIRD PAGE

TAHIMIK na binabaybay ni Rosel ang daan papasok sa eskinita kung saan ang restaurant ng kaibigan niyang si Diane. Nakapag decide na siyang tatanggapin ang inaalok niya kahit hindi pa niya nakaka-usap ang manager o ang photographer na sinasabi ng kaibigan.

Agad siyang pumasok sa loob at agad hinanap ang kaibigan na busy sa paglilinis sa lababo.

"Diane." Tinawag niya ang pangalan ng kaibigan dahilan para mapalingon ito sa kanya. Tuwang lumapit si Diane sakanya ng makita itong nakatayo sa kanyang likuran.

"Rosel!" Mangha ang boses niya ng makita ang kaibigan niya. "Ano tatanggapin mo na ba ang sinabi ko sa'yo? Sakto kakatawag lang niya kanina tuloy daw ang photoshoot at kailangan na nila ng model. Kung ang makukuha mong salary ang pag-uusapan since bago ka palang magiging 20 percent ang maibigay sa'yo." Tila mas excited pa ang kaibigan niya habang binabalita iyon sakanya. Kahit mababa ang kita o pasahod ang importante may pagkikitaan na rin siya and besides mas magaan na ring trabaho iyon, magmomodel lang naman siya yun lang. Walang rason para hindi niya tanggapin iyon dahil ang tanging nasa isip niya ay ang kaniyang ina na nangangailangan ngayon at nasa critical na ang kondisyon.

"Oo tinatanggap ko na, maari mo ba akong samahan sa lugar na yan?" Paki-usap niya sa kaibigan dahil hindi niya alam kung saan kikitain ang taong tinutukoy niya.

"Ay sorry, may dadating na bisita ang mama kaya hindi ako pwedeng umalis lalo't walang magluluto ng makakain nila." Nalungkot si Rosel sa narinig pero ayos lang iyon sakanya basta ba maging successful ang trabaho na iyon ay malaking pasalamat na niya sa kaibigan. "Ito ang address puntahan mo nalang siya." Agad binigay ni Diane ang papel na dinukot nito sa bulsa ng kaniyang apron at agad binigay kay Rosel. Kinuha naman agad ito ni Rosel at binasa ang pangalan ng lugar.

Pinagpala street, Purok 7

Nang mabasa nito sakanyang isipan agad siyang nagpaalam sa kaibigan.

"Sige puntahan ko na itong lugar na ito. Salamat ah." Ngumiti naman ang kaibigan at agad na siyang naglakad palabas ng restaurant.


Agad siyang sunukay ng taxi para puntahan ang lugar na iyon wala kase siyang maisip na iba pang paaran para kumita ng mas malaking halaga ayaw naman na gumawa ng masama dahil baka kakarmahin pa sila lalo saka tiyak magagalit din ang ina nila.

Hindi pa nakakalayo ang sinasakyan niya ng may humarang sa sinasakyan niyang taxi. Puting sasakyan ang nasa harapan nila pero hindi niya alam kung anong brand ang sasakyan na iyon hindi kase siya marunong kumilatis sa mga brand saka isa pa para saan pa't aaksayahin niya ang oras sa walang kwentang bagay.


Nagulat siya ng makita ang tao na bumababa mula sa puting sasakyan na ngayo'y naglalakad palapit sa sasakyang sinakyan niya. Ngunit nangunot din ang noo niya ng biglang maisip na ano ba ang kailangan ng lalaking iyon sakanila at bakit siya humarang, manghohold-up? Hindi naman siguro kase mukhang yayamanin siya dahil tindig at hitsura palang niya mukhang marami ng pera ganun din ang magara niyang sasakyan na tila ba hindi kayang bilhin ng isang milyong halaga lang. Para kay Rosel ang halaga ng sasakyan ay pwede ng makaligtas ng buhay at walang iba kundi ang kaniyang ina.

Kumatok ang lalaki sa harapan niyang bintana kaya wala siyang magawa kundi ang lumabas nalang ng taxi para kausapin ang istorbong lalaki.

"Kung may kailangan ka paki-usap sabihin mo na. Nagmamadali ako at may pupuntahan pa akong tao, mahalaga ang oras ko." Deretsyong sabi niya sa lalaki sa harapan niya.

My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon