Panglabing tatlong Pahina

191 7 0
                                    

THIRTEENTH PAGE

HILA-HILA ni Gil si Rosel papasok sa elevator hanggang sa kanilang silid. Pabagsak na sinara ni Gil ang pinto bago hinila ng malakas si Rosel at pina-upo ng marahas sa kama ang asawa, kitang-kita ni Gil ang takot sa mga mata ng asawa pero wala siyang magawa dahil kinakain siya ng galit dahil sa nakita, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganun nalang ang galit niya sa nakita niya. Kinakain siya ng galit to the point na gusto na niyang bugbugin ang pagmumukha ng kaibigan niya kung hindi lang ito pina-alis ng asawa.

"What are you doing?" Galit niyang tanong sa asawa na ngayo'y nakatungo na para bang ayaw salubungin ang pamatay tingin niya. Galit na talaga siya at nangangalaiti ang mga palad niya sa inis hindi mawala-wala ang galit niya kapag naaalala ang pagmumukha ng dalawa na Masayang-masaya, nagdate pa sila. Ang lakas naman ng loob niyang sumama sa ibang lalake. "Tell me.... What really in your mind to do that?" Asik niya pa.

Nang sandaling tumingin sakanya si Rosel tila natigilan siya at biglang nalusaw ang galit niya. "Doing what?" Kunot ang noo ni Rosel sakanya dahilan para mangalaiti na naman siya sa galit.

Goodness, what should I do now.

"Rule number one, don't go with other man. Aren't you aware about that's rule?" Inis niyang sambit. Natigilan si Rosel pero hindi napapalitan ang pagtataka sa mga mata nito habang nakatingin sakanya.

"Hoy! Para sabihin ko sa'yo, wala naman akong ginagawang masama. Kaibigan lang ang turing ko kay Ren, at saka isa pa nabobored na ako dito kaya ng sandaling yayain niya akong lumabas sa Isla sumama ako." Sagot nito kay Gil. Nahugot ni Gil ang kaniyang hininga para pigilan ang inis nito habang nakatingin sa asawa. Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa asawa lalo't nilabag niya ang rules na ayaw na ayaw niyang gawin nito at ang mahirap pa sa kaibigan pa niya. Galit siya rito pero nalulusaw iyon sa tuwing nakikita ang mga mata ng asawang tila inosente at walang ginawang kasalanan sakanya.

"Kaibigan lang ang turing mo sakanya pero siya hindi." Gigil ang boses ni Gil habang nakatingin sa asawa na matapang nitong sinasalubong ang kaniyang mga tingin.

Sunod-sunod ang mabibigat na paghinga ni Gil at hindi mapigilan ang sariling magpalad-lakad sa harapan ng asawa niya. "Bakit ka ba nagagalit ha?" Inis ding tanong sakanya ni Rosel kaya lalong nagsalubong ang kilay niya at masamang tinignan ang asawang naka-upo sa kama.


"Dahil......dahi- damn it!" Hindi niya masabi ang dapat niyang sabihin dahil tila may  pumipigil sakanya para masabi ang dapat sabihin.

"Ano?" Matapang na sambit ni Rosel sakanya at tumayo pa ito kaya napatayo ng straight si Gil at sinalubong ang tingin ng asawa niyang tila naghahamon. "Bakit nu'ng Ikaw ba ang nakipagjugjugan sa babae mo sa labas ng hotel kagabi, nagalit ba ako ha!" Sigaw ni Rosel mismo sakanyang mukha dahilan para manigas siya. Napapikit nalang siya sa inis at pilit pinapakalma ang sarili. May kung anong na trigger sakaniyang loob dahil sa ginawa ni Rosel.

Nakipagjugjugan. What the fuck! I didn't do that things. Sambit ni Gil sa isip at biglang naalala ang kahalikan kagabi sa mismong harapan ng hotel. It was May-anne, nagpakilala iyon sakanya at bigla nalang siyang sinunggaban. Sa Oras na iyon walang nasa isip niya kundi ang asawa kung kumain na ba ito, kung ano ba ang ginagawa niya, kung nakatulog na ba siya pero ang isipin na iyon ay gusto niyang makasiguro sa sarili dahil sa hindi matukoy na nararamdaman sa babae kaya nagpatianod siya sa halika ng babaeng iyon pero sa tuwing lumalapat ang labi niya sa balat ng babae ay kusang lumilitaw sakaniyang isipan ang mukha ng asawa na para bang nagmamakaawa habang ang mga mata ay lumuluha. Bago pa may maganap na hindi dapat mangyari naitulak na niya ang babae at iniwan doon, nagtungo siya sa Isla para magpahangin at para linawin ang isip at damdamin at ngayong nakita niya ang asawa kasama ang ibang lalake habang masaya silang dalawa na confirm nito na mahal na nga niya ang asawa at nagseselos lang siya sa nakitang scenario pagkalabas palang niya ng elevator iyon na agad ang bumungad sakanya kaya nag-init talaga ang ulo niya at handa ng manakit, lalo pa siyang nagalit dahil sa ginawa ng asawa kaya sa inis hinila niya ito papasok.

My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon