Panglimang Pahina

196 9 0
                                    

FIFTH PAGE

TAHIMIK lang si Rosel habang nakatanaw sa labas ng bintana mula sa loob ng sasakyan kung saan sila nakasakay. Patungo sila ngayon sa mansion ng mga Malvar para sa gaganaping celebration ng kasal nilang dalawa, gusto kase ng lolo Gerry nila na magkaroon ng salo-salo kahit sila lang na magkakapamilya lalo't biglaan naman ang kasal na iyon saka na ang malaking handaan para sa lahat ng kakilala nila pero sa ngayon sila-sila muna at iyon ang request ni Gillmar.

Grabe hindi ako makapaniwalang may asawa na nga ako sa oras na 'to, parang kelan lang kanina ng hindi ko pa iniisip ang buhay may asawa. Hindi ko pa nga naranasang magkaroon ng boyfriend asawa na agad, god this life I'll never expect this happened.

"Anong iniisip mo Iha?" Tanong ni lolo Gerry kay Rosel ng mapansin itong tahimik lang na nakatanaw sa malayo na para bang may malalim na iniisip.

"Ahm ano po, sa totoo lang po ang iniisip ko ngayon ay kung paano ako mag-adjust sa buhay may asawa. Hindi ko po kase naisip ang ganitong sitwasyon eh," Sagot nito sa matanda. Ngumiti lang ang matanda sakanya at bahagyang tinapik ang balikat ni Rosel ng mahina.

"Ganun talaga Iha, kung nahihirapan ka sa apo ko pwede kang lumapit sa akin at ako ang bahala sakanya."

"Uhm, s-sige po," Ngumiti ng alanganin si Rosel sa matanda at hindi pa rin maiwasan ang mailang dahil kasama niya ito sa iisang sasakyan. Dalawa lang sila ng lolo ni Gillmar at maikatlo ang driver kase ayaw naman ni Gillmar na pagsabayin siya sa sasakyan niya kanina, napahiya pa nga si Rosel kanina sa harapan ng matanda kase akala niya magkasabay silang aalis at sa iisang sasakyang sila sasakay pero hindi mabuti nalang at inaya siya ng matanda.

"Bakit ho?" Takang tanong ni Rosel kay lolo Gerry ng mahuling nakatingin ito sakanya na para bang may kung anong iniisip tungkol sakanya.

"Wala naman apo, masaya lang ako dahil sa wakas may asawa na ang apo kong si Gil. Ang totoo niyan gustong-gusto ko lang talagang tumino na siya iyong hindi siya nagpapakalunod ng alak dahil lang sa babae, mahal ko ang apo ko at ayokong magkaroon siya ng sakit dahil sa pagiging alcoholic niya. Responsible naman ang batang iyon kaso gusto ko lang siyang makitang maging masaya sa piling ng babaeng papakasalan niya kaya ko sinabi sakanya na magpakasal muna siya bago ko ibigay sakanya ang mana niya," The old man said but Rosel felt that's the old man is sad.

"Masaya po ba kayo sa para sa apo ninyo?" Hindi alam ni Rosel kung bakit iyon ang tinanong niya pero kusang lumabas sa bibig niya iyon pagkatapos madamang tila malungkot ang Don kabaliktaran sa pinapakita niyang emotion.

"Aba oo naman apo, masayang-masaya ako sobra." Tumango-tango si Rosel upang kumbinsihin ang sarili ayon sa sinabi ng Don kahit na nararamdaman niyang tila malungkot pa rin ang Don at hindi tugma sa kung anong pinapakita niya.

"Alam mo Iha iyang si Gil siya ang una kong apo kay Gilray, ang unico iho ko kaya naman sobrang saya ko nang masilayan namin siyang umiiyak sa maliit na kuna. Pero noong nawala ang anak ko at ang asawa niya nalungkot ako ng sobra pero dahil sa mga apo ko naisip kong kailangan nila ako, na may taong kailangan ko pang alagaan at protektahan gaya ng ginawa ko sa nag-iisa kong anak kaya naman labis-labis ang pagpapahalaga ko sakanila," Kitang-kita ni Rosel ang kalungkutan sa mga mata ng Don pero naka ngiti naman ito habang nagkwekwento. Napa-isip si Rosel kahit pala ulilang lubos ang asawa niya may lolo naman silang handang ibigay ang lahat para sakanila, kahit papaano maswerte pa rin sila sa kanilang Ina dahil may Ina pa silang naiwan na siyang nagmamahal sakanilang magkakapatid kaya hindi sayang ang sakripisyo niya para sa operation ng ina.

My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon