EIGHT PAGE
NAGSUOT lang ng simple si Rosel, simpleng dress na kita ang likod, kulay pink iyon pero sexy-ng sexy ang dating nun ng sandaling suutin niya hindi revealing ang cleavage at kitang-kita ang balikat niya. Nakasuot din siya ng one inch na sandal at hinayaan nalang niyang nakalugay ang mahaba at straight niyang buhok, naglagay din siya ng powder sakanyang mukha para hindi kita ang nagmamantikang mukha niya at lip gloss para sakanyang labi, at ang paborito niyang pabango na faraway iyon ay bigay sakanya ng matanda at nagustuhan naman niya ang amoy.
Tatlo lang silang nagtungo sa company ng mga Malvar dahil si Gil ang nagmaneho ng kanilang sasakyan.
"Nang sandaling maipakilala kita sakanila, alam mo naman na sigurong nalalapit na ang pagpasa ko sa'yo ng companya." Panimula ng Don sakanyang apo, nakita ni Rosel ang pagsulyap ni Gil sa lolo nito mula sa salamin sa harapan niya. "So, I guess magtitino ka na at magiging responsibleng leader sa companyang mamanain mo, at hindi lang iyon maging sana sa asawa mo." Dugtong ng matanda natigilan si Gil sa narinig pero hindi na niya ito pinag-isipan pa ng mabuti.
"Don't worry with that lo." Sagot niya sakanyang Lolo kahit na ang totoo iniisip na niyang magtungo ulit mamaya sa bar ng kaibigan para maghanap ng babae, iyon kase ang libangan nila ng kaibigan pero nitong nagdaang araw lang tila ilag na ang kaibigan niyang si Renato pero hell he don't care kung nagsawa siya eh di nagsawa, basta siya patuloy lang siyang paglalaruan ang mga babaeng walang kwenta para sakanya. At kung ang mamanain naman niyang companya nasisiguro naman niyang gagawin niya ang lahat para hindi ito mapabayaan.
Namawis agad ang mga kamay ni Rosel ng sandaling marating nila ang Company, naramdaman din niya ang pangangatog ng kaniyang mga tuhod pero pilit pa rin niya itong nilalabanan kahit sunod-sunod na rin ang kaniyang paglunok na nahalata ng Don.
"Don't be nervous apo, ipapakilala lang naman kita sa mga empleyado ko upang sa ganun aware sila na Ikaw ang asawa ng apo ko." Sambit ng Don sakanya pero hindi siya umimik habang nakasunod sa dalawa na papasok sa building ng Malvar Company. Halos gusto ng magtago si Rosel dahil sa hiya ng makita ang dami ng tao sa building na iyon kaya kahit anong laban at pigil nito sa sarili ay hindi niya magawang kabahan ng matindi. Sumakay sila sa Elevator paitaas habang ang isip ni Rosel ay hindi mapakali, muntik pa itong mapatalon sa gulat ng hawakan siya ng Don sakanyang kamay at pinisil iyon ng mahina napatingin siya kay Gil ng maramdaman niya itong nakatingin sakanya at hindi nga siya nagkamali nakatingin mga ito sakaniya ng masama kaya kahit nahihiya siya sa Don ay umabante siya ng konti para mapalayo dito na siyang hindi pinansin ng Don. Sinamaan din niya ng tingin si Gil ng hindi man lang ito natinag sa pagtingin nito sakanya ng masama.
Ting!
Nang bumukas ang pintuan ng elevator mas lalong tumindi ang kaba niya at aligagang sumunod sa maglolo na naglalakad na ngayon papasok sa isang building, sinalubong agad sila ng anim na body guard wala ang mga iyon kanina dahil nasa isang sasakyan sila na nakasunod lang sakanila. Hindi rin nakaligtas sakanya ang mga mata ng mga empleyado ng marating nila ang kinaroroonan ng mga ito, nasa malawak na parte sila at madami sila doon tila ba hinihintay sila siguro nagpatawag ng pagpupulong ang Don para lang sa announcement na iyon.
"Ehem," Pag-agaw ng pansin ng Don sa mga nandoon habang nakatayo lang sila sa harapan ng mga ito, pigil na pigil siya sa sarili dahil sa matinding kaba at parang natatae na siya sa sobrang kabang nararamdaman habang nasa tabi ng Don na at sa kabila naman si Gil na wala ding imik. "Kaya ko kayo pinatawag ay para sa isang mahalagang anunsyo tungkol sa aking apo, hindi magtatagal ay ipapasa ko na ang aking pwesto sa aking apo alam kong alam niyo na iyon. Hangad kong mananatili ang inyong supporta kahit pa na hindi na ako ang mamamahala sa companya," Saglit na tumigil sa pagsasalita ang Don ng biglang magsalita ang isang empleyado na sinundan pa ng iba.
BINABASA MO ANG
My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓
General FictionGillmar Malvar and Rotella Sellaine Arami