Panglabingsiyam na Pahina

175 7 0
                                    

NINETEENTH PAGE

KAHIT anong dasal ni Rosel na sana ay hindi uusad ang oras, araw at buwan nguni't patuloy din naman itong umuusad bagay na nagbibigay lungkot para kay Rosel. Alam niyang hindi niya hawak ang desisyon ng asawa kaya kahit anong pigil niya sa sariling wag mag-alala at mag-isip ng hindi maganda ay hindi niya maiwasan. Ngayon nga ay buwan na ng Nobyembre at isang buwan pa ang kaniyang palugit.

"Ang tahimik natin ngayon ah." Sambit ng kaibigan niyang si Diane. Kasama kase nito sa paggala sa mall, ngayon nga lang siya nakalabas ng mag-isa para maka bonding ang kaibigan niya. "Ngayon na nga lang uli tayo nagkita, parang ayaw mo naman." Tila nagtatampong ani ng kaibigan ni Rosel. Hindi lang kase maiwasang makaramdam ng lungkot si Rosel habang tinitignan ang mga nakasabit na parol at iba pang Christmas decor sa mall na siyang nagpapa-alala sakanya na malapit na nga ang pasko. Bakit naman kase sakto pa sa pasko ang huling buwan ng kaniyang contrata at balik pa ng ex ng kaniyang asawa.



"Hindi naman sa ganun. May naisip lang ako," Pagtanggi niya. "Kung ano nga bang pwede kong iregalo sa asawa ko sa December, lahat naman na meron na sakanya." Pagpapalusot niya pero ang totoo naisip din naman niya ang tungkol doon. Katapusan ng Nobyembre ngayon at bukas na ang simula ng buwan ng Disyembre, ilang araw nalang ay pasko na at hindi mamamalayan 25 na pala ng buwan kaya ngayon palang nag-iisip na din siya ng ireregalo para sa asawa niya, iyong especial sana.



"Haynaku! Frenny, ang mga gaya ng asawa mong mayaman ang kailangan nila ay iyong simple pero galing sa mahal nila. Alangan naman na pera eh meron naman na sila." Pairap na sambit ng kaibigan nito sakanya. Bahagya silang huminto sa isang pasilyo kung saan sila naroroon dahil bigla nalang siyang nakaramdam ng hilo.



Gosh, what happen to me? Alangan namang may anemic ako?


Nagtatakang sambit ni Rosel sakaniyang sarili at mahinang hinilot ang sentido.

"Okay ka lang ba? Namumutla ka, freeny." Tanong ng kaibigan nito sakanya. Tumango lang ito ng mahina at umayos ng tayo ng maramdaman ang sariling okay na ito.


"Ayos lang ako, nahilo lang ako ng panandalian." Sagot niya sa kaibigan. Bahagya namang nakahinga ang kaibigan nito sa sagot niya.




Pasakay na sila sa escalator ng may mahagip ang mga mata ni Rosel. It was Gillian with some boys, seryoso ang mukha nitong nakatingin sa mga naka display na polo at t-shirts. Nasa harapan siya ng shop kasama ang dalawang lalake, parang ino-observe nito ang kabuuan ng mga damit na nasa harapan niya. Kumunot ang noo ni Rosel sa nakita, hindi niya akalain na makikita niya ang brother in-law nito sa mall at himalang may kaibigan pa sa kabila ng pagiging seryoso at masungit nito may kaibigan din pala.


"Anong nakita mo?" Takang tanong ng kaibigan nito sakanya ng makita niya ang titig na titig na kaibigan sa kung saan.


"Wala, may kinikilala lang ako... Akala ko siya iyong kakilala ko." Pagtanggi niya at sabay na lumapag sa sahig pagkataas nila sa escalator. Sabay din nilang tinungo ang iba't-ibang parte ng shop dahil may gusto daw bilhin ang kaibigan niya pero sa tuwing napapadpad sila sa isang shop wala naman ang hinahanap niya kaya lilipat na naman sila sa kabila.




"Gutom na ako, kain na kaya tayo." Sambit ng kaibigan ni Rosel sakanya na sinang-ayunan naman niya dahil kahit siya ay nakaramdam na rin ng gutom.



"May alam akong pwede nating kainan." Agad na suhestiyon ni Rosel ng maalala ang toro-toro kung saan siya kumakain dati. Mura lang naman doon pero masasarap naman ang mga pagkain nila.



My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon