TWENTY ONE PAGE
NANG sandaling makompirma ni Rosel ang kaniyang pagbubuntis ay nais niyang sabihin nalang sa asawa mismong sa araw ng pasko dahil gusto niyang surpresahin ito, iyon na rin ang nakikita niyang magandang regalo para sa asawa. Maaga mang pamasko galing sa diyos ang natanggap niya at hangad niyang maging maayos at maganda ang resulta ng kaniyang binabalak. Gusto niya sanang matulog nalang kaso nagpalinis din kase ang asawa niya sakanilang silid, hindi niya alam kung anong gustong ipatapon na gamit niyang nandoon dahil inutusan pa nito ang Isa sa mga guard para lang magbuhat ng gamit na galing sakaniyang silid. Nagtaka nga si Rosel sa biglaang pagpapalinis ng asawa niya gayong malinis naman ang silid walang alikabok dahil halos araw-araw namang naglilinis ang katulong nila pero himala at may gusto yatang tanggalin na gamit at ipatapon ito kaya imbes na matulog ay napagpasyahan niyang maki nood nalang sa bonding ng maglolo.
"What's my wife thinking?" Tanong sakanya ni Gil habang magkayap sa upuan sa mini cine. It was their bonding time again together with their Lolo at napagpasyahan nilang manoon nalang sa loob ng bahay nila kesa gumala pa mabuti sana kung hindi madalas naulan baka magkasakit pa sila kapag lumabas sila. Wala na naman ngayon ang pangalawang kapatid ng asawa niya nasa trabaho na naman ito, sadyang napaka workaholic nito at minsan lang magbigay ng oras para sa sarili.
"Kung anong pwedeng iregalo sa Christmas." Nakangiting sagot ni Rosel sa asawa niya. Ipinatong ni Gil ang kaniyang baba sa balikat ni Rosel habang parehong nasa tv ang tingin.
"For whom?" Muling tanong ng kaniyang asawa. Hindi niya sinabing para sakanya dahil may balak na siya para roon.
"Sa mga kapatid ko, kay mama." Sagot nito dahil alam naman na nitong kahit hindi regaluhan ang mga kapatid ng asawa at ang Lolo nito ay okay lang dahil marami naman silang pera at pwede nilang bilhin ang gusto nilang bilhin hindi gaya nila na tuwing Christmas lang nakakatanggap ng mga bagong gamit kung wala man magbigay sakanila ng regalo eh di walang bagong gamit.
"Dress, or make up. Just like your younger sister," Pertaining to their older one it's Rese.
Natawa nalang si Rosel dahil sa sinabi ng asawa. "Alam mo namang walang paki-alam ang isang 'yon sa mga make-up na 'yan." Natatawang sambit ni Rosel na siyang nagpatawa din sa asawa nito. "Kung si Rhea, pwede pa." Natatawa nalang si Rosel ng maalala ang mukha ng kapatid na 'di man lang nadapuan ng make-up kahit nga kapag aatend ito ng kasal o binyag simple lang ang sinusuot nito, kahit sa araw ng graduation ay wala siyang paki-alam kung puno at makakapal ang make-up ng mga kaklase niya basta siya kung ano ang gusto iyon ang masusunod.
"She's prettiest among the three of you, she has a pale skin that what you have... Black hair wich is natural na iyon, with her brown gray eyes. What's more," Complimento ng asawa sa nakababatang kapatid. Sang-ayon naman siya sa sinabi ng asawa pero may igaganda pa sana ang kapatid kung marunong itong mag-ayos at magdala ng damit.
"Nakuha niya kay mama ang natural na kulay ng mata, at mahahabang pilik mata at magandang pagkahugis ng kaniyang ilong na nakuha namin kay papa. Ang natural na pink na labi niya na hindi pa nadapuan ng lipstick ay sadyang nakaka-inggit." Sumimangot si Rosel ng maalala ang plump lips ng kapatid iyon ang Isa sa insecurities niya sakaniyang bunsong kapatid. Ang perpektong jawline at eyelid naman sa pangalawang kapatid nito pero ganun pa man nakaka lamang din naman ang Ganda niya sa kapatid na sumunod sakanya iyon ang mahalaga para sakanya, ang may panlaban ding Ganda at maipagmayabang kahit papaano.
"But your the most beautiful for me, honey." Sambit ni Gil sakaniya mahina lang iyon pero dahil malapit sakaniyang tenga kaya dinig na dinig niya. Nagtayuan pa ang mga buhok sakaniyang batok dahil sa mainit na hininga ng asawang tumatama doon.
BINABASA MO ANG
My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓
Ficción GeneralGillmar Malvar and Rotella Sellaine Arami