Pang-anim na Pahina

201 10 0
                                    

SIXTH PAGE....

Tahimik na pinagmamasdan ni Rosel ang kaniyang Ina na ngayo'y mahimbing ng natutulog. Laking pasalamat niya dahil naging maganda ang resulta ng operation ng kaniyang Ina at ngayo'y nagpapagaling nalang siya, halos isang linggo na rin kase ang nakaraan ng ito'y operahan at ibig sabihin lang nun na isang linggo na rin siyang kasal kay Gil.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya habang marahang hinahaplos ang kamay ng natutulog na ina nito. Wala ang dalawa niyang kapatid dahil pumasok sila sa klase at siya ang nagbantay ngayon sakanilang Ina mabuti nga lang at pinayagan siya ng asawa nitong antipatiko na pumunta ng hospital. Simula kase ng ikasal sila halos hindi na siya makalabas ng hindi nagtatago kase naman nakilala na pala siya sa buong bansa na asawa ng isang Malvar at mas worst lahat na atang mga tao sa bansa kilala na siya paano ba naman kase paglabas niya ng bahay nila ng antipatiko niyang asawa upang bumusita sana ng hospital eh agad ng may nakakilala sakanya dahilan para magtago siya na parang preso. Ngayon nga lang siya nakapunta ng hospital ng malaya kase isang linggo naman na ang nakalipas at medyo naka adjust na siya kaya naman naka lusot siya sa mga tao.

Ting!

Muntik ng atakihin sa puso si Rosel ng bigla-bigla ba naman kaseng tumunog ang cellphone niya habang nasa malalim siya ng pag-iisip.

"Kainis! Ano naman kaya ang sasabihin ng antipatiko na iyon?" Sambit niya at binuksan ang cellphone at mula sa screen ng kaniyang cellphone nakita niya ang pag litaw ng text message ng asawa niyang antipatiko.

"Be there before six, we need to attend the birthday party and I need you to be there!" Maawtoridad na sambit nito sa text.

"Hay grabe kung wala lang ang kontrata malamang sa malamang hindi niya ako madidiktahan ng ganito, kainis!" Sambit niya pero wala siyang magagawa dahil iyon naman talaga ang kapalit ng halaga na binayad sakanya kaya kahit man ayaw niya at labag sa loob niya kase walang magbabantay sakanilang Ina pero no choice baka kase isumbat ng lalaking iyon na may contract kaming pinirmahan.

"Kailangan mo na bang umalis? anak," Napatingin siya sa gawi ng kaniyang Ina na ngayo'y nakatingin sakanya. Akala niya natutulog ito pero narinig ata niya ang pagmamaktol nito.

"Ah-m k-kase m-"

"Tungkol ba yan sa asawa mo?" Natigilan siya ng sambitin iyon ng kaniyang Ina dahil hindi niya aakalaing alam ng kaniyang na may asawa na siya gayong ni manliligaw eh wala siya nun.

"Ma, pa-paanong-"

"Sinabi na saakin ni Rhea ang lahat anak, kaya napa-operahan ako kase nagsakripisyo ka at nagpakasal sa taong hindi mo naman mahal." Napayuko nalang si Rosel sa tinuran ng ina sakanya.

"Galit ho ba kayo sa ginawa ko, mama?" Tanong nito sa ina, hindi umimik ang Ina niya pero kalauna'y nagsalita din.

"Hindi naman anak, nagtatampo oo kase hindi ko gustong matali ka agad ng dahil lang saakin. Alam kong labag sa loob mo pero ginawa mo pa rin alang-alang sa akin," Sagot ng ina nito sakanya.

"Kung hi-hindi ko naman kase gagawin iyon mama malamang hindi ka pa naoperahan ngayon, isang Milyong halaga ng pera para ma-operahan kayo at hindi sasapat ang mga kinikita ko sa raket-raket lang kaya naman ng may nag-alok sa akin ng ganun eh hindi na ako nag-inarte pa. Besides mawawalan din naman ng visa ang kasal pagkaraan lang ilang buwan kumbaga parang bayad lang ho iyon ng pagtratrabaho ko sakanya," Ngumiti si Rosel sa ina para siguraduhing magiging ayos lang siya at wala siyang dapat ipag-alala rito.


My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon