TENTH PAGE
NAGISING si Rosel ng maramdaman nito ang pagdagan ng kung anong mabigat ng bagay sakanyang mga hita, nangunot ang noo niya ng maramdaman din ang parang kung anong nakapulupot sakanyang bewang kaya taka nitong tinignan, ganun nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng may makitang braso doon sa bandang tiyan niya at mga binting nakadantay sakanyang hita. Nanuyot bigla ang lalamunan niya at kumabog na naman ng mabilis ang kaniyang dibdib, dahan-dahan nitong nilingon ang may-ari ng braso at binti na iyon pero ng tuluyang makita hindi na siya nagulat pa dahil alam na niyang siya lang iyon pero ang hindi niya maintindihan kung bakit may kung anong kiliti ang sumibol sakanyang puso naramdaman din niya ang pag-init ng kaniyang pisngi at ang malakas na kabog ng kaniyang puso.
Nang hindi makayanan ang sitwasyon dahan-dahan niyang inalis ang brasong nakapulupot sakanya maging ang binti nitong nakadantay sakanya. Dahan-dahan din itong umalis sa kama at maingat na nagtungo sa banyo. Napahilamos ito ng wala sa oras dahil hanggang ngayon nararamdaman pa rin niya ang pamumula ng mga pisngi niya at ang pag-iinit din ng kaniyang Tenga, nararamdaman din niya ang malakas na kabog ng kaniyang puso na halos mabingi na siya.
"Jusko! ano bang nangyayari sa akin?" Nalilitong tanong nito sakanyang sarili at pilit kinakalma ang nagwawalang sistema nito dulot ng asawa niyang antipatiko. "Ano ba itong nararamdaman ko?" Sunod-sunod siyang bumuntong hininga habang nakatingin sa sarili mula sa salamin ng banyo, unti-unti rin nitong nararamdaman ang pagbabalik sa normal na reaction ng kaniyang katawan.
Saka lang siya lumabas ng banyo ng maging maayos na rin sa wakas ang kabog ng kaniyang puso at normal na rin ang reaction nito sa nangyari, hindi na rin ito bumalik sa pagtulog dahil nagising ang diwa nito dahil sa nangyari. Tumingin siya sa oras na nasa side table, four AM palang ng umaga, masiyado pang maaga sambit nito sakanyang sarili pero dahil hindi na siya makatulog naligo nalang ito para maihanda ang sarili dahil maaga din silang aalis mamaya.
Dahil masiyado pang maaga nagtungo na siya sa kusina para makapgluto, wala pa ding nagigising na katulong dahil siguro maaga pa. Naghanda siya ng itlog na niluto nito sa pamamagitan ng sunny side up, nagluto na din ito ng bacon at nagprito ng talong para may gulay sila. Nagsangag din ito at naghiwa ng kamatis sakto namang natapos niya iyon ng tuluyang lumiwanag ang kapaligiran, nagising na rin si ang katulong na si Esther na kasalukuyang naghahain sa lamesa.
"Masiyado naman po kayong maaga ngayon, ma'am?" Sambit ni Esther sakanya, ngumiti lang si Rosel at tinulungang maghanda ang katulong.
"Hindi na kase ako makatulog kaya nagdecide akong magluto nalang, besides maaga din naman kaming aalis mamaya." Nakangiti nitong sagot.
"Ang swerte talaga ni sir sainyo ma'am, bukod kase sa maganda kayo mabait pa." Pambobola ng katulong sakanya, pero namula ang pisngi niya sa sinabi ng katulong.
"Hindi naman," Pilit nitong iwasang mapangiti dahil kusa nalang ngingiti ang kaniyang mga labi dahil sa narinig maging ang mga tenga niya ay parang nagmistulang nagkaroon ng kamay dahil naramdaman niyang parang pumalakpak ito dahil sa narinig.
"Halatang in love kayo kay sir ah," Natigilan siya ng marinig ang sinabi ni Esther, nanlaki pa ang mga mata niyang tumingin sakanya na ngayo'y nakangiti ring nakatingin sakanya kitang-kita siguro nito ang pagngiti niya kanina. Lalo tuloy namula ang pisngi niya kaya nag-iwas nalang siya ng tingin at tinalikuran si Esther para kunin ang plate para maihanda na sa lamesa.
In love na ba ako? Hindi ba pwedeng gusto ko muna siya, pero hindi pwede 'to.
Gusto man niyang pagalitan ang sarili pero wala siyang magawa kundi tanggapin nalang ang kung ano mang nararamdaman niya ngayon, kung kaya niyang ilihim para hindi malaman ni Gil at para hindi siya masaktan gagawin niya iyon na Lang ang nakikita niyang paraan para maka Iwas at para hindi masaktan pa.
BINABASA MO ANG
My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓
General FictionGillmar Malvar and Rotella Sellaine Arami