Pangdalawam-pong tatlong Pahina

177 6 0
                                    

TWENTY THREE PAGE

PAG-UWI ni Rosel sa mansion akala niyang makikita ang asawa pero wala dahil tanging ang Don ang nandoon. Nasa mismong balcony ng mansion habang nagbabasa ng dyaryo.

"What happen to you iha? Bakit ka umiiyak?" Agad na bungad sakanya ng Don ng makita siya. Hindi kase mapigilan ni Rosel ang maiyak, kanina pa sa hospital hanggang sa nakarating sa mansion ay umiiyak pa din siya hindi niya maiwasan. Nilapitan siya ng Don at agad pina-upo, binigyan siya ng tubig na nagpakalma naman sakanya. "Now tell me, what really happen?" Pag-uulit ng Don. Walang nagawa si Rosel kundi ang sabihin ang lahat ng nangyari, ang lahat-lahat kung bakit hunantong siya doon ng ganung ayos. Sinabi niya ang pagdadalang tao nito, maging ang pag-aaway nila ni Gil at ang tungkol sa contract. Maging ang balak niya sana kaya siya umuwi nguni't wala palang Gil, hindi pa daw siya umuuwi.


"Iyon po lahat ng nangyari." Malungkot na sagot ni Rosel sa matanda. Narinig niya pa ang pagbuntong hininga ng Don pagkarinig sa explanation niya.



"That childish. Don't worry, apo.. akong bahala sa'yo at sa magiging apo mo." Sambit ng Don nagtaka naman si Rosel na tumingin sakanya. "Tutulungan kita sa pagpapalaki sa magiging apo ko sa tuhod."


Hindi umimik si Rosel pero ng maalala ang isang bagay ay agad niyang kinuha mula sakaniyang bulsa at binigay sa Don. "Sakanya po galing." Mahinang sambit niya. Iyon ang tsekeng tinapon ni Gil sakaniyang mukha, binigay sakanya ni Renato bago umalis ng hospital pinulot pala niya.


"Alam ba ni Gil ang tungkol sa magiging anak niyo?" Tanong ng Don pagkatapos kunin ang tseke. Tinago iyon ng Don sakaniyang secret pocket.

Umiling si Rosel bilang sagot. "Balak ko palang sanang sabihin sakanya this Christmas Eve, kaso iyon nga po ang nangyari." Malungkot na sagot ni Rosel na siyang nagpailing sa Don.



"Okay, okay I get it now. Ngayon ang Plano ko ay turuan ng leksyon ang apo kong iyon," pagsisimula ng Don. "Wait me here, apo." Sambit ng Don kay Rosel at saglit itong umalis. Nanghintay naman si Rosel, at ayan na naman ang kaniyang mga matang naiiyak na naman. Masiyado siyang emotional bagay na hindi niya maiwasan.



Nang sandaling bumalik ang Don ay may hawak na itong card, it's a debit card. "Here," Iniabot nito sakanya ang card na siyang lalong nagtaka si Rosel na tinignan iyon.



"Ba-bakit po 'yan?" Nagtataka niyang tanong sa Don.


"Magagamit mo ito sa pagbubuntis mo at sa panganganak," Sagot sakanya ng Don pero umiling si Rosel.


"Hindi ko nga po tinanggap ang tseke, 'Yan po kaya." Sagot nito at mariing tumanggi.


"C'mon, apo. Kunin mo, tulong ko sa'yo at sa magiging apo ko sa tuhod. Gusto kong lumayo kayo rito sa Manila, para naman malaman ni Gil kung gaano kalaki ang kaniyang sinayang." Sambit ng Don sakanya pero umiling siya, hindi niya kayang tanggapin iyon kahit pa alam niyang kakailanganin niya ito sa panganganak niya. Pero dahil mapilit ang Don ay napipilitan siyang tinanggap iyon.



"Pe-pero wala po kaming kamag-anak sa malayo, wala din po kaming bahay kung lalayo po kami." Sagot ni Rosel sa matanda. Lalo siyang nagtaka kung anong pinaplano ng Don dahil ngumiti ito sakanya.



"Sa Isabela, apo. May kakilala ako doon, doon na muna kayo pansamantala. Gamitin mo ang pera habang nandoon kayo, malaking halaga ang nandiyan. Ipapahatid ko kayo ng pamilya mo para doon kayo pansamantalang tumira upang sa ganun ay kahit hanapin kayo ng apo ko ay mahihirapan siya, hindi niya agad maiisip ang lugar na iyon. Lalo pa't itatago ko muna kayo doon," Hindi umimik si Rosel pero sa loob-loob niya ay nagtataka sa kinikilos ng Don. Hindi niya lubos akalain na ganun nalang ito kabilis magdesisyon na para bang alam na alam na nito na mangyayari ang ganitong pangyayari.



My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon