C3

202 2 0
                                    

Jobel's Pov

Nakaupo lang ako dito sa loob ng office ko at inaalala ang mga sinabi nila sakin nong isang araw. Ilang buwan narin simula nong nalaman kong bumalik na si Abel pero simula ng pagbalik niya ay minsan narin namin makikita sina Mark dahil sa sunod sunod ang naging mission nila at ni minsan ay hindi ko manlang nakita ang mukha nito. Kung totoong bumalik na siya. Bat di niya man lang kami pinuntahan?. Nag bago kana ba talaga Abel?.

FLASHBACK . (5 days ago)

Nasa bahay lang ako ng biglang may nag doorbell pag bukas ko bumungad sakin ang mga mukha nila at agad agad na pumasok sa loob ng bahay ko ng wala pa akong sinasabi. Sanay naku sa mga yan pag pumupunta dito. Kase feel at home talaga ang mga walangya. Pero kase ngayon parang may iba?. Parang di ko ma explain sa mga mukha nila.

Si Mark at Carlos dumiretso sa kusina at uminum ng tubig. Samantalang si Ej naman at nakatayo lang at nakahawak sa sintido niya. Si bessy naman at Nicole nakaupo lang at naka yuko. Sa subrang curious ko nag salita na ako kase ngayon kulang sila nakitang ganto.

" Hoy ano yang mga mukha niyo?. Para kayong namatayan sa mga itsura niyo. Ano bang nangyari at ganyan kayo?." Sabi ko at ayon. Parang wala silang narinig. Kaya nag salita na ako ulit.

" Magsasalita kayo o lumayas na kayo " sabi ko kaya napabuntong hininga nalang si Ej.

" Nag eexpect kami na bumalik siya para dito na for good pero hindi pala " sabi nito at inis na umupo sa tabi ni Nicole.

" Aaminin ko lalo siyang naging gwapo pero hindi na siya ang dating Abel na kilala ko " sabi ni Carlos sabay upo sa center table.

" Subrang laki ng pinagbago niya. Kong dati dito palang seryoso na siya ngayon triple na. Isang tanong isang sagot. Magsasalita lang siya kong kinakailangan. Masyadong babad sa trabaho nakakatakot " sabi ni Mark at napayuko.

" Ibalik natin ang ate please " mangiyak ngiyak na sabi ni Nicole at siya namang yuko nilang lahat.

" Di ko inexpect na maging ganun si Abel " sabi ni bessy kaya napatingin ako sakanya.

" Anong ibig mong sabihin?." Tanong ko sakanya.

" Nagkita kami kanina nagkasalubong kami nong papunta kami dito. Di man lang nya ako pinansin di manlang niya ako tinignan." Sabi nito.

Ito ba??. Ito ba ang resulta sa mga nagawa ko?. Kaya ka naging ganto sa mga kaibigan mo?.

END OF FLASHBACK

* KNOCK KNOCK *

Napabalik ako sa ulirat ng may kumatok sa pinto.

" Come in " sabi ko at pumasok naman si Abby.

" Doc naka ready na po sila " sabi nito kaya napangiti ako sakanya at tumango.

" Doc tara na baka gabihin tayo sa daan. Malayo layo pa ang byahe natin " sabi pa nong isa na kakapasok lang kasunod ng isa pa.

" Excited kayo masyado ahhh. Kumalma nga kayo " sabi ko kina Sam and Kyle.

" San nga pala si Doc Cy?. Kanina ko pa siya di nakikita " sabi ni Kyle.

" Kyle sinabi ko na sayo wag si Doc Cy. Baka nakakalimutan mong may Captain Carlos nayon?. Baka mamaya ikulong kanon sa ginagawa mo " sabi ni Abby sakanya.

" Oo nga naman. Ikaw talaga " sabi pa ni Sam ng biglang may pumasok. Bastos talaga di talaga marunong kumatok.

" Bel nakahanda naba kayo?. Paalala lang subrang mainipin si Major" sabi ni Mark.

" Oo. Kanina pa kayo?." Tanong ko sakanya.

" Kakarating lang namin " sabi nito at nag hi sa tatlo.

" Teka, kulang kayo ahhh. San ang Amazona?." Tanong nito kaya natawa naman kami pero di niya alam na nasa likod na niya ito kaya nakatikim ito ng batok.

" ARAY KO " Sigaw nito sabay tingin sa likod niya.

" Ikaw talaga kahit kailan. Bulag kaba?. Di mo ba nakikita na naka uniporme ako?. Di mo na ako ginagalang ahhh " sabi nito kaya nakapamiwang na ngayon si Bessy. Sige lang kayo dyan at manunuod lang kami ng live niyo HAHAHA.

" ABA. HOY MAGALING NA LALAKI. WALA AKONG PAKIALAM KONG NAKA UNIPORME KA O HINDI. GAGAWIN KO ANG GUSTO KO AT WALANG MAKAKAPIGIL SAKIN KAHIT SINO " sigaw nito kay Mark kaya natatawa kami.

" Abat. Di ko alam kong panu ka natitiisan ni Carlos " sabi nito kaya ngumiti si Bessy.

" Kase MAHAL NIYA AKO. bahala ka nga dyan masisira ang beauty ko sayo. Guys let's go " sabi nito kaya natatawa kaming lumabas pero rinig na rinig namin ang bulong ni Mark.

" Beauty daw. Wala naman ehh." Sabi nito kaya nagpigil ako ng tawa.

" May sinasabi ka?." Taas kilang na sabi ni Bessy pero umiling lang ito kaya nagpatuloy na kami hanggang sa makarating na kami sa parking lot at don na naghihintay ang mga kasama namin. Pero naagaw ang attention ko sa naka tayo sa harap nilang lahat. Totoo nga na nandito ka na.

" Good morning everyone I'm Major Abel De Leon me and my comrades will be joining you guys for your medical mession in Batangas. We have 8to9 hours before we arrive at our destination. So, if you need something or anything during our travel let us know para magawan natin ito ng paraan. Ok. First and foremost yong iba sainyo ay sasabay saamin sa sasakyan yong iba naman ay sa likod. Dahil sa nag bunutan tayo kanina ang makakasama namin ay si Doc Abby Sylvio, Doc Sam Dy, Doc Cy Cuevo, Doc Kyle Briones and Doc Jobel Santos ok for those names please follow me and sa mga iba na natira sumunod na kayo sa kanila " sabi nito at nag si alisan na sila. Napatulala nalang ako kase makakasama ko siya sa isang sasakyan at ang masakit lang don ay parang wala lang sakanya ng tawagin niya ang pangalan ko. Hayyyy.

" Bess good luck" sabi sakin ni bessy at naglakad ng mabilis. Naku naman.

" Ok guys as what I have said earlier if you need anything just let us know." Sabi nito at nag ok naman sila sakanya at umalis na ito at nauna ng sumakay. Tama nga sila sa mga kinikilos nito ay makikita mong malaki talaga nag pinagbago niya. Nakakalungkot pero di kunalang mo na to iisipin focus nalang muna tayo sa kong ano ang mission namin ngayon.

Habang nasa byahe kami di ko maiwasang mapatingin sakanya. Kase nasa likuran lang naman kami at nasa unahan namin ang isang track na mga kasama nila sunod naman ang iba at sa huli ay mga kasamahan rin nila. Bali nasa gitna lang nila kami. Siya at tsaka si Mark ang nasa unahan ang kasama naman namin dito sa likod ay si Carlos, Ej at Nicole na seryosong nakatingin sa labas ang mga kasama ko naman dito ay mga nakaidlip na kaya iidlip nalang rin muna ako. Malayo pa naman ang pupuntahan namin.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon