C42

62 2 0
                                    

Jobel's Pov

Ngayong araw na ang nakatakdang libing ng papa ni Abel di na siya umiiyak kagaya nong una pero malaki naman ang ipinagbago niya. Lagi na siyang tahimik di na umiiyak kung tatanongin siya.

Mensan sasagot pero subrang lamig naman di na siya makatingin ng diretso laging seryoso at laging galit. Kahit ako minsan nasisigawan na niya pero binabaliwala ko nalang kase alam kong nadadala lang siya sa sakit na nararamdaman niya.

Minsan hindi na namin Siya pinipilit kumain kong ayaw niya. Hinahayaan nalang namin siya pero minsan hindi na kinakaya ng kapatid niya at pinapatulan na ito lalo na at minsan nasisigawan niya si Alex kaya pinagtatanggol naman ni LA ito. Walang kibo ang apat lalo na at natatakot na ang mga ito sakanya. Subrang laki ng pinagbago niya simula nong namatay ang papa niya.

Ngayon tahimik lang itong nakatayo sa gilid ng kabaong ng tatay niya habang di pa tapos ang pag mimisa ng pare. Mas ginusto ni LA na iuwi dito sa manila ang labi ng tatay nila para makasama na nito ang nanay nila Abel.

Ng matapos na ang pare ay isa isa naman silang lumapit dito para mag bigay ng bulaklak bago ito tiluyang ibaba at tabunan ng lupa. Naka tingin lang si Abel dito at walang kung anong mababasa mo sa mga mata niya. Walang wala. Ng matapos na ay paunti unti ng nag siuwian ang mga tao pero si Abel ay di parin umaalis sa kinatatayuan niya kanina kaya nilapitan ko na ito.

" Love " mahinahong sabi ko. Pero ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

" Uwi na tayo " sabi ko dito pero wala itong kibo.

" Ok. Sige hihintayin ka nalang namin dito" sabi ko.

" Umuwi na kayo " malamig na sabi nito kaya napatingin ako sakanya.

" Hihintay-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng mag salita ito.

" Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko?. Ang sabi ko umuwi na kayo. Hayaan niyo na ako dito at kaya ko ang sarili ko " matigas na sabi nito. Nakita ko namang magsasalita na sana si LA ng pigilan ko ito.

" Ok sige. Kung yan ang gusto mo. Pero umwi ka agad ok?." Sabi ko dito at kahit natatakot na akong lumapit sakanya ay ginawa ko parin. Niyakap ko ito saglit tsaka may binulong.

" Please bumalik ka na mahal ko." Sabi ko dito at tuluyan ng tumalikod.

Bago pa kami tuluyang makaalis ay tiningnan mo na namin ito at nakita naman namin na umupo ito kaya naisipan naming silipin mo na bago kami umalis. Nag tago kami sa di kalayuan at pinag masdan.namin siya. Ang kaninang tahimik at walang emotion ay umiiyak ngayon. Pinipigilan lang niya kanina ang nararamdaman niya sa harap naming lahat. Masakit sakin ang makita siyang ganyan pero siya na mismo ang tumataboy saamin kahit anong pilit naming wag lumayo.

" Umalis na tayo. Ayukong nakikitang nagkakaganyan ang kaibigan ko " sabi ni Mark at nakita kong pa simple itong pumonas ng luha niya.

" Halina kayo " sabi rin ni Carlos. Kompleto kami ngayon pero sa nakikita ko subrang laki ng kulang saamin. At yon ay si Abel.

Umalis na kami don kong san kami nag tatago at mas pinili ko nalang na umuwi sa condo ko kesa sumama sa kanilang uminum sa bar. Papasok nalang ako bukas dahil ganun rin naman ipagtatabuyan lang ako ni Abel ng paulit ulit.


KINABUKASAN ...

" Good morning doc "

" Doc good morning "

" Welcome back doc "

Yan ang paulit ulit kong naririnig sa ma nurses at doctors na nakakasalubong ko. Pero ngiti lang ang ginaganti ko sakanila dahil sa wala ako sa mood ngayong araw at inaalala ko si Abel. Pagpasok ko sa office ko ay agad na akong nag check ng emails ko at may isang email ang nagpaagaw ng attention ko kaya agad agad ko itong binuksan.

Laking gulat ko nalang ng ma approved ang file na pinasa ko dati na mag train abroad para mas ma develop pa ang kakayahan ko bilang isang doctor. Masaya ako pero inaalala ko si Abel. Ayukong umalis na hindi kami ok. At ayukong iwan siya. Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng biglang may tumapik sakin kaya agad akong napatingin kong sino.

" Bes ikaw pala. Kanina ka pa ba?." Tanong ko dito kase nakataas na ang kilay nitong nakatingin sakin.

" Kanina pa at kanina pa kita kinakausap sa email ma dumating sayo kahapon pero di ka nakikinig. At ano bayang tinititigan mo dyan ha?." Sabi nito at hinarap sakanya ang laptop ko na siyang ikinalaki ng mata niya.

" Wow bes congrats. Matagal mo ng hinihintay to pero ngayon nakuha mo na " sabi nito.

" Oh?. Bat parang di ka masaya?. Ito na ohhh. Pangarap mo to ohhh. " Sabi nito pero bumuntong hininga ako.

" Parang ayuko na bess " sabi ko

" Anong parang ayaw mo na?. Imatagal mong hinintay to " sabi nito.

" Ayukong iwan si Abel. Di ko kayang malayo sakanya " sabi ko kaya napabuntong hininga siya.

" Bess maiintindihan ka non. Lalo na at pangarap mo to nina tito at tita para sayo. Ang gawin mo nalang ay ang kausapin si Abel tungkol dito. Sabihin mo sakanya "sabi niya.

" Bess alam naman natin ang kalagayan niya ngayon. Kita mo namang Siya na mismo ang tumataboy saatin palayo. Kaya di ko alam kong paanu ko siya kakausapin tungkol dito at kung paano ko masasabi sakanya na di ko siya masasaktan. Nangako akong di ko siya iiwan kahit anong mangyari " sabi ko dito.

" Bess na sa sayo parin yan. Basta nandito lang kami. Pag isipan mo monang mabuti bago ka mag decide kung ano talaga ang balak mo. Kung makapag decide ka na at segurado ka na sabihan mo lang ako. Tutulungan ka namin " sabi nito at niyakap ako.

" Siya tama na ang drama at mag trabaho na tayo. Maraming patients ngayong araw at maraming naka miss sayo dito sa hospital kaya hayaan mo muna yang iniisip mo at balik trabaho na mo na tayo. Maraming nangangilangan ng tulong natin " sabi nito at may pa action pa kaya natawa ako sakanya.

" Ayan. Ede mas lalo kang gumaganda pag nakangiti ka. Kaya halikana " sabi nito at hinila na ako sa upuan ko. Kinuha naman niya ang coat ko at ang stethoscope ko tsaka kami lumabas. Sana lang talaga kayanin ko. Di ko kayang malayo kay Abel.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon