C29

65 2 0
                                    

Jobel's Pov

Friday na at lahat sila nandito sa office ko andito rin ang mga kaibigan namin ni Abel nagtatawanan Sila ngayon sa sofa habang may mga pagkain sa harap nila. Si Abel naman ay ito nakayakap sakin ilang araw narin siyang ganto halos ayaw akong bitawan. Kahit sa cr gustong sumonod parang bata rin paminsan minsan pero hinahayaan ko nalang. Halos lahat samin may mga kanya kanyang mundo. Sina Abby naman ay ayon pinaguusapan ang isang patient nila kanina na natipuhan raw ito. Si Bessy naman ay kausap si Carlos ganun rin si Mark at Janin kasama ang tatlo.

" Baby bat di ka nakikisali sa mga kaibigan natin?." Tanong ko dito.

" Ayaw. Dito lang ako " sabi niya at hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin ng biglang umupo sa harap namin si Ej.

" Abel alam mo ba itong si Baby Nics natin nakikipag date na. Kung sino sino na ang kinikita sa mall. Gusto na talaga niyang magka jowa HAHAHA " sabi sakanya ni Carlos.

" Anong date ka dyan?. Hoy, Mr. Wala akong kaalam alam na kung sino sinong mga unggoy ang tinatawagan niyo para lang kitain ko. At ako naman tong si tanga na nagpapauto sainyo. Aba. Ang buong akala ko kaya niyo ako tinatawagan ay para sundan kayo sa kung saang mall para mag libot libot di ko naman alam na kung sino sino na pala ang binobogaw niyo sakin mga walang hiya kayo." Nakapamiwang na sabi nito.

" Mag jowa ka na kase Baby Nics lahat na ata satin dito may minamahal na. Ikaw nalang kulang." Sabi pa ni Mark.

" Wala pa nga sa isip ko yan " sabi naman ni Nicole.

" Asus. Baka naman hinihintay mo pa yong ex mong nangiwan sayo sa ere?. Naku, wag na wag lang yang magpapakita sakin at baka ikulong ko yan ng wala sa oras." Sabi pa ni Carlos.

" Oo nga. Wag lang talagang mag cross ang landas namin non kung hindi ako mismo ang huhukay ng libingan niya" sabi naman nitong nakayakap sakin na ikinatawa naman nila. Si Nicole naman ay nakabusangot.

" Tigil tigilan niyo nga ako. At isa pa kung bumalik man Siya. Wala na siyang babalikan no. Ano?. Pagkatapos ng lahat lahat babalik siya na parang walang nangyari?. Baka ako pa mismo ang papatay sakanya." Sabi niya. Nag kanya kanyang react naman ang mga kaibigan namin at nagtawanan. Inis na inis na si Nicole sa mga pantitrip ng mga kaibigan niya peri kami tawa lang ng tawa.

" Abel napapansin ko lang ahhh. Tatlong araw ko na kaseng nakikita si Alex na laging naka tambay sa kabilang kanto malapit sa eskwelahan niya. At ang mga kasama pa niya ay ang mga gangster sa eskwelahan nila. Alam mo ba to?." Tanong nito kay Abel kaya napahiwalay sa yakap sakin si Abel at lahat sila ngayon ay nasaamin ang attention.

" Malaki na si Alex alam na niya ang ginagawa niya. Kung nakita mo man Siya don ay seguro kasama niya ang mga bago niyang kaibigan. Hayaan mo Siya yon ang gusto niya ehhh " sabi nito at nakita kong parang di kombinsido ang mga kaibigan namin.

" Hahayaan mo lang siya ganun?." Tanong pa nito.

" Kung don siya masaya bat ko siya pipigilan?. Sino ba naman ako para ipagkait sakanya ang kasiyahan niya diba?. Ate lang ako wala akong karapatang pigilan siya sakung ano ang gusto niya " sabi nito.

" Abel naririg mo ba ang sinasabi mo?." Tanong sakanya ni Mark.

" Wag nanating pag usapan to. Nasa tamang edad na si Alex at alam kong alam niya ang ginagawa niya" sabi nito at biglang umalis. Wala naman sakanilang sumunod sakanya. Tahimik lang sila na parang di makapaniwala sa sinabi ni Abel. Di mo Sila masisisi knowing Abel napaka overprotective niya sa kapatid niya.

" Talaga bang nasabi ni Abel yon?." Tanong ni Nicole.

" Grave si Abel ba talaga yon?." Sabi pa ni Bessy.

" Ano bang nangyari Ej at bakit nandon si Alex?." Tanong ni Mark.

" Pauwi na ako non ng madaanan ko siya kasama ang mga kaibigan niya. Bumaba ako para sana puntahan siya ng marinig ko ang mga usap usapan ng mga nakatambay don sa tindahan na mga gangster daw ang mga yon sa eskwelahan nila ang kasama niya. Mga di mapagkakatiwalaang tao. Nong nilapitan ko siya para sana yayain ng umuwi pero nagpumiglas ito at sinabing di niya ako kilala " pagkatapos sabihin ni Ej yon ay nabigla ako. Makikita mo rin sa kanila na parang di sila naniniwala.

" Pinagloloko mo ba kami?. Sa tingin mo ba sasabihin yan ni Alex na di ka niya kilala?." Sabi ni Carlos.

" Maniwala kayo. Totoo ang sinasabi ko. Kung ayaw niyong maniwala mamaya sumama kayo sakin at dadalhin ko kayo don. Palagi silang nakatambay sa lugar nayon." Sabi nito.

" Mabuti pa ng malaman natin kong ano ba talagang ginagawa niya don at sino ang mga kasama niya. Alam kong may mali sa mga kinikilos ni Abel at sa mga pinagsasabi niya kanina. Alam kong may di magandang nangyayari sakanilang dalawang magkapatid." Sabi ni Mark at tumango naman sila.

" Alam kong wala ako sa lugar para sabihin to. Pero dahil sa kaibigan ko rin kayo. Dapat lang na malaman niyo ang nangyari" sabi ko at lahat naman sila napatingin sakin.

" Unang araw ng pag leave niyo ay sumama sakin dito si Abel pero nag paalam rin dahil sa pupuntahan niya raw ang kapatid niya at baka nagtatampo na raw dahil sa subrang busy nito sa trabaho. Pero ang diko alam may nangyari na pala kaya ikaw ang sumundo sakin non dito Nics." Sabi ko at pilit namang inaalala ni Nicole.

" Tama naalala ko na nong tumawag siya sakin non ay parang iba na ang boses niya non. Akala ko lang namaos sa kakasigaw." Sabi nito.

" Lasing na siya non at nong tumawag ako sayo Mark para itanong kong nagkita kayo ni Abel at kung may nangyari ba. Nong gabeng yon. Lasing na lasing siya ng maabutan ko siya sa kusina. Maraming nakakalat na bote ng alak na di naman niya gawaing uminom ng wala ako. Kilala niyo naman ang kaibigan niyo. Di umiinum yon ng wala ako at kung di siya makakapag paalam sakin. Pero nong gabeng yon ay alam ko ng may mali. " Sabi ko sa kanila. Nakikinig lang sila sakin kaya sinabi ko na rin sa kanila ang lahat at lahat sila ay parang di makapaniwala sa nalaman nila.

" Di gagawin ni Alex yon. Kilala ko siya di niya magawang saktan ang damdamin ng kapatid niya. Subrang mahal ni Alex si Abel segurado akong may rason si Alex kung bat niya nagawa yon." Sabi ni Mark at nag si tango naman sila.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon