C35

68 2 0
                                    

Jobel's Pov

Pagpasok namin ay nagkakagulo sila kaya napailing nalang ako. Mabuti nalang at sinaway sila ni papa kaya nanahimik rin.

" Kakasabi lang ni doc na kailangan mo ng sapat pahinga ni Abel pero kayo ginogolo niyo agad. Maghintay kayo na tuloyan na siyang magaling tsaka niyo bogbogin " sabi nito namas lalong nagpailing sakin dahil sa mga nakangiti ngayon ang mga walang hiya.

" Tama.nayan at samahan niyo nalang ako bumili ng pagkain. Alex magpahinga ka na muna " sabi ni papa at lumabas na silang lahat. Kaming tatlo nalang ang naiwan dito.

" Mga ate pahinga mo na ako ahhh. Bahala na kayo dyan HAHAHA " Baliw rin tong isang to ehhh.

" Baby kamuzta pakiramdam mo?. May masakit pa ba sayo?." Tanong ko rito.

" Yong ulo ko po doc medyo masakit " sabi nito.

" Wag mo nga akong ma doc doc dyan " sabi ko dito.

" Pahinga ka mo na at mag palakas. Ayuko ng nakikita ka dito na nakahiga " sabi ko dito at tumango naman ito.

" Dito ka. Tabi tayo " sabi niro at umusog ng konti kaya umupo nalang ako sa tabi niya at niyakap ako nito.

" Alam mo ba. Nag kita kami ni mama bago ako magising " sabi nito kaya napatingin ako sakanya.

" Sabi niya sakin. Proud na proud daw siya dahil sa nagawa ko ang pangako ko sakanya at nagawa ko ring patawarin ang ama namin. Alam mo bang gusto ko na sanang sumama sakanya pero pinigilan niya ako. Dahil yon sayo kaya niya ako pinigilan. Kase hinihintay mo raw ako at hindi mo ako iniwan kahit saglit. Ayaw niya akong umalis kase marami pang nangangilangan ng tulong ko. Kailangan pa raw ako ng bayan " sabi nito pero ang hindi ko alam ehh. May mga luha na palang na momoo sa mga mata ko.

" Mahal ko naman ehhh. Nag eemote ako dito tas iiyak ka naman " sabi nito na parang bata.

" Hindi. Masaya lang ako kase sinunud mo ang sabi ng mama mo. Alam mo bang takot akong iwan ka. Dahil baka pag iniwan kita ay mawawala ka sakin?. Halos don na nga ako kumakain sa loob ng ICU dahil ayukong mawala ka sa paningin ko." Sabi ko dito at mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap nito sakin.

" Tahan na. Di naman ako mawawala ehhh. Promise ko sayo. Na ito na ang huling mapapahamak ako. Magiingat na talaga ako sa susunod " sabi nito.


" Alam mo love. Nong nakita kitang duguan na dinala dito. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko at subrang hina ko. Dahil di ko inaasahan na makikita nanaman kita pero dito pa. Takot na takot ako non na baka ano mang oras iiwan mo nanaman ako." Sabi ko dito.

" Di naman ako nag aalala sayo pag meron kayong mga mission na pinupuntahan dahil sa malaki ang tiwala ko sayong babalik at babalik ka sakin na walang kahit anong galos sa katawan. Ang sakin lang kase love sana naman last na to?. Ayuko ng sa susunod na mag kita tayo nasa morgue ka na. Ayuko ng ganon love baka di ko na kayanin sa susunod " sabi ko dito pero seryoso lang itong nakatingin sakin.

" Pinapangako ko mahal ko. Tahan na baka mamaya sabihin nila lumabas lang sila panaiyak na kita " sabi nito kaya natawa naman ako kahit papano dahil sa para itong bata kong mag salita.

" Umayos ka na nga at magpahinga ka. Gisingin nalang kita mamaya pag andito na Sila. Dahil for sure umuwi ang mga yon para ayusin ang bahay mo." Sabi ko dito at narinig ko naman itong tumawa kaya napapailing nalang ako at niyakap narin siya hanggang sa makatulog narin ito.




Mark's Pov

Nandito kaming lahat ngayon sa bahay ni Abel at nakapag decide kami na maglinis mo na dito dahil alam naming mag uusap silang dalawa sa hospital.

" Tara na " sabi ni Nicole at nauna ng pumasok.

" Holy sh*t " agad na sabi nito ng makapasok.

" Bumagyo ba rito?." Sabi naman nitong si Ej.

" Sabi sainyo ehhh. Ito ang naabutan namin ni Mark " sabi ni Carlos.

" Grave palang mag wala yong kapatid kong yon " sabi ni LA na tawa lang ng tawa.

" Mabuti nalang kamo at di niya sinira ang bahay niya. Pag sumabog yon. Di lang ganto ang ginagawa niya. Wala yong control naalala ko pa nga non. Nong napaaway ang kapatid niya at wala siyang nagawa halos sirain niya ang bahay sa galit " sabi ni tito na siyang ikinagulat namin.

" Yeah HAHAHA nakita ko yon. Dahil kasama ko si Dad ng dumaan kami sa kanila para masilip sila kahit papano " sabi ni LA.

" Mas nakakulat lang talaga pag sa malapitan mo makikita. Ibang klase parang bigla akong natakot sakanya " sabi pa nito kaya napabuntong hininga nalang kami at natawa.

" Mabuti pa magsimula na tayo. Kayo ng bahala kong san kayo magsisimula. Dahil panigurado hanggang taas meron pa yan." Sabi ko at sinimulan ng kunin ang walis.

" Parang ilang bagyo ang dumaan dito. Grave diko inaasahan na may gantong side pala si Major. Kung ito mag tuloy tuloy naku. Segurado akong si Jobel na ang bobogbog sakanya " sabia ni Ej kaya natawa kami.

" Baka di lang bogbog baka kamo patayin HAHAHA " Sabi naman ni Janin.

" Walang palag sakanya si Major alam niyo naman yon " sabi pa ni Carlos at nag sabay sabay pa silang apat na nagsalita.

" UNDER " sabay nilang sabi kaya natawa nalang kami. Kong ano ano pa ang napag uusapan namin at nakikinig lang samin sina tito at LA minsan nakikisali sila samin pero madalas nakikitawa nalang sila.

" Teka. Awat mo na pagod na ako." Sabi ni Carlos.

" Sakit narin ng tyan at likod ko " sabi ni Nicole.

" Same " sabi pa ni Janin.

" Pahinga mo na guys. Di ba kayo napapagod?. Anong oras na kumain mo na tayo " sabi naman ni Ej. Napatingin naman ako sa relo na siyang magisang nakakabit nalang ngayon sa pader at tama nga siya at late narin.

" Sige na. Kami nalang ang mag luluto pero kayo nalang rin mamaya mag dala ng makakain nila sa hospital at didiretso kami ng uwi ni LA mamaya " sabi ni Tito.

" Di po kayo babalik ng hospital tito?." Tanong ko.

" Babalik nalang kami bukas. May aasikasohin pa kase kami at kailangan nanaming bumalik dahil sa may trabaho pa itong si LA at may aasikasohin naman ako." Sabi nito kaya tumango nalang ako.

" Nanginginig na yong tuhod ko. Pero di parin tayo tapos " sabi ni Nicole.

" Kunti nalang yan. Mas mabuti segurong mag hati tayo. Kami nalang ni Carlos dito sa baba at kayong tatlo naman sa taas. Para kung sakaling makatapos kami dito tutulungan namin kayo sa taas para mapabilis ang ginagawa natin. Di naman natin alam kong kailan makakalabas si Alex at Abel. Kaya mas mabuting malinis natin to bago sila dumating." Mahabang sabi ko at dahil nga sa pagod ay tumango nalang sila at paunti unting nakakatulog. Pumikit narin ako at subrang pagod talaga ang nararamdaman ko ngayon.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon