C30

76 2 0
                                    

Abel's Pov

Nandito lang ako sa rooftop ng hospital nagpapahangin ng may umupo sa tabi ko at ng tingnan ko kung sino si Mark pala at si Janin.

" Tama nga si Jobel dito kalang namin matatagpuan." Sabi ni Janin.

" Ginagawa niyo rito" tanong ko sakanila.

" Ano pa ngaba?. Ede hinahanap namin ang pogi naming kaibigan" sabi ni Mark kaya natawa ako sa sinabi niya.

" Loko loko " tanging sabi ko.

" Matagal tagal narin nong huli tayong magkasamang tatlo. Subrang busy narin kase tayo sa trabaho. Nakalimutan nanating bigyan ng oras ang isat isa " sabi ni Mark at tumango naman ako dahil tama naman siya.

" Alam mo Bel ito payong kaibigan lang. Kung ako sayo. Susunduin ko na ngayon si Alex kase ayukong dumating yong pagkakataon na may mangyaring masama sakanya. Alam mo naman sa panahon ngayon. Di mo alam kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan. Mas mabuti ng masegurado ang kaligtasan ng bawat isa. Lalo ka na dahil subrang dami ng nakakakilala sayo. Marami rin ang galit sayo at alam mo yan baka mamaya di naman natin hinihiling pero baka sa galit nila sayo. Si Alex ang gamitin nila laban sayo at alam naman natin na ayaw mong may mangyaring masama sakanya at ayaw mo siyang madamay " sabi ni Janin. Napaisip naman ako don at taman siya.

" Mamaya aalis kami dadalhin kami ni Ej kung san siya nakita. Ano?. Sasama ka?." Sabi sakin ni Mark kaya di na ako nag dalawang isip na tumango sa kanila.

" Sasama ako " sabi ko at ngumiti naman sila sakin.

Tumambay pa kami saglit dito sa rooftop bago kami umalis. Di na ako bumalik don at nag message nalang ako kay Jobel naintindihan naman niya kaya tumuloy na kami.

" Ej segurado ka bang dito?. Wala.naman akong nakikita kahit anino manlang ni Alex ehhh " sabi ko.

" Sandali mag tatanong tayo " sabi ni Carlos at lumapit don sa babaeng nagtitinda sa gilid.

" Ali pwedi ho bang mag tanong?." Agad na sabi ni Carlos.

" Ano ho yon?." Sabi nito.

" Natatandaan niyo pa po ako?. Ako po yong nakita niyong nilapitan yong grupo ng kabataan na nagtatambay dyan. Gusto sana naming sunduin yong bunso.naming kapatid ehhh. May nakita po ba kayong mga kabataan dyan kanina?." Sabi ko at tinuro kong san sila lagi nakatambay. Nag dadalawang isip naman ito kung sasagot o hindi kaya nagsalita na ako.

" Mga police kami. Ako si Major De Leon at sila naman ang mga kasamahan ko kapatid namin ang hinahanap namin. Kaya miss wag mo ng hintayin na uminit ang ulo ko at baka makulong kita ng wala sa oras " sabi ko at naramdaman ko namang hinawakan ako ni Nicole pero wala akong pakaelam hanggang sa nagsalita na ang babae.

"Sumunod po kayo sakin " sabi nito. Nagtinginan naman kami bago kami sumunod sakanya at dinala niya kami sa isang Kubo. Kumunot naman ang noo ko kung bakit don niya kami dinala.

" Anong ginagawa natin dito?." Sabi ko.

" Nandito siya " sabi nito at pumasok sa loob. Nagdadalawang isip pa kami kung sasama ba kami kase baka kung ano ang meron sa loob. Pero para kay Alex tumuloy kami.

" Ate dito na yong-" di na natuloy yong sasabihin ng kakapasok lang ng makita kami at nanlaki ang mata nito ng makita kami.


" Teka. Parang namumukhaan kita ahhh. Diba ikaw yong kasama ng kapatid ko nong hinatid niyo siya sa bahay?." Sabi ko pero namumutla na ito ngayon.

" A-ate a-anong ginagawa nila dito" sabi nito na di man lang maalis ang tingin samin. At napadaku naman ang tingin ko sa hawak niyang damit.

" Aya tama na. Ibalik mo na sakanila si Alex palayaan mo na siya " sabi ng ali kanina kaya lahat kami napatingin sakanya.

" Anong sinasabi mo?. Anong nangyari kay Alex?. Anong ginagawa mo sa kapatid kong hayop ka?." Galit kong sabi tsaka siya hinawakan sa kwelyo niya na siya namang pagpigil sakin ng mga kasamahan ko.

" MAGSALITA KA. NASAAN ANG KAPATID KO?." Sigaw ko dito.

" Major tama na " sabi nila pero di ko sila pinapakinggan.

" Ilabas mo ang kapatid ko bago pa kita mapatay " sabi ko dito at malakas siyang tinulak sa pader.

" Aya ano ba. Ibalik mo na sakanila. Maawa ka naman sakin " sabi ng babae.

" Ate ayuko. Mahal ko si Alex ayukong pakawalan siya ate " sabi nito kaya nagulat kaming lahat ng bumulagta ito sa sahig.

" Tarantado ka. Ano??. Aagawan mo pa ako ha???. Ilabas mo si Alex " gigil sa sabi sakanya ni Ej.


" Ilalabas mo o papatayin kana namin ngayon mismo " sabi ni Mark at tinutukan nila ito ng baril ni Carlos.

" GUYS " rinig naming sigaw mula sa loob.

" Bantayan niyo yan " sabi ko at dali daling pumasok at naabutan ko si Nicole sa labas ng pinto.

" Anong nangyari?." Tanong ko dito pero di ito nagsalita kaya tiningnan ko kung anong meron sa loob at para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko.


" Major " rinig kong sabi nila pero ako di makagalaw habang nakatingin sa kapatid kong nakahiga sa sahig na tanging pang ibaba lang suot.

" F**** "


" P********** "

" S**** "

" AAARRGGHHHHHH "

Yan lang ang mga naririnig kong sigaw nila at halos di ko maalis ang tingin ko sa kapatid kong walang malay. Kung ano ano ang tumatakbo sa isip ko. Binabalot na ako ng Galit.

" G*G* KA " rinig kong sigaw ni Ej at lumabas. Nakita ko namang agad na nilapitan ni Mark si Alex at itinakip sa katawan nito ang jacket niya.

" Papatayin kitang hayop ka " tanging nasabi ko bago ako lumabas at nakita kong binubugbug siya ni Ej at sapilitan siyang inaawat ni Janin at Nicole.

" G*G* KA PAPATAYIN KITA " sigaw ko at binigyan Siya ng isang malakas na suntok, Tadyak, sipa at tinatapon sa kung san saan.

" ANONG GINAWA MO SA KAPATID KO HA???." Sigaw ko dito tsaka siya pinakawalan ng isang suntok. Naawat naman ako ni Carlos.

" BITAWAN NIYO AKO. PAPATAYIN KO YAN." Sigaw ko pero di ako binibitawan ni Carlos hawak hawak rin ng dalawang babae si Ej habang si Mark naman ay nakita kong nilapitan ang Aya tsaka sinuntok at sinipa. Napangiti naman ako sa ginawa niya.


" TARANTADO KA ANONG GINAWA MO HA???. DI MO BA ALAM KONG SINO ANG BINABANGGA MO AT KUNG SINO KAMI HA????." Sabi pa nito tsaka sinipa ulit. Binitawan naman ako ni Carlos at dali daling pumonta don tsaka tinadyakan ang Aya. Susunod na sana ako ng mabilis akong napigilan ni Nicole.

" Tama na " gigil na sabi nito.


" KAYO TAMA NAYAN. MAPAPATAY NIYO NA YAN. HAYAAN NIYONG SA PRISINTO YAN MATUTU " sigaw ni Nicole at baka pa siya tigilan ni Carlos ay binigyan mo na ito ng malakas na suntok dahilan para mawalan ito ng malay. Agad naman akong kumawala sakanya at mabilis na pumasok sa loob.


" Alex " sabi ko at halos di ko siya magawang hawakan. Nanginginig ang buong katawan ko. Namumula ang braso at pisngi nito.

" Boss kailangan nanatin siyang dalhin sa hospital " napalingon ako sa nagsalita at si Mark pala ito. Agad kong binuhat si Alex at dali daling sinakay sa kotse. Sina Mark Carlos at Janin nalang ang nagdala sa tarantadong yon sa prisinto at kami naman ay sumugod sa hospital.


" TULONG " sigaw ni Nicole at dali dali namang nagsidatingan ang mga doctor at nurse para asikasohin kami.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon