c16

73 2 1
                                    

Abel's Pov

Ng ok na ang lahat ay sumakay narin kami sa pick-up ni tito at ako narin ang nag drive katabi ko naman si Mark at nasa likod naman si Carlos, Ej, Sam and Kyle. Yong mga babae?. Nasa likod ayaw umupo dito sa loob. Habang nasa daan ay maraming napapatingin salikod ng sasakyan. Malamang nandon ang mga babae namin kaya lahat kami salubong ang kilay sa loob ng sasakyan.

Kaya hininto ko sa gilid ang sasakyan pero syempre dahan dahan lang at baka mapanu sila sa likod. Agad namang bumaba si Mark, Carlos at EJ naiwan naman kaming tatlo dito sa loob. Lumipat naman sa tabi ko si Kyle kaya bumaba mo na ako saglit para tingnan sila sa likod.

" Anong ginawa niyong tatlo dito?." Rinig kong tanong ni Janin. Pero seryosong nakatingin lang sakanya si Mark.

" Don nga kayo sa likod. Girls bonding to kaya alis " masungit na sabi ni Cy kaya napakamot nalang ng batok si Carlos HAHAHA under.

" Hoy, De Leon papaalisin mo Sila dito o sasapakin kita?. Mensan ngalang kami mag bonding ng mga girls ehhh. Don kayong tatlo sa loob kung ayaw niyong sipain ko kayo dyan." Galit na sabi ni Jobel kaya agad namang bumaba ang tatlo.


" Mag bonding kayo dyan. Di yong sisirain niyo ang moment namin dito " pahabol pa ni Nicole.

" Anong tingin yan Abel?." Taas kilay na sabi ni Jobel sakin. Kaya napabuntong hininga ako tsaka tumingin don sa mga lalaking nakatingin samin.


" ANONG TINITINGIN TINGIN NIYO?. BAKA GUSTO NIYONG DUKUTIN KO YANG MGA MAYA NIYO AT IPAKAIN SA ISA " galit kung sigaw sa kanila kaya agad naman silang tumalikod. Tiningnan ko mo na sila saglit sa taas na nakataas kilay lang na nakatingin saming apat.


" Tara na " sabi ko sa kanila at agad naman kaming sumakay. Binuksan ko nalang yong bintana para makita ko yong mga pangit sa daan.

" Grave. Di ko inaakala na may mas matapang papala kesa satin " sabi naman ni Carlos.


" Sinabi mo pa. Mamaya bali bali nanaman mga boto ko nito kay Janin." Sabi naman ni Mark.


" No comment nalang ako. Alam naman nating lahat na mga amazona ang mga minahal natin kaya wag dapat tayong mag reklamo." Sabi nalang ni Ej at tumingin nalang rin sa bintana.

" HOY ANO BA?. AANDAR BA KAYO O MAIIWAN KAYO DITO SA DAAN " nagulat naman ako sa bigla nalang pagkalabog ng sasakyan sa taas. Bigla naman akong kinabahan sa Sigaw ng mahal ko kaya agad kong pinaandar ang sasakyan para makaalis na kami.


Ng makarating na kami sa hacienda de Santos ay agad namang namangha ang mga kasama namin.


" Akala ko ba bukid?. Bakit hacienda naman itong nasa harap namin?." Tanong ni Nicole.

" Bukid talaga ang tawag nila dito. Kahit hacienda naman dapat. Ayaw kase nila mama at papa na sabihan silang mayaman dahil lang sa may hacienda sila. Alam niyo naman ang mga tao dito. Kung ano ano mga nasa isip." Sabi ni Cy.

" At kelan kapa natutung mag mama at papa sa magulang ko aber?." Tanong ni Jobel.


" Kanina lang. Sabi ni papa pag mag tito at tita parin ako ipapa banned na niya ako sa barangay niya. Ayuko namang mangyari yon no. Kaya ayon adopted sisters natayo bruha " Sabi nito napairap nalang rin si Jobel.

Don ko lang napansin na pare pareho sila ng suot na shorts. Napatingin naman ako sa limang kasama ko at nakangiti lang silang nakatingin sakin.

" Jobel?. Bumalik ka " napataas naman ang kilay ko sa lalaking yumakap kay Jobel kaya agad ko itong hinila papunta sa likod ko.


You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon