C6

91 2 0
                                    

Jobel's Pov

" Bat andito ka sa labas" malamig sa sabi nito kaya tumaas lahat ng balahibo ko.

" Hinihintay ka " matipid na sabi ko. At nakita kong inayos niya ang kumot ng tatlo.

" Di moko kailangang hintayin Doc Santos at isa pa di mo trabaho ang hintayin ako. Trabaho kong bantayan kayo at seguradohin ang kaligtasan niyo. At bukas na ang trabaho niyo kaya magpahinga kana " sabi nito at tatalikod na sana ng hawakan ko siya sa kamay. Napatingin naman siya don pero di ko ito binitawan.


" Mag usap tayo please " sabi ko at pilit na pinipigilan ang mga luha kong pumatak.

" Wala na tayong dpat pag usapan Doc. Mauuna na ako at marami pa akong gagawin " sabi niya pero hinigpitan ko ang pagkakahawak sakanya.

" Matagal kong hinintay to Abel at sa pagkakataong to maguusap tayo sa ayaw at sa gusto mo. Kaya sumunod ka sakin " sabi ko sakanya at nauna ng mag lakad. Naramdaman ko nalang na sumusunod ito sakin hanggang sa makarating kami sa di kalayuan.


" Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin at may trabaho pa ako " cold na sabi nito kaya huminga ako ng malalim bago ang salita.

" Mali lahat ng iniisip mo at ang nakita mo noon" di na ako nagpaligoy ligoy pa at diretsong sinabi ko na ito sakanya. Kaya napatingin ito sakin.

" Yan lang ba?. Aalis na ako" sabi nito at tatalikod na sana ng mahila ko ito sa likod kaya napadaing ito sa sakit.


" P-pasensya na. Di ko sinasadya " sabi ko at napaiyak nalang ng makita kong nasaktan siya sa ginawa ko.


" Ano ba talagang gusto mo?.", Inis na sabi nito.


" Gusto ko lang naman magpaliwanag" mahinang sabi ko pero umiiyak na ako ng maramdaman kong may yumakap sakin kaya napaangat ako ng tingin at nakita kong niyakap nya ako.

" Tahan na. Di ko sinasadya" sabi nito kaya di na ako nag aksaya na yakapin siya pero narinig ko namang dumaing nanaman ito kaya nagtataka na ako.

" Anong nangyari sayo?." Tanong ko pero umiling lang siya.

" Sabihin mo na kong ano man yon. Para matapos na to" sabi nito sakin kaya huminga ako ng malalim bago nagsalita.



FLASHBACK 2YEARS AGO ..

naglalakad ako sa hallway ng hospital ng may biglang humila sakin at ng tingnan ko ito ay si Doc. Tolentino pala.

" Doc Jobel may kailangan kang malaman " sabi nito kaya napakunot ang noo ko.

" Ano yon doc?." Tanong ko pero nagulat ako sa sinabi niya.

" Mahal kita doc. Matagal na matagal lang akong naghintay na mapansin mo ako. Pero bigla kong nalaman na may mahal ka na palang iba." Sabi nito pero di ako makapag salita dahil sa gulat.

" Ako nalang doc please " sabi nito kaya inis ko siyang tiningnan.

" Pinagsasabi mo doc?. Mahal ko si Abel di ko siya kayang iwan para sayo. Di lang naman ako ang babae sa mundo doc. Makakahanap karin ng mag mamahal sayo " sabi ko sa kanya at umiling iling ito pero di ko inaasahan ang sunod niyang ginawa na mas lalo ko pang ikinagulat ng halikan niya ako.

Di agad ako naka kilos pero nong naramdaman kong gumalaw na ang mga labi niya ay agad ko siyang tinulak at sinampal. Kasunod non ay ang narinig kong parang may bumagsak kaya agad akong napatingin at di ko alam ang gagawin ko ng makita ko si Abel na nakatingin saamin at biglang tumakbo paalis. Hahabulin ko sana siya ng hawakan niya ako sa braso.

" Wag mo na siyang habulin doc. Nandito naman ako ehhh " nakangiting sabi nito kaya di na ako nakapag pigil ng sinuntok ko siya.


" F*** *** " sigaw ko at hinabol siya pero di ko na siya naabutan kaya napaiyak nalang ako ng araw nayon.

END OF FLASHBACK.

Nakikinig lang siya habang sinasabi ko yon at wala akong nakitang kong ano sa kanya ng mag salita siya.

" Matagal ko ng alam yan. Hinihintay ko lang na ikaw mismo ang mag sabi. Pero alam mo ba kong ano yong mas masakit?." Sabi nito pero di ako nakapag salita kase wala akong alam sa mga sinasabi niya.

" Yon ay yong di kita hinayaang magpaliwanag. Yong hinayaan akong kainin ng pride ko. Matagal ko ng alam Jobel ilang months lang bago ako mapunta dito " sabi nito at tumingin sa malayo.

" P-panu?." Tanong ko.

" Aksidente na nabangga niya ako sa airport kaya don na kami nakapag usap kesa sa mag sorry siya sa pagbangga sakin." Sabi nito at ngumiti.

" Pero wala ehh. Naging gago ako na di manlang kita hinayaang magpaliwanag noon " sabi nito kaya di na ako nag dalawang isip na yakapin siya. Pero sa leeg lang kase baka mamaya masaktan ko nanaman siya.


" Sorry " sabi ko nalang at pumatak nanaman ang mga luha ko.


" No. You don't have to. I'm sorry kase naging gago ako. Sorry kung mas pinairal ko ang pride ko kesa pangikinggan ka sorry kung-" di kuna siya pinatapos sa sasabihin niya ng hinalikan ko siya. Na miss ko ang mga labing to. Subra ko siyang na miss.

" Nabibingi naku kaka sorry mo. Pwedi bang kalimutan nalang natin ang nangyari noon?. Dahil subrang na miss kita mahal ko " sabi ko at siya naman ngayon ang napaiyak at niyakap ako ng mahigpit.


" Hey, what's wrong?." Tanong ko dito pero umiling lang ito at humahagulhol ng iyak.

" May masakit ba sayo?. Ano?. Sabihin mo nag alala na ako sayo " tanong ko sakanya pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Hinayaan ko lang mo na siya hanggang sa maging ok na siya.

" Di ko inaakala na pagkatapos ng lahat lahat ay mahal mo parin ako " sabi nito habang nakayakap parin sakin.

" Wala namang nag bago ehh. Kahit wala ka sa tabi ko araw araw naman kitang minamahal. Minahal pa nga kita lalo na umabot na sa point na halos bakuran na ako ng apat kase maraming gustong kumuha ng puso ko na nakalaan lang para sayo " sabi ko sa kanya kaya napahiwalay agad siya sakin.


" Sino sino ang mga yon?." Nakataas kilay niyang sabi kaya natawa ako na nagpakunot ng noo niya.


" Wag ka ngang ganyan. Kahit naman anong gawin nila di naman nila ako makukuha sayo. At isa pa may utang ka sa mga kaibigan mo na halos sila ang nag alaga sakin nong umalis ka. Hatid sundo nila ako at binabakuran HAHA may kasalanan karin sakanila dahil dyan sa pagsusungit mo." Sabi ko kaya nag pout HAHA ang cute.

" Malaki laki narin pala ang utang ko sa mga yon. Pagkatapos ng mission nato dadalhin ko kayo kong san ako namalagi ng 2years " sabi nito.

" Baka may babae ka na don " sabi ko pero kumunot ulit ang noo niya.

" Wala ahhh. Di ko magagawa sayo don. Kahit umalis ako ikaw parin laman ng puso ko mula noon hanggang ngayon at magpakailan man " sabi nito kaya nahampas ko siya sa braso.

" Aray naman love. Sakit parin ng hampas mo ahhh." Sabi nito sakin.

" Ok na ba tayo?." Tanong ko sakanya.

" Oo naman. Hinalikan mo na nga ako ehhh. Magpapakipot pa sana ako kaso wala na. Finish na " sabi nito kaya natawa ako. Pero ang kasunod non ay naramdaman ko ang mga labi niya sa labi ko kaya napangiti ako.


" Subra rin kitang na miss kaya pagbigyan mo na ako ngayon mahal ko " sabi nito at naghalikan lang kami don hanggang sa kong san san na napupunta ang mga kamay niya. Pero pagkatapos non ay nagpahinga na kami. Hinatid niya ako sa tinutuloyan namin bago siya pumonta sa kubo niya pero bago yon ninakawan mo na ako ng halik bago umalis. Bukas nanamin titingnan ang likod niya kase madilim na at bukas pa dadating ang mga gamit namin.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon