C13

76 4 0
                                    

Abel's Pov

Masaya kaming kumakain habang nagkwekwentuhan ng biglang nalang kaming nakatanggap ng tawag sa radio na ikinatigil naming kumain ni Mark at sabay na nagtinginan.

" Captain Mark Fuentes may parcel na ipinadala sayo galing kay Ashley Blanco paki received nalang dito sa station. Salamat " pagkatapos sabihin yon sa radio ay nagmadali kaming tumayo kahit di pa kami tapus kumain at tumakbo ng mabilis papunta don pero nahuli na kami.

" Nagkakamali kayo ng iniisip " hingal na sabi ko at hinahabol ang hininga.

" Tama. Alam mo namang may pinsan akong babae diba?." Sabi ni Mark na nakatingin kay Janin pero nakataas lang ang kilay nito at hawak hawak ang isang litrato at sulat. Kagay ko habol hininga rin si Mark at pareho kaming kinakabahan. Habang si Jobel naman ay hawak hawak ang isang litrato na nasisigurado kong yon ay nong coffee shop.

" Sino sa dalawang to ang pinsan mo Mark?. Kailangan niyong sumagot ng tama dahil kong hindi humanda kayo " banta samin ni Janin.

" Kaliwa/Kanan " sabay naming sabi kaya na alarma na ako at sumagot ulit pero pareho lang kami ng sinagot kaya kinakabahan na ako ngayon.

" Sumunod ka sakin " sabi sakin ni Jobel na matalim akong tinitingnan. Patay na.

" Ok " sabi nitong katabi ko pero nagsalita si Janin.

" At san ka pupunta?." Sabi nito na nakataas ang kilay.

" A-akala ko kase ako ang tinatawag " sabi nito at nakita kong napalunok ito.

" Sundan mo na " sabi nito sakin sabay siko kaya napabuntong hininga nalang ako at sumunod sakanya hanggang sa makarating kami don sa puno na tinatambayan ko minsan. Alam kong nalilito na sila saamin pero talagang kinakabahan ako ngayon.

" Major mukang ginalit mo ang reyna ahhh." Rinig kong sabi sakin ni Cy ng mapadaan ako sa gawi nila. Pinigilan niya kase ako sa braso.

" Wag kang maingay baka mamaya patayin ako niyan " bulong ko ng bigla itong lumingon kaya napatayo ako ng tuwid.

" Ano pang ginagawa mo diyan?. Wag mong susubukang humingi ng tulong dyan kay Cy kong ayaw mong pag untogin ko kayong dalawa " sabi nito kaya mas lalo akong kinabahan ramdam ko narin ang mga pawis kong pumapatak.

" L-love m-mag papaliwanag ako " subrang kinakabahan na talaga ako at nanginginig na ang tuhod ko.

" Bilisan mo Abel kong ayaw kong kaladkarin pa kita " sabi nito at tumalikod na.

" Cy tulungan mo ako " pagmamakaawa ko sakanya.

" Sundan mo na kilala mo naman yan di yan magagalit ng subra kong alam niyang wala kang ginawang mali " sabi nito at tinulak na ako kaya sumunod nalang ako sakanya haggang sa makarating kami sa may puno.

" Explain " sabi nito kinakabahan man ay pinilit kong magsalita.

" D-di ko naman kilala yong babae " sabi ko at napayuko nakita ko namang napatingin ito sakin ng masama.

" Di mo kilala?. Pero magkasama kayo???. Di lang isang besis pero dalawang besis pa " sabi nito sakin.

" Hindi naman kase talaga ehhh. Yang hawak mo yan yong araw na na set up ako ni Mark kase nga gusto na niya akong mag ka jowa pero ayaw ko. Kaya nong nasa isang table na kaming apat kasama ang pinsan niya ay nag madali akong umalis pinipigilan nila ako pero ayaw ko talaga kaya sabi nong babae isang picture lang tas pwedi na akong umalis kaya pinagbigyan ko na." Sabi ko at muka namang naniniwala na siya sakin.

" Yong hawak ni Janin?." Tanong nito.

" Nong time nayon di namin alam na magkikita kami ulit kase nasa isang coffeeshop kami ni Mark non at kakatapos lang ng mission namin. Pero nagulat kami ng biglang may umupo sa table namin. Pagod na pagod kami non pero nawala nalang bigla ng magulat kami na andun sila. Hinihintay rin namin nong araw nayon si Janin kase may usapan kaming magkikita kaming tatlo don para mapagusapan namin ang nangyari sa mission namin. Paalis na sana kami non ng pigilan kami ng babaeng kasama ni Ashley pero kailangan na talag naming umalis non dahil magiging gulo pag nagkaabotan sila at ni Janin. Kaya ayon bilang kapalit na aalis kami ay magpipicture nanaman kaya wala na kaming nagawa kundi pagbigyan sila." Sabi ko. Wala naman dapat siyang ikagalit don ehhh.

" Dika nag sisinungaling?." Sabi pa nito na nakataas ang kilay.

" Hindi po." Sabi ko at tinaas ang kanang kamay ko na parang nanunumpa tumango naman ito kaya nakahinga ako ng maluwag.

" May tanong pa ako " sabi nito at tumaas nanaman ang kilay niya. Kaya kinabahan nanaman ako.

" Nong nagkita kayo ng babaeng yan tayo na ba?. O magkakilala na tayo?." Patay tayo dito. Pero mabuti nayong sabihin natin diba?.

" Yong picture na hawak ni Janin magkakilala na tayo non p-" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong pinaghahampas kaya sinasangga ko nalang yon kase subrang sakit po siya manghampas.

" Sinasabi ko na ngaba " sabi nito pero mabuti nalang at nahuli ko na ang dalawa niyang kamay para tumigil ito sa kakahampas sakin pero very very wrong move dahil sinikmuraan niya ako gamit ang tuhod niya.

" WAG NA WAG MO AKONG KAKAUSAPIN " Sigaw nito at umalis. Hawak hawak ko naman ang sikmura ko at sinubukan siyang habulin pero di ko na mahabok dahil subrang sakit.

" Abel kaya pa?." Sabi sakin ni Cy at tinulungan akong maupo. Andon parin ang mga kasamahan niya at sina Nicole na natatawa sa mga nangyayari.

" Major kaya pa ba?." Tanong sakin ni Nicole.

" Ikaw kayang sikmuraan ko gamit ang tuhod?." Sabi ko dito kaya natawa nalang siya.

" Yan kase. Tinuruan mo pa kase yan tuloy sayo na sample ni Jobel ang tinuro mo sakanya HAHA" Isa pa tong si Ej ehhh.

" Ano bang nangyari at galit na galit yong isang yon?." tanong ni Cy.

" Wala naman kase siya dapat ikagalit don ehhh. Di ko naman kilala yong babaeng yon, ewan ko nga at dikit ng dikit sakin yon simula nong iset up ako ni Mark " sabi ko nalang.

" Di pa naman seguro kayo magkakilala ni bessy nong panahong yon diba?." Tanong nito.

" Yong picture na hawak ni Janin yong panahong yon magkakilala na kami pero mahal ko na siya nong mga panahong yon. " sabi ko habang hinihimas ang sikmura ko.

" Hayaan mo na muna. Lalamig rin ang ulo non. Pero pagpasensyahan mo na yon Abel kilala mo naman ang babaeng yon. Nagiging selfish pagdating sayo. Mabuti nangalang at napagtitiisan mo ang ugaling niyang yon." Sabi nito.

" Alam mo Cy mahal ko si Jobel at tanggap ko ang lahat ng meron siya. Wala akong pakealam kung ano pang ugali ang meron siya tawagin man nila akong under o takot sa jowa wala na rin akong pakialam. Kase subrang mahal ko ang babaeng yon ehhh. Di ko siya ipagpapalit sa kahit sinong babae dyan. Minsan na akong naging gago alam niyo yan at ang minsan yon ay never ko ring binuksan ang puso ko sa iba dahil siya lang ang nag mamay ari nito at siya lang ang may karapatan sa puso ko " sabi ko ng biglang tumayo sina Ej at siya tsaka sila nagpalakpakan mga baliw talaga.

" Ikaw na talaga Boss " sabi ni Carlos. Pero umagaw sa pansin ko ang mga ibong nagliliparan sa taas.



You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon