c4

64 1 0
                                    

Abel's Pov

Nag init ang ulo ko ng makita ko si Jobel sa loob ng bar at pilit na inilalayo sakanya ng mga bouncer ang lalaking yon. Alam kong naging bastos ako kanina pero ng makita ko siyang muli ay bumalik lahat ng mga ginawa ko sakanya dati. Subrang sakit na nagawa ko ang mga bagay nayon. Kaya di ko alam ang gagawin ko o sasabihin ko kanina kaya mas pinili ko nalang na umalis at domiretso ng bar.

Ngayon ay nandito kami sa burol kong san ko siya unang dinala. Dahil gusto ko bago matapos ang gabing to makapag usap man lang kami dalawa.

" Bat mo ko dinala dito?." Inis na Sabi niya ng makababa ito ng kotse. Nakatanaw lang ako sa city na makikita mo dito sa taas.

" Kung wala ka manlang balak mag salita ay mabuti pang ibalik mo nalang ako sa bar " sabi nito kaya agad akong napatingin sakanya.

" Para ano?. Para balikan yong pisting yon?." Inis kong sabi na ikinataas ng kilay niya.

" Ano naman ngayon sayo " sabi nito kaya tiningnan ko siya ng masama.

" Wag mo kong maganyan ganyan Abel. Wala kang karapatang hilain nalang ako ganun " galit na sabi nito.

" Tinaboy mo na ako palayo Diba?. Bakit Ngayon lapit ka ng lapit sakin ha?. At dinala mo pa talaga ako dito " sabi pa nito. Dahil sa naiingayan na ako sakanya ay agad ko siyang siniil ng halik. Nakainum narin ako pero di pa naman ako masyadong lasing para di ko alam ang ginagawa ko. Alam kong nagulat ito sa ginawa ko sakanya kaya agad niya akong tinulak at sinampal.

" How dare you " galit na sabi nito pero tiningnan ko lang siya.

" Mahal parin kita Hanggang ngayon Jobel at walang nag bago don " sabi ko dito ng bigla itong natawa.

" Mahal?. Eh g*g* ka pala ehhh. Pagkatapos mo akong ipagtabuyan palayo tapos ngayon sasabihin mo sakin na.mahal mo ko?. Naka drugs ka ba?. Abel lahat ginawa ko para sayo. Lahat lahat binigay ko halos wala na akong itinira sa sarili ko mapatunayan ko lang sayo kong ganu kita ka mahal. Naintindihan ko naman ehhh. Ok lang sakin na sigawan mo ako at magalit ka sakin pero yong ipagtulakan mo ako palayo?. Di ko na ata alam kong maniniwala pa ako sayo " sabi nito na umiiyak na. Kaya agad ko siyang niyakap nag pupumiglas siya pero di ako nagpatinag.

" Love please makinig ka naman sakin ohhh." Sabi ko.

" Ano pa ba ang kailangan kong marinig ha Abel?. Dahil nalilito na ako ehhh. Akala ko kase matutuwa ka dahil bumalik na ako pero wala. Wala kang pakialam." Inis na sabi nito kaya humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya tsaka ako nag salita.

" Dahil ayukong maging hadlang ako sa pangarap mo. Kaya ko nagawa yon " sabi ko at don narin bumuhos ang mga luha ko.

" Nong araw na pumonta ako ng hospital para sana bumawi sayo sa mga nagawa ko ay aksidenti kong narinig ang usapan niyo ni Cy pagkatapos kinausap ko siya. At don ko nalaman na dimo lang pangarap yon kundi pangarap rin yon ng pamilya mo kaya sino ako para ipagkait sayo yon??. Alam kong ayaw mong umalis dahil sakin ka-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng mag salita siya.

" Kaya pinangunahan mo ako?. Dahil yon ang alam mong tama ganun ba?." Sabi niya kaya di ako makasagot.

" Pwedi naman nating pagusapan yon Abel di yong pangunahan mo ko. Di mo alam kong ganu kasakit sakin ang mga sinabi mo. Pakiramdam ko wala lang ako sayo. Ipinagtabuyan mo ako palayo Abel alam mo ba hinintay kitang dumating kahit sabihin mong wag akong aalis. Hindi ako aalis. Pero wala ehhh. Ni anino mo walang dumating " sabi nito.

" Nandon ako. Nandon ako sa airport ng araw nayon. Gusto kitang lapitan pero natatakot ako. Natatakot ako na baka magalit ka sakin. Dahil choice ko naman yon ehhh. Choice kong gawin yon para lumayo ka sakin para matupad mo ang mga pangarap mo. Nahihirapan rin ako Jobel pero kinaya ko dahil alam kong yon ang makakabuti sayo. Alam kong nasaktan kita at alam kong di sapat ang sorry para mawalan lahat ng sakit dyan sa puso mo " sabi ko dito at umiwas naman siya ng tingin at di na nag salita pa.

" Isa lang ang itatanong ko sayo Jobel. " Sabi ko dito at tumingin siya sakin.

" Mahal mo pa ba ako?." Tanong ko. At kung ano man ang isasagot niya ay tatanggapin ko.

" Di ko alam. Hindi ko alam Abel " sabi nito at umiyak nanaman. Ayukong nakikita siyang ganto kaya niyakap ko siya ng mahigpit at this time di na siya pumalag.

" It's ok. Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ulit ako." Sabi ko dito at nag stay pa kami sa ganong position hanggang sa paunti unti ng lumalakas ang hangin kaya hinubad ko ang suot kong jacket at pinasuot sakanya. Napansin ko namang napatingin siya sa harap ko kaya agad akong umiwas.

" Ano yan?." Tanong nito sakin.

" Ahh. W-wala " sabi ko pero tumaas lang ang kilay nito. Kaya bumuntong hininga ako. At binuhat ko siya para umupo sa hood ng kotse ko.

" 1year ago ng makaalis ka na ng pinas ay sinubsub ko ang sarili ko sa trabaho. Tinanggap ko ang lahat ng mga mission na binibigay sakin ni General hanggang sa na ambush kami. Na corner nila kaming lahat at sapilitan nila akong kinuha. Dinala sa isang gubat na punong puno ng mga armadong tao. Binugbug ng ilang araw muntik na akong bumigay nong araw na yon. Hanggang sa muntikan na nila akong gahasain. Mabuti nalang dumating sila agad at nailigtas ako. Na coma rin ako ng 2months dahil sa mga natamo ko at pagkatapos ng mga nangyaring yon ay naisipan ko ng mag palagay nito. Parang naging trauma saakin ang nangyaring yon at ayuko ng maulit pa yon " seryosong sabi ko.

" Abel pano kung ayuko na?." Sabi nito

" Anong ayaw muna?." Tanong ko dito.

" Ayuko ng mahalin ka ulit " nasaktan ako sa sinabi niya pero ayukong ipakita yon

" Di kita susukuan Jobel. Kahit lumuha man ako ng dugo sa harap mo gagawin ko. Mahalin mo lang ulit ako." Sabi ko dito

" Pano kung hanggang kaibigan nalang ang kaya kong ibigay?." Natahimik ako saglit sa sinabi niya at ngumiti ng pilit.

" Ilalaban parin kita Jobel hanggang sa ikaw na mismo ang mag sabing tumigil na ako at kaibigan nalang ang kaya mong ibigay sakin. Tatanggapin ko yon ayukong sumuko nalang bigla ng wala akong ginagawa." Sabi ko at tumingin ito sa malayo.

" Pagod na ako Abel gusto ko ng umuwi " sabi nito kaya tumango ako at binaba na siya at isinakay sa kotse ko. Pero bago ko siya ihatid ay sinabi niyang ihatid ko nalang siya sa bar at siya nalang uuwi mag isa. Di na ako pumalag at sinunod ko nalang gusto niya. Pagkaalis niya ay pumasok ako ulit sa bar at nag pakalasing. Di pa nga ako nag sisimula talo na ako.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon