C26

69 3 0
                                    

Jobel's Pov

Ayon nga HAHAHA sa hinaba haba ng paguusap namin ay nanaig parin ang isang ABEL DE LEON pero bilang pangako niya na mag bebehave raw Siya ay ginawa naman niya. Pero imbis na phone niya ang hawak niya ay phone ko naman ang kanina pa niyang hawak hawak. Halos ayaw na niyang bitawan habang yong phone niya nandito sa ibabaw ng table ko. Wala naman daw tatawag kase Siya ang head sa quarters nila. Yabang diba?.

" Love tama nayan. Yang mata mo sasakit nanaman yan " sabi ko pero parang di ako narinig.

" Love isa " pagbabanta ko.

" Mamaya na po. Malapit na kong matapos " sabi nito kaya hinayaan ko nalang mo na hanggang sa natapos na yong game niya. Pero binulsa lang niya ito at umupo sa harap ko.

" Major yong phone ko po ba ay wala kayong balak na ibalik sakin?." Sabi ko pero umiling lang ito.

" Love mag papaalam sana ako?." Sabi nito kaya napatingin ako sakanya.

" Bakit?. Na bobored ka na dito?." Tanong ko dito. Di kase sanay yan dito lalo na pag wala ako. Nababaliw yan pag mag Isa lang sa office ko.

" Di naman po sa ganun. Gusto ko sanang bisitahin si Alex mamaya. Alam mo na baka mamaya mag tampo yon dahil nga sa puro ako trabaho nitong mga nakaraang araw" sabi nito.

" Ok lang naman po. Mabuti ngayon ng mapasyalan mo rin ang kapatid mo. Maka muzta mo narin." Sabi ko at tumango lang ito.

" Ok. Pero mamaya nalang pagkatapos natinf mag luch." Sabi nito kaya tumango ako at ayon nanaman po Siya balik nanaman sapag lalaro.

" Baby wear your glasses please " sabi ko dito na agad naman niyang sinunud. Alam niya kaseng sumasakit ang mata niya pag di niya suot suot yon.




Abel's Pov

Sumapit ang hapon at gabe pero wala parin si Alex. Anong oras na at tinatawagan ko pero di sumasagot. Ng bigla akong nakarinig ng ingay sa labas at baka siya na yon kaya lumabas ako.

Pero sa pag labas ko ay parang gusto kong mag hanap ng gulo. Nakita kong nakaakbay sakanya ang isang kasamahan nila at ngayon ko lang ito nakita sa grupo nila. Pero ang mas lalong nakapag painit ng ulo ko ng makita ko ang suot suot ni Alex. Nakapaikling short at napaka ikli ng damit niya na halos makitaan na siya.

" AHHH. bes una na pala kami ahhh. Bye " sabi ng isa niyang kaibigan ng makita ako. At ganun narin ang iba. Nag tataka naman si Alex ng mapatingin siya sa gawi ko. Napatayo naman ito ng maayos at inalis ang kamay ng kasama niya sa balikat niya.

" Magandang gabi po. Ako po pala si GM po bagong lipat lang po kami dito. Isang bahay lang po ang pagitan natin " masayang sabi nito pero di ko ito pinansin at nakatingin lang ako kay Alex.

" Alex pumasok ka sa loob " ma authority kong sabi. Sumunod naman ito ng bigla itong pigilan ng GM nayon.

" Lex wait lang " sabi nito kaya kumunot ang noo ko.

" Alex pumasok ka sa loob kung ayaw mong ako pa mismo ang kakaladkad sayo papasok. At ikaw. Umuwi ka na at lumayo ka sa kapatid ko " inis kong sabi dito.

" Pero " di ko na siya pinatapos ng hawakan ko sa braso si Alex at hinila na ito papasok. Pero bago pa yon ay hinarap ko ito ulit.

" Sinasabi ko sayo. Layuan mo si Alex " sabi ko at pumasok na tsaka ko ito binitawan.

" Ate ano bang problema mo " sabi nito sakin kaya tiningnan ko ito ng masama.

" Gusto lang makipag kaibigan nong tao tas gaganunin mo." Sabi pa nito.

" Kailan kapa natutung sumagot sakin ng ganyan?. Nakikita mo ba sarili mo????. Halos makita na lahat sayo. At anong akala mo sakin?. HAHAYAAN KO LANG YON??. AT ANO?. LALABAS KA AT UUWI KONG KAILAN MO GUSTO " sigaw ko dito.

" Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Alex ha?." Inis kong sabi dito dahil sa nanggigigil ako dito.

" Bakit ate?. Masama na bang makipag kaibigan at mag enjoy?. Ngayon ko ngalang to nagawa tas ganyan kapa " sagot nito sakin.

" Wala akong sinabing ganyan. Ang sakin lang marami kang damit bat yan pa ang sinuot mo?. Alam mong mahal ka ni Ej diba?. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?." Sabi ko dito at tinitimpi ko lang ang galit ko dito.

" Bakit ate?. Wala na ba akong karapatang sumaya?. Dahil lahat nalang sinusunod ko kung ano ang mga sinasabi mo. Ako ngayon lang pero kung makapag react ka naman dyan. Di na ako bata ate para bantayan mo at manduhan mo. Alam ko ang ginagawa ko at tigil tigilan mo na ang pag tawag sakin ng Bunso dahil di na ako bata." Mahabang sabi nito tska.umalis sa harap ko. Nainis ako sa inasal niya kaya sinundan ko siya hanggang kwarto niya.

" Kailan kapa natotong sumagot sakin ng ganyan Alex ha?. Kong iniisip mo na pinipigilan kita sa mga gusto mo. Nagkakamali ka. Kung iniisip mo na sa simpleng bagay lang ay pinagbabawalan kita nagkakamali ka. Bilang ate mo ginagawa ko lang ang alam kong tama para sayo. Di kita pinipigilan sa lahat ng mga bagay na gusto mong gawin. Ang sakin lang naman ayuko ng mga ginagawa mo na aalis ka ganyan ang suot at uuwi ka kong anong oras mo gusto. Di mo ba iniisip kong ano ang mararamdaman ko sa tuwing uuwi ka ng dis oras ng gabi?. Maraming masasamang tao ngayon panu kong may mangyaring masama sayo?. Pano kung mapagtripan ka dyan at may gawing masama sayo?. Ha?. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?. Alam mo bang makakapatay ako ng wala sa oras kong sakaling mangyari yon???." Galit kong sabi dito pero tahimik lang itong nakatingin sakin.

" Kung nasasakal ka na walang problema sakin. Simulan ngayon di na kita pakikialaman. Gawin mo lahat ng gusto mo. Hindi na kita pagbabawalan. Gumala ka hanggat kailan mo gusto sumuot ka ng damit na gusto mo bahala ka. Wala na si mama kaya naman sana ay maintindihan mo kung bakit ko ginagawa sayo ang mga yon. Pero ngayon malaya ka na. Pero kung saka sakaling may mangyaring masama sayo dahil dyan sa mga kaibigan mo. Asahan mong wala kang makukuhang tulong o kahit ano sakin. Bahala ka ng gawin ang buhay na gusto mo. Basta ako labas na ako dyan." Sabi ko dito at dali daling lumabas ng kwarto niya at umalis ng bahay. Masama ang loob ko sa mga sinabi ko sakanya. Pero bahala na siya sa buhay na pinili niya.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon