c20

62 2 0
                                    

Jobel's Pov

Kinaumagahan ay maaga akong nagising seguro 3am?. Di ako sure kase nga lutang payong kalolowa ko. Nagising kase akong wala na si Abel sa tabi ko kaya naalarma ako na baka umalis na siya ng di man lang ako ginising. Pero naabutan ko lang itong kakatapos lang maligo.

Tinulungan ko naman itong ihanda ang mga gamit niya at tinulungan siya sa pag suot ng uniform niya. Maaga kase ang alis nila kaya kailangan bago ang call time nandon na siya. Alam niyo naman siya ang Major kaya kailangan maging good example ka sa mga masamahan mo.

" Love magiingat ka dito ha. Wala pa naman ako. And please wag na wag kang pupunta ng bar mag Isa o kahit magkakasama man kayo ng wala ako. Baka mamaya mapahamak pa kayo. Kung gusto niyong mag inuman dito nalang o di kaya kina Cy wag sa bar. naiintindihan mo ba ako?." Bilin nito sakin.

" Opo " sagot ko nalang kase ayaw niya talagang umaalis ako mag Isa.

" At wag na wag titingin sa iba mahal ko." Seryosong bilin nito.

" Para kang baliw. Bat ko naman gagawin yon?. Kita mo naman ohhhhh. Ikakasal naku sayo bat naman ako titingin sa iba?." Taas kilay kung sabi at tinaas ang kamay ko.

" Naninigurado lang. Mahirap na mabibilis panaman ngayon ang mga asungot na parang kabote " sabi nito kaya napairap ako at niyakap siya.

" Mamimiss kita " malungkot kong sabi kaya niyakap niya rin ako pabalik.

" Ma mimiss rin kita. Pero mabilis lang to love. Baka di mo lang namamalayan andyan na ako sa harap ng pinto. Pangako ikaw ang unang una kong pupuntahan pagkauwi ko." Sabi nito at hinigpitan ang yakap sakin.

" Magiingat ka ok?. Gusto ko kung ano ka pag alis mo dito. Ganun kaparin pag uwi mo. Ayukong makakita ng kahit na anong sugat o pasa sa katawan mo. Naintindihan mo?." Sabi ko dito.

" Opo " sagot naman nito.

" Gusto mo bang ihatid kita sa HQ niyo?." Tanong ko dito. Pero umiling lang siya.

" Nagpasundo na ako kay Nonrev love. At isa pa ayukong umalis ka ng ganitong oras. Kahit paumaga na dilikado parin sa labas. Ayukong may mangyaring masama sayo " sabi nito. Karga karga naman niya ako habang naglakakad siya papunta sa sofa nakayakap lang ako sakanya dahil pag umalis na ito ay seguradong hahanap hanapin ko ang presinsya niya.

" Kailan ang balik mo?." Tanong ko dito.

" Diko alam love ehhh. Pero pipilitin kong matapos namin agad ang mission para makabalik ako agad sayo " sabi nito ng makaramdam ako bigla ng antok.

" Love sleep ka muna. " Sabi nito pero umiling ako

" Ayuko. Gusto kitang makasama bago ka umalis " sabi ko dito at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sakanya.

" Ok po. Di na kita pipilitin. Lika dito kasa dibdib ko yayakapin kita at baka kase bigla kitang ma miss agad " sabi nito kaya lumapit na ako sakanya. At humiga sa dibdib niya.

" Love niisang besis ba di ka kinabahan sa mga mission mo?." Tanong ko kaya napabuntong hininga nalang ito.

" Araw araw naman love kahit wala kaming mission kinakabahan parin ako. Pag nasa mission naman kami diman halata sa mga mukha namin pero andun yong kaba na baka pagkatapos nito dinakami makabalik. O di kaya papalapit palang kami nakabulagta na kami sa kinatatayuan namin. Pero bawal ang mahina di pwedi ang matakot dahil yon ang makakapag lagay saamin sa kapahamakan " seryosong sabi nito.

" Pero ngayon?. Natatakot kaparin ba?." Tanong ko.

" Oo. Natatakot ako sa mga possibleng mangyari pagkalabas na pagkalabas ko dito. Di ko alam kung makakabalik paba ako. Walang kaseguradohan pero iniisip ko nalang na sana walang mangyari. " Sabi nito nakaramdam ako ng sakit at parang ngayon palang ayuko na siyang umalis.

" Gusto mo pa bang tumuloy?." Tanong ko sakanya.

" Umatras man ako ngayon. Wala na akong magagawa. Nakasalalay saamin ang kaligtasan nila. Ito ang sinumpaan naming tungkolin kaya wala kaming dapat na ikareklamo." Sabi nito. Ng bigla nalang may kumatok sa pinto at alam kong yong sundo na niya yon.

" Love " sabi ko at muli itong niyakap ng mahigpit.

" Kailangan ko ng umalis mahal ko. Magiingat ka dito habang wala ako. Pangako babalik ako " sabi nito at inangkin ang mga labi ko. 

" Wag kang magtatagal ok?." Sabi ko at niyakap siya.

" Mabilis lang ako. Babalik ako agad" sabi nito muli akong hinalikan bago niya kinuha ang mga gamit niya.

" Ihahatid na kita sa pinto" sabi ko dito ng bigla itong may kinuha sa cabinet niya at pinasuot sakin ang shorts niya. Don ko lang naalala na naka short lang pala ako ng maikli.

" Ok na. Tara " sabi nito at kinuha na yong kamay ko.

Pagbukas ng pinto sumalubong naman saamin si Nonrev na sumalodo agad kay Abel at kinuha ang ibang gamit nito.

" May tatawagan akong tao para magbantay sayo dito. Pero wag kang mag alala nasa tabi tabi lang sila nakatanaw sayo mula sa malayo. Di ka nilala lalapitan babantayan kalang nila. Para kung saka sakaling may bumastos sayo o mang away sayo nandyan sila para sayo habang wala ako and don't worry mga babae sila." Sabi nito kaya napairap ako and for the last time niyakap ko ito bago ito tuluyang umalis.

" Pumasok ka na sa loob. Wag mong kakalimutang iluck ang pinto" sabi nito at sinunod ko naman ang sinabi niya.

Agad naman akong pumasok sa loob para makita ko ito alam niyang nakatingin ako sakanya mula dito sa taas kaya kumaway mo na ito bago pumasok sa sasakyan at tuluyan ng umalis.

Humiga naman ako sa kama ko pero kahit anong gawin ko di na ako dalawin ng antok. Kahit anong pilit ko wala talaga. Kaya napatingin ako sa orasan ko at malapit na palang mag 5am kaya kumilos nalang ako para pumasok ng maaga.

Pagdating ko sa hospital ay agad akong pumasok sa office ko at nagulat nalang ako sa tumambad sakin.

" Anong ginagawa niyo rito?. Masyado pang maaga ahh " tanong ko sa kanila kase lahat sila nakaupo sa sofa ko at kumakain. Nag order na seguro sila kanina habang wala ako. Kaya umupo nalang ako bago pa ako hilain ng mga to.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon