C23

66 3 0
                                    

Jobel's Pov

6months na ang lumipas at naging ok naman ang lahat. Minsan pinupuntahan namin si Jana pag di kaming lahat busy. Masaya naman siya don at makikita mo sa mga mata niya na kong gaanu ito kasaya.

Naging busy rin ako sa hospital at ganun rin sina Abel minsan sa isang buwan apat o limang bises lang kami mag kita dahil nga sa busy ito. Pero ok lang naman dahil naiintindihan ko. Trabaho niya yon at wala akong reklamo ang saakin lang ay palagi itong mag ingat. Ni minsan hindi namin pinag awayan ang trabaho niya dahil nga sa minsan lagi silang napapasabak sa labanan. Minsan mag kikita kami may mga sugat ito o di kaya pasa. Pero never naming pinag awayan yon. Di dahil sa bago ako dumating sa Buhay niya ay yon na ang trabaho niya kundi sa dahil don siya masaya mahal niya ang trabaho niya. So?. Sino ako para ilayo yo sakanya diba?. Basta kung san siya masaya don rin ako.

" Bes labas naman tayo mamaya. Nakakabagot dito ehhh " sabi ni bessy na makikita mo kung gnu ito ka bagot na bagot sa sofa. Nandito kase Siya sa office ko dito niya kahiligang tumambay at di lang Basta tambay dahil inuubos niya ang laman ng ref ko.

" San naman tayo pupunta?." Tanong ko dito na diman lang tinapunan ng tingin.

" Bar nalang kaya?. Off naman natin bukas " sabi nito kaya umiling ako.

" Ayuko. Pero kung gusto mo isama mo sina Abby para may kasama ka." Sabi ko dito.

" Bes naman. Tayong lahat nga ang aalis ehhh. Tara na kase " pamimilit nito sakin.

" Bes alam mo namang ayaw na ayaw ni Abel na umiinum ako na di siya kasama. Alam mo naman yon. Kahit sabihin mo pa na kayo naman ang kasama ko. Pag dating sa inuman walang tiwala yon. Alam mo naman ako pag nalasing " sabi ko dito at napairap naman ito. Umiinum kase ako pero kunti lang at ayaw na ayaw talaga ni Abel na umiinum ako na wala siya. Dahil di ako talaga maawat.

" Ok sige. Kung ayaw mo mag bar. Ede sa bahay ko nalang " sabi nito at ngumiti.

" Para kung sakaling malasing tayo. Ede don na tayo makakatulog. Safe na safe pa at di mag aalala sayo si Abel. Pero Teka may alam ka ba kong kailan sila makakabalik?. 1week ng wala silang paramdam ahhh " sabi nito kaya nalungkot naman ako. Kase kahit di naman kami mag kikita ay lagi naman itong tumatawag para makapag usap kami. Pero ngayon wala.

" Baka busy lang sila. Alam mo naman ang mga yon" sabi ko.

" Hay naku. Oh bes basta ahhh. Mamaya sabay sabay na tayo umalis " sabi nito. Di nalang ako nag salita pa at hinayaan ko nalang ito na kumakain nanaman. Napapailing nalang ako.

Sumapit ang gabe ng makapag decide kaming sa bar nalang kase nga makukulit ang mga kasama namin. Gusto talaga nila sa bar talaga dahil minsan lang daw kaming makalabas kaya ayon. Sa bar ang bagsak namin.

Pagpasok na pagpasok palang namin ay agad na silang nag order ng alak at si Kyle naman ang nag hanap ng table namin. Wala pang 30mins na nag kwekwentuhan kami at nag tatawanan ng biglang may sumiko sakin.

" Bes diba si Abel yon?." Sabi sakin ni Bessy at napatingin naman ako sa tinuro niya. Tama nga Siya si Abel nga. Pero bat siya andito?.

" Lapitan kaya natin?." Sabi nito at akmang tatayo na sana ng biglang may umupo sa tabi ko.

" Hi beautiful " sabi nito kaya napataas ang kilay ko.

" Pwedi bang maki join sainyo?." Dagdag nito.

" Excuse me lang ha. Marami namang table bat dito mo pa naisipang maupo?." Tanong sakanya.ni Bessy. Kaming tatlo lang kase kaming nandito si Kyle at Sam kase umalis para mag order pa ng alak.

" Napansin ko kaseng kayo kayo lang. Baka mamaya may ibang lumapit sainyo." Sabi nito.


" Guys may problema ba?. Sino naman to?." Napatingin naman kami sa nag salita at salamat naman at dumating na silang dalawa. At marami silang dalang alak.


" Hi, Boyfriend pala ng magandang babaeng katabi ko" sabi nito kaya mas lalong napataas ang kilay ko. Natawa naman silang apat.

" Dude, di sa pambabastos. Pero kung ako sayo?. Umalis ka nalang kase maling tao yang inaangkin mo ehhh. May nag mamay ari na dyan at seguro ako na pag nakita ka non na tumatabi dyan sa reyna niya ay baka di ka na maabutan ng araw" sabi ni Sam kaya natawa naman tong isa.

" Thanks sa paalala bro. Pero di ko susukuan to." Sabi nito at akmang hahawakan ang ng agad na kinuha yon ni Kyle at nakipag shake hands natawa nalang ako ng bahagya dahil sa itsura ng mukong.

" Nice to meet you rin sayo. Pwedi ka na pong umalis " sabi ni Kyle.

" See you around baby " sabi nito at kumindat pa sakin. Para namang masusuka si Bessy at tawa naman tawa ang tatlo.

" Grave pag yon nakita ni Major ewan ko nalang HAHAHA" Sabi ni Abby kaya mas lalo pa silang natawa.



Abel's Pov

Nandito ako kasama nag tropa sa isang bar dahil sa natugunan naming dito raw ngayong gabe ang suspect na huhulihin namin. Dito sila mag papalitan ng druga pero ito narin ang kahuli hulihang gabe nila.  Nirentahan namin tong bar at kinausap ang may ari ng malaman ang transaction na mangyayari sa bar niya ay kinabahan ito at walang halong atubili na pumayag ito. Sinigurado naman namin na di siya madadamay dito basta sundin lang niya lahat ng sasabihin ko na mag act normal lang siya dahil kami ang bahala sakanya. Pumayag naman siya kaya magiging madali ang lahat saamin.

Normal kaming nakaupo lang at nakatingin sa mga nagsasayawan. Gaya ng plano mag act kaming normal na parang nakikisaya rin pero ang lahat ng mga nandito ay mga police rin. Di lang nagpapahalata at yong iba ay mga secret agent may mga alak rin sa harap namin pero di namin yon ginagalaw yong iba nag iinuman pero sinabihan ko naman na wag masyadong uminum at mahalaga ang pakay namin dito.

"Major may problema po tayo " bulong sakin ng isang tauhan ko.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon