c14

70 3 0
                                    

Abel's Pov

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil naisipan kong ako ang magluluto ng umagahan hinayaan kona mo ng matulog pa si Jobel para mamaya pagising niya nakahanda na yong pagkain. Pagbaba ko sakto namang gising narin sila kaya sinama konalang Sila sa palengke.

Makalipas ilang oras ay natapos narin kami at halos mapuno naman ang likod sasakyan sa dami ng nabili namin. Pagdating kase namin sa palengke halos kanya kanya kaming bili. Dahil lahat kami di pweding di mag luto. Syempre kailangan rin matikman nina mama at papa yong mga special recipes namin.

Pagdating namin sa bahay ay syempre kanya kanya ulit na dala. Agad naman naming nilagay lahat yon sa kusina nagulat pa nga sila dahil sa dami ng mga dala namin. Pagkatapos non ay agad akong umakyat sa taas para sana magpalit ng damit dahil sa pawisan ako ng dikuna naabutan si Jobel don at nakaayos narin yong kama. Kaya hinayaan konalang at baka nasa baba lang o di kaya kasama ang ate niya.

" Ma nakita niyo po ba si Jobel?." Tanong kokay mama ng makababa ako.

" Nasa garden ata anak " sagot nito kaya tumango ako at naglakad papuntang garden ng makita ko itong masayang nakikipag kwentohan sa ate niya. Nakita naman ako ni Zoey at akmang tatawagin pero agad akong sumenyas sakanya na wag na. Dahil nakikita ko kung gano kasaya si Jobel at ayukong maudlot yon. Kaya pumasok nalang ako sa loob.

" Oh?. Anak hinahanap mo raw si Jobel sabi ng mama mo?." Tanong sakin ni papa ng makasalubong ko ito.

" Ahh opo. Pero ok napo pa. Nasa garden sila ng ate niya hinayaan ko nalang mo na silang mag usap dahil alam kong ilang taon rin silang naghiwalay. Atsaka alam kong mamimiss siya ni Jobel pag bumalik naito sa ibang bansa kaya hinayaan ko nalang mo na " sabi ko at ngumiti naman ito.

" Yan ang gusto ko sayo ehhh. Talagang gagawin mo lahat para sa anak ko. Proud ako sayo bata pag butihan mo pa lalo " sabi nito at tinapik ang balikat ko at umalis na.

Jobel's Pov

Nagising akong wala na si Abel sa tabi ko agad kong ginawa ang morning rituals ko at bumaba ng makasalubong ko si mama.

" Si Abel ba anak?. Maagang umalis kasama yong iba may pupuntahan lang daw." Sabi nito kaya tumango ako at umalis narin si mama. Pumonta naman akong kusina at naabutan ko don si Ate Zoey kaya niyakap ko ito.

" Good morning ate " sabi ko dito at binati niya rin ako.

" Here's your milk " sabay abot nito sakin. Kahit kailan talaga tong si ate HAHAHA.

" Sa garden tayo " sabi ko dito at umalis na kami.

" So how are you?. It's been a long time " sabi nito sakin.

" I'm fine ate. Pero mas masaya ako kase nandito kana ulit " sabi ko dito at niyakap siya.

" Crazy" sabi nito at tumawa.

" Marunong kaparin bang mag tagalog?." Tanong ko dito.

" Oo naman " sabi niya.

" Wag mo ng pakakawalan yon ahhh. Alam kong mamahalin ka niya ng subra at aalgaan. Nakikita kong magiging masaya ka sakanya " sabi nito sakin.

" Oo naman ate. Ilang besis narin kaming nagkalayo at marami narin kaming mga pagsubok na hinarap. Ngayon ko paba siya bibitawan?." Sabi ko dito.

" Kailan ka pala babalik ng US ate?." Tanong ko dito.

" Naka leave ako ng 1month kaya dito namuna ako. Alam ko namang babalik rin kayo agad sa mga trabaho niyo. Kaya dito na mo na ako para makapag bonding rin kami nina tito " sabi nito.

" Basta bago ka umalis don ka mo na sakin ha. Gusto rin kitang makasama bago ka umalis" parang bata kong sabi sakanya.

" Sure " sabi naman nito

" Pano naman kayo nagkakilala ni Abel?." Tanong nito sakin kaya umayos ako ng upo at timingin sakanya.

" Nag kataon na may hinihintay siya ata non sa hospital tapos nabangga niya ako. Nainis ako kase palakad lakad di naman tumitingin sa dinadaanan niya marami pakong dala non. Kaya ayon nasungitan ko di na nga humingi ng sorry mayabang pa" sabi ko naman dito na may inis kaya tinawanan niya ako.

" Kaya inis na inis ako sakanya nong mga araw nayon at di talaga ako tinantanan. Sunod lang ng sunod sakin kung san ako mag punta napakakulit. Di talaga ako tinigilan ng walang hiyang yon. Huli kuna nalaman na si Nicole pala ang hinihintay niya nong nagkataon na may kinuha ako sa nurse station at nakita ko sila" Sabi ko naman sakanya.

" But in the end you guys end up with each others arms " sabi nito kaya ngumiti ako.

" Siya yong napakahangin at napakayabang na makulit na nakilala ko pero wala siyang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako. Ibang iba siya sa mga nakilala ko ate kahit puro kasungitan ang ginagawa ko sakanya binabali wala lang niya. Peri kahit di man kami nag katuloyan ni LA at least binigyan naman ako ng dios ng mas hight pa " sabi ko sakanya ng nakangiti na ikinangiti rin niya.

" How did you know that you're in love?." Tanong nito sakin kaya biglang bumalik sa alala ko ang lahat.

" Simula nong nangyari sa hospital sapag kawala ng mama niya hanggang sa makabalik kami ng matapos ang libing di niya ako kinausap. Tapos ayon bigla siyang nawala akala ko nga iniiwasan na niya ako pero hindi pala. Don ko na realize na mahal ko na pala siya. Ang weird no?. Kung kailan nawala yong tao tsaka mo hahanapin. Pero nagpapasalamat naman ako kase kung di dahil kay LA diko masasabi kay Abel non na siya yong mahal ko." Sabi ko naman sakanya ng nakangiti. Nag kwentuhan Lang kaming dalawa sa mga nangyari samin ni Abel non at kung ano ano pang nangyari sa mga buhay namin.

Masaya kaming nag kwekwentuhan ng makarinig kami ng ingay sa loob kaya napag decisionan naming pumasok narin. Maaga kase silang umalis kanina.

Pagpasok namin naabutan naming nagbabangayan si Carlos at Nicole.

" Anyari sa inyo?." Tanong ko sa kanila.

" SIYA KASE EHHH" Sigaw nilang dalawa.

" Guys kumalma nga kayo. Ano ba talagang nangyari?. Carlos?." Tanong ko dito

" Pagalitan mo nga bess napaka ingay ng bunganga" reklamo ni bessy pero di ito pinansin ni Carlos.

" Sabi ko kase kanina bumili siya ng tatlong dosenang itlog pero isang dosena lang binili" sabi nito.

" Dapat kase sinabi mo agad di yong nagsabi kalang kung kailan nakabili na ako " reklamo naman nitong isa.

" Ede sana nag tanong ka muna bago ka bumili " sabi naman ni Carlos.

" Kasalanan ko pa?. Alam ko bang mag papabili ka?. Ede sana sinabi mo sakin na gusto morin pala " inis na sabi ni Nicole at nag tinginan sila ng masama.

" Tumigil na nga kayo. Itlog lang yan. Maraming itlog don sa kusina 5 dosena yon." Sabi ko dito ng biglang dinilaan ni Carlos si Nicole kaya binatukan niya ito.

" Ikaw " sabi nitong isa.

" Kayo bay titigil o paguuntugin ko kayo?." Sabi ko na ikinatigil naman nilang dalawa.

" Tumigil na kayo. Baka mamaya marinig kayo ni Boss makatanggap pa kayo ng sermon " sabi naman ni Ej kaya tumahimik na silang dalawa.

" San ba si Abel?. At san kayo galing?." Tanong kosa kanila.

" Nasa kusina nagluluto." Sa naman ni Mark kaya lumakad na ako papunta don at narinig kupa yong sinabi ni Carlos kay Nicole.

" Pasalamat ka babae ka " sabi nito.

" Pasalamat ka at andito si boss dahil kung hindi nabalian na kita ng boto " sabi naman ni Nicole kaya napailing nalang ako sa kanilang dalawa.

Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Abel na busy sa hahanda ng ibang ingredients at niluluto narin niya yong iba. Napangiti naman ako kaya niyakap ko ito patalikod na ikinagulat naman niya HAHAHA.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon