c26

131 4 0
                                    

LA's Pov

Naging successful ang pag tanggal ng tumor sa utak ni Abel pero isang buwan na di parin siya nagigising. Halos sa hospital na kaming lahat tumira yong lima naman ay tuloy muna sa mga mission nila at dahil si Janin ang partner ni Abel ay siya na muna ang pansamantalang namumuno grupo hanggat di pa bumabalik si Abel.

" Jobel ano ng balita?. Kailan magigising si Abel?." Tanong ko sakanya dahil dito rin siya ngayon sa kwarto ni Abel.

" Wala parin. Di kuna alam gagawin ko LA successful naman ang pag opera sakanya pero wala paring makakapag sabi kung kailan siya magigising" mangiyak ngiyak na sabi nito.

Naawa na ako sakanya halos wala siyang pahinga sapag aalaga at pag aasikaso kay Abel. Pumupunta rin dito minsan ang parents niya para dumalaw at mag bantay.

Napapaisip ako na kung pano dalhin ko si Abel sa ibang bansa para don nalang ipagamot?. Oo malaki ang tiwala ko kay Jobel pero gusto ko ng maging ok ang kapatid ko. Gusto ko na siyang tumayo dyan sa hinihigaan niya dahil hanggat nandito siya manghihina at manghihina ang katawan niya. Malaki na ang pinayat nito at naawa narin ako kay Alex na halos di na makapag focus sa trabaho kaka alala sa kapatid niya.

" Umuwi ka na mo na Jobel at mag pahinga. Ako na muna ang bahala kay Abel " sabi ko pero umiling lang ito.

" Ok lang ako. Ako ang mag babantay sakanya gusto kong ako ang unang taong makita niya sapagisng niya. Ayukong ewan siya LA " sabi nito kaya wala na akong nagawa pa.

" Kung yan ang gusto mo " sabi ko at lumipat sa couch na nandito.

Nakatingin lang ako sa dalawang taong mahaga sakin. Pareho na silang nahihirapan kailangan ko ng kumilos.

" Jobel labas lang ako saglit bibili lang ako ng makakain natin." Sabi ko dito at tumango lang ito bago ako tuluyang lumabas ay tiningnan ko mo na ito at nakita ko ang mga luhang pumatak sa mga mata nito.

" I'm sorry Jobel" bulong ko bago ako tuluyang lumabas.

Dali dali akong lumabas at tinawagan na agad ang mga connections ko para maisagawa ko na ang plano ko. Alam kong magagalit Sila sa gagawin kong to pero ito lang ang alam kong tama para sa kapatid ko.

-
Nandito ako sa bahay ni Abel dahil andito si Alex sinabi ko narin sakanya ang plano ko pero nung una ayaw nito pumayag. Naiintindihan ko naman kase may mga karapatan rin sila dahil kaibigan sila ni Abel pero wala na talagang ibang choice.

" Kuya segurado kanaba talaga dyan sa binabalak mo?. Marami kang masasaktan kuya " sabi nito ng makababa.

" Bunso wala na akong ibang maisip na paraan kundi ito lang. Alam kong masasaktan sila sa gagawin ko lalo na si Jobel pero ito nalang talaga ang alam kong paraan " sabi ko at napayuko. Siya namang pagtabi sakin ni Alex.

" Kuya kahit ako ayukong nakikita ng ganun si Ate siya ang naging ama at ina saakin nong mga panahong nawala si mama at iniwan kami ni papa. Nasasaktan rin ako pero sa gagawin mong ito ay hindi lang isa ang masasaktan mo kundi lahat sila kuya. Lalong lalo na si ate Jobel kuya subrang mahal na mahal niya si ate at si Kuya Mark na simula pagkabata ay magkasama na sila. " Sabi nito kaya mas lalo akong napayuko.

" Naiintindihan ko ang gusto mong mangyari kuya. Pero kung yan ang alam mong ikakabuti ni ate wala na akong magagawa. Susuportahan parin kita dahil kapatid kita." Sabi nito kaya napatingin ako sakanya at nakita ko itong tumango kaya niyakap ko ito.

" Thank you bunso " sabi ko dito.

" Basta para kay ate kuya. Sana darating yong araw na maiintindihan ka nila." Sabi nito.

" Sana " sabi ko at nagusap lang kami tungkol sa gagawin kong plano bago ako nag decide na umuwi at tawagan ang mga connections ko sa ibang bansa.

-
Kinabukasan maaga akong nagising at nagbihis para makapunta sa hospital. Habang pababa ako ng hagdan ay kausap ko ang mag ina ko at nabanggit korin sa asawa ko ang plano ko para kay Abel. Nong una nagdadalawang isip pa siya sa plano ko pero nong huli ay wala narin itong nagawa kundi ang pumayag.

" Manang anong breakfast natin?." Tanong kokay manang Ising.

" Anak gising ka na pala. Naghanda ako ng pancakes at meron rin akong hinandang dinuguan " sabi nito kaya napangiti ako ng malapad.

" Ngayon lang ata ako ulit makakakain niyan manang ahhh. Sayang lang at wala dito si kolokoy " sabi ko at umupo na.

"Sa subrang busy niyo kase sa trabaho bihira nalang kayo nakakain dito. Si Abel kamuzta na siya?." Tanong sakin ni Manang ng makaupo ako.

" Ayon . Diparin po nagigising todo alaga rin sakanya si Jobel at halos mapabayaan na niya ang sarili niya maalagaan lang ng maagos si Abel." Sabi ko.

" Napaka swerti ni Abel at dumating si Jobel sa Buhay niya. " Sabi ni manang.

" Sinabi mo pa manang. Kung di lang sana ako nagloko dati. Haist." Bumontong hininga nalang ako ng maalala ko ang mga kagagawang nagawa ko noon.

" Anak. Di naman natin ginusto ang nangyari at isa pa alam kong sa lahat ng yon may natutunan ka. Naging mabuti kang ama at asawa sa mag ina mo at nabigyan mo sila ng magandang buhay na higit pa sa pinapangarap mo. Pero ang tanong ko lang anak wag ka sana magagalit" sabi nito. Kaya napatingin ako sakanya.

" Ano yon manang?." Tanong ko dito na para akong kinabahan bigla

" Tuluyan mo na bang pinakawalan si Jobel dyan sa puso mo?. Tuloyan mo na ba siyang pinalaya mula sa nakaraan nyo?. O talaga bang hanggang ngayon ay andyan parin siya at di mo magawang pakawalan. Kase anak sa nakikita ko ngayon lalo na sainyong dalawa. Di malabong hanggang ngayon may pagmamahal ka parin sakanya." Sabi nito na ikinatigil ko.

" Pero pilit mong tinatago dahil sa kapatid mo. Dahil ayaw mong magkagulo gulo kayo lalo na at malaki ang utang na loob mo sakanila at ayaw mong magkalamat ang samahan niyo dahil lang sa babae. " Di ko alam kung anong sasabihin mo sa mga sinabi ni manang sakin.

" Anak payo lang. Hanggang maari itigil mo nayan at pakawalan mo na si Jobel bago pa mahuli ang lahat. Kilala mo naman ang kapatid mo at pamilyadong tao ka na. Para narin sa ikabubuti ng lahat palayain mo na si Jobel." Sabi nito at tinapik ang balikat ko.

" Naka handa na ang pagkain na dadalhin mo sa hospital. Iwan mo nalang dyan ang pinagkainan mo pagtapos kana. Gigisingin ko lang ang mag ina mo ng makakain na sila." Sabi nito na ikinagulat ko.

" Dumating sila kaninang madaling araw. Di kana pinagising ng asawa mo at alam niyang pagod ka. Kaya don nalang sila sa kwarto ng anak mo natulog at ayaw ka nilang maistorbo " sabi nito at tuluyan ng umalis.

Bumontong hininga nalang ako at tinuloy na ang pagkain ko tsaka umalis. Diko na sila hinintay pang bumaba kase alam kong ayaw ni manang na makita nila akong nasa gantong sitwasyon.

Kilala ko ang asawa ko isang tingin lang non alam na niya kung may tinatago ako o may bumabagabag sa isip ko. At di rin ako tatantanan ng anak ko kaya mas mabuting umalis nalang ako ng dipa sila bumababa si manang nalang rin ang bahalang mag rason sakanila.


-----------------------------------------------------------
A/N.

Guys sorry talaga kung ngayon lang ulit nakapag update HUHUHUHU subrang busy kase sa eskwelahan at halos wala narin akong time na makahawak pa ng phone sa dami ng kailangan kong tapusin at asikasohin. Sorry talaga.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon