C24

60 3 0
                                    

Abel's Pov

"Major may problema po tayo " bulong sakin ng isang tauhan ko.  Napatingin naman ako dito at may tinuro na agad ko namang sinundan. Nagulat naman ako sa kung sino ang mga nakikita ko. Sina Jobel at kasama nila ngayon ang target namin.

" Bel bat ganyan mukha mo " tanong sakin ni Mark.

" May problema tayo " sabi ko at tinuro sila na ikinagulat naman nila.


" Bat sila andito?. Bel may alam ka ba dito?." Tanong sakin ni Carlos.

" Wala. Nagulat ngarin ako. " Sabi ko at napayukom nalang ang kamao sa mga nakikita ko at mabuti nalang at dumating sina Sam at Kyle dahil kong wla lang talaga kami sa mission ngayon kanina kupa nasapak ang walang hiyang yan.

" Ano bang ginagawa nila dito???. Baka mamaya at magkaputukan madadamay sila " sabi ni Mark kaya nong umalis na yong target namin ay hinintay ko mo nang makalayo ito tsaka ko napag decisionan na lapitan sila.


" Ako ng bahala sa kanila " sabi ko at di ko n Sila hinintay na sumagot at pinuntahan na sila. Masaya silang nagiinuman at nag kwekwentuhan ng makita nila ako ay para silang nakakita ng multo.


" L-love " sabi ni Jobel. Tumingin mo na ako sa paligid bago ko ito hinila palabas ng bar.


" Love ano bang ginagawa mo?." Inis na sabi nito nakasunod naman sa likod niya ang apat.

" Anong ginagawa niyo rito?. Alam niyo bang delikado ang ginagawa niyo?." Galit kong sabi sa kanila. Nakita ko naman ang takot sa kanila. Dahil ngayon lang ata ako nagalit ng ganto.

" L-love huminahon ka naman ohhh." Sabi ni Jobel.

" Umuwi na kayo " sabi ko at tatalikod na sana para bumalik sa loob ng mag salita si Jobel.

" At ikaw?. Anong ginagawa mo dito?. Diba dapat nasa trabaho ka?. Yan na ba ang trabaho mo ngayon?. Ang tumambay sa bar at di man lang nagpaparamdam sakin?. na ang buong akala ko ay busy ka yon pala busy sa kakatambay sa bar nato habang ako nagaalala sayo." Inis na sabi nito.


" Wag mo kong simulan Jobel umuwi na kayo at maguusap tayo bukas " sabi ko dito. Pero ngumiti lang ito at tumango tango lang.

" Jobel nalang ngayon?. Ok sige lang. At anong sabi mo?. Maguusap?. Wala na tayong dapat pang pagusapan pa Abel. Simula ngayon gwin mo lahat ng gusto mong gawin at di kita pipigilan. Bahala narin ako sa sarili ko kaya pwedi tumabi ka dyan at babalik kami sa loob " sabi nito at akmang lalagpasan ako ng pinigilan ko ito at binalik sa kong san siya nakatayo kanina.


" Pagsinabi kong umuwi na kayo. Umuwi na kayo. Bukas na bukas maguusap tayo at wag na wag na kayong babalik dito." Nakita ko namang umilaw ang smartwatch ko at walang tigil na ito sa kakailaw na napansin naman niya.

" Sige na . Umalis na kayo " sabi ko ng bigla nalang ako nakarinig ng putukan sa loob. Agad ko namang hinila sa isang tabi si Jobel kasama ang mga kaibigan namin.

" Anong nangyari?." Sabi ko at hawak hawak ko ang earpiece ko.


" Bigla nalang silang nagbarilan Major. Kaya gumawa na kami ng action " rinig kong sabi ni Ej.

" Whatever happens capture our main target. Seguradohin niyong walang madadamay sa mga stuff ng bar. Capture them dead or alive and that's an order " sabi ko.

" Yes Major " sagot nilang lahat. Tuloy lang ang putukan sa loob.

" Ok lang kayo?." Tanong ko sa kanila habang hawak hawak si Jobel tumango naman silang lahat ng mapansin ko sa isang gilid ang dalawang lalaking nag mamadali. Kilala ko siya at siya si Mr. Wang. Kaya kinuha ko ang baril ko.

" Magtago kayo don. At wag na wag kayong lalabas hanggat wala akong sinasabi." Sabi ko at lalabas na sana ng hawakan ako ni Jobel.

" Magiingat ka "sabi nito at tumango naman ako bago umalis.


" TIGIL " sigaw ko napaharap naman sila sakin at pinaputukan ako mabilis naman akong nakailag at natago sa isang puno tsaka ko naman yon binaril. Nakatago lang sa isang tabi si Mr. Wang at takot na takot ito.


" Mr. Wang kong ako sainyo susuko na ako. Kesa naman madagdagan ang kaso niyo. Matanda ka narin Mr. Wang gugustohin mo bang mamatay sa loob ng kulungan ng di man lang nakakasama o nakikita ng pamilya mo?. Mamili ka Mr. Wang naka salalay sayo ang Buhay mo. Batid mo naman seguro na shot to kill ang order sainyo diba?. Kaya mag isip isip ka Mr. Wang dahil mabilis mag bago ang isip ko " sabi ko at tinanggal ang bala ng baril ko at pinalitan ito ng walang laman at dahan dahang naglakad papunta sa direction niya.



" Taas ang kamay Mr. Wang " sabi ko dito nagulat naman ito sa bigla kong pagsulpot sa harap niya. Pero sinunud naman nito ang sinabi ko.

" DAPA " mabilis pa sa alas kwatro na sinunod niya ako at kinuha ko naman ang posas ko para posasan siya.

" Mr. Zhoren Wang, You are under arrest. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have a right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you. " sabi ko bago siya pinosasan at nagsilabasan naman ang iba ko pang kasamahan sa loob. Nakita kong may tama ang main target talaga namin lumabas narin sa tinataguan nila kanina sina Jobel ng makita naman sila nito ay napangiti ang mokong nayon.

" Hi baby " masayang sabi nito. Pero di ito pinansin ni Jobel.

" Alam mo ikaw. Wala ka talagang kahiya hiya sa katawan no?. " Sabi sakanya ni Cy.

" Baby saglit lang to. Bukas dadalawin kita sa bahay mo kaya hintayin mo ko ahhh " sabi nito ng nakangiti ng bigla itong sampalin ni Jobel.


" G*g* at para sabihin ko sayo. May asawa na ako at nasa harap mo Siya ngayon " sabi nito ng bigla ako nitong halikan sa harap niya kaya naghiyawan naman sila pero ang mokong ayon masama ang tingin napangiti naman ako sa ginawa niya at pagkatapos non ay kinaladkad na siya ng mga tauhan ko.


" Good job everyone. Gaya ng sabi at pangako ko sainyo ang 1week niyo ay magsisimula na bukas " sabi ko at naghiyawan naman silang lahat ng biglang may nagsalita sa earpiece ko.

" Major 8o'clock " pagkasabi niya non ay napatingin ako sa likod at nakita kong nakatutuk samin ang baril na inagaw nito. Mabilis pa sa alas kwatro na binunot ko ang baril ko at bago pa siya makapaputok ay inunahan ko naman ito na siyang ikinagulat nilang lahat.


" Ok lang kayo?." Pag alalang tanong ko sa kanila.


" Ok lang kami " sabi naman ni Cy.

" Kayo?. Ok lang kayo?." Tanong ko sa iba na agad naman silang nag sitanguan.


" Mabuti pa magsiuwi na kayo. Carlos ikaw ng bahala kay Cy Nicole and Ej ihatid niyo silang tatlo pauwi. Mark and Janin kayo ng bahala dyan kay Mr. Wang wag niyong titigilan hanggat di niyo napapaamin yon. Kung kailangang idaan sa dahas gawin niyo. Patayin niyo narin kong ayaw talaga umamin tsaka niyo ilagay sa drum na puno ng semento at itapon sa dagat ng mapakinabangan ng mga isda." Sabi ko at nakita ko ang takot sa mukha niya.


" Copy that Major. " Sabi nito ng nakangiti dahil alam ko kung ano ang gagawin sakanya ni Mark pagnag kataon.

" Narinig mo yon Mr. Wang?. Major give me the permission to do whatever I want kaya kung ako sayo?. Wag ka ng magmatigas dahil mainipin ako at mabilis uminit ang ulo sa mga taong matitigas ang ulo " sabi nito tsaka hinila na ito papunta sa sasakyan at umalis.


" Tara na " sabi ko nalang at nag si alisan na kami don sa lugar na yon.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon