c28

95 4 0
                                    

Alex's Pov

Pag alis ni ate Jobel para bumalik sa loob kung nasan ang ate ko ay agad kong hinarap si kuya.

" Kuya mag usap tayo " ma authoridad kung sabi tsaka naunang mag lakad. Alam kong nagulat silang lahat sa naging asta ko sa kuya ko pero napahingang malalim lang si kuya at sumonod sakin hanggang sa mapadpad kami dito sa mini garden ng hospital.

" Kuya totoo ba?." Agad kong tanong sakanya ng makarating kami sa garden. Taka naman nya akong tiningnan na parang nagtatanong kung ano ba ang ibig kong sabihin.

" Wag ka ng magkaila kuya. Akala ko ba ok na ang lahat?. Pumayag ako sa gusto mong itakas dito si ate para sa mabilisan nyang pag galing kahit labag sa loob ko. Pero yon lang ba talaga ang rason?.  O meron ka pang binabalak?." Sabi ko dito pero nakatingin lang ito sakin na parang naguguslohan.

" What do you mean by that Alex?. Nag aalala ako sa kalagayan ni Abel ok?. At kung ano man yang nasa isip ko ay wala akong alam dyan at isa pa wag mukong pagsalitaan ng ganyan kuya mo parin ako." Sabi nito sa medyo kataasang boses.

" Talaga ba?. Ano mo ngayon mapapaliwanag ang narinig ko kaninang umaga habang naguusap kayo ni manang?." Sabi ko dito kaya natigilan ito.

" See?. Lahat ba ng plano mo ay para kay ate o may mas higit pa?. Kaya mo ba siya ilalayo dito para mailayo kay ate Jobel para magawa muna ang plano mong paglapit sakanya habang nasa malayo si ate?." Sabi ko dito.

" Narinig mo pala kaming naguusap ni manang?. Seguro alam mo narin na andito ang mag ina ko tama?."

" Of course Kuya I know everything. How could you do that to ate Abel?. Hahayaan mulang ba na masira ng tuluyan ang pamilya mo para lang sa walang kwentang bagay?. How about your son?. Ano sa palagay mo ang mararamdaman nya?. Di mo manlang ba naisip yon kuya?." Sabi ko dito pero di ito umiimik.

" And you know what is worst?. Ang makita ko mismo ang asawa mong umiiyak habang pinagmamasdan ang mga litrato nyong dalawa. At alam mo kung ano ang sabi nya?. Nahihirapan na siyang mag panggap at magsinungalang sa harap ng anak nyo na masaya at nagmamahalan ang parents nya kahit di naman yon totoo." Sabi ko dito.

" Enough Alex" sabi nito pero di ako tumigil.

" No kuya. Kailangan mong marinig to. Alam mo ba kung ano ang mangyayari kung sakaling malaman to ni Ate Abel, ate Jobel at ng iba ba?." Sabi ko dito.

" I know Alex. Alam ko kung ano ang mangyayari kaya please wag mong sasabihin to sakanila hayaan munalang ako. " Sabi nito pero umiling ako.

" Hindi kuya. Kahit kailan hinding hindi ako kakampi sa mali. Maling mali yang ginagawa mo. Ayusin mo ang pamilya mo kuya may mag ina kang umaasa at naghihintay sayo. Wag mong sisirain ang kung meron ang ibang tao para maramdaman mong masaya ka. May pamilya kang tunay na magpapasaya sayo." Sabi ko dito at aalis na sana ng matigilan ako sa nakita ko.

" Ate " tanging nasabi ko at kasabay non ang pagharap ni kuya . Kase andito silang lahat nakikinig sa pinaguusapan naming dalawa at nakikita ko sa mga mukha nila ang galit lalo nayong tatlo na si Ate Jobel at Kuya Mark. Lumapit samin si ate Jobel at hinarap si kuya.

" Akala ko ok nasayo ang lahat. Akala ko tanggap muna ang meron kami ng kapatid mo  pero nagkakamali pala ako. At ano?. Balak mo pa siyang itakas samin?. Napakawalang hiya mo." At sinampal siya ng sunod sunod ni Ate.

" Ate please tama na " naiiyak kong sabi dito kase kahit galit ako sa kuya ko ay kapatid ko parin siya. Tumalikod nalang si ate Jobel at umalis sumunod narin sakanya ang iba pero nagpaiwan si ate Janin at kuya Mark.

" Tarantado " sabi nito at binigyan ng malakas na sapak si Kuya kaya natumba ito. Sagulat ko ay halos di naku nakagalaw sa kinatatayuan ko at naramdaman ko nalang na hinila ako ni ate Janin.

" Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?. Sisirain mo ang pamilya mo at ang relasyon nyo ng kapatid mo dahil sa isang babae?. Nahihibang kanaba?." Sabi sakanya ni Kuya Mark.

" Mahal ko si Jobel Mark matagal na at bago pa siya mapunta kay Abel ay naging muna siya " sabi ni Kuya kaya binigyan nanaman siya ng panibagong suntok ni Kuya.

" G*g* di mo manlang inisip ang pamilya mo. May asawa at anak mo. Mas iniisip mupa ang katarantaduhan mo kesa unahin ang pamilya mo " sabi sakanya ni Kuya.

" Tara na Alex " biglang sabi ni ate Janin sakin at hinila ako paalis ng huminto ako.

" Wag kang mag alala sa kuya mo . Kilala mo naman ang Kuya Mark mo bibigyan lang nya ng leksyon yan para tumanda. Wag kang mag alala di nya yan papatayin. Ang gawin mo nalang ngayon ay Kausapin ang ate Jobel mo. Alam kong nasasaktan yon ngayon " sabi nito kaya tumango nalang ako.

" Ate sorry kung nag lihim ako sainyo. Kanina kulang rin kase nalaman ang mga nangyari" sabi ko dito.

" Ok lang naman yon ang mahalaga di mo siya pinagtakpan. Ang masama don kung tinolerate mo ang masamang balak ng kapatid mo. Tiyak baka di lang ang ate Jobel mo ang magagalit sayo. Lahat kaming mga ate at kuya mo kase mali ang gagawin mo kung mas pinili mong panigan ang kuya mo." Sabi sakin ni ate.

" Ang mahalag nalaman natin. At mali parin yong pumayag ka na itakas ang ate mo without consulting us ha. Pero naiintindihan kita kase kung sakin rin mangyari yon baka yon din ang gagawin ko pero kailangan mo paring mag sorry sakanila.ok?." Sabi nito kaya tumango ako.

Pagdating sa harap ng room kung nasan si ate ay labat sila tahimik na nakaupo. Ng tinawag sila ni ate Janin ay nasa akin lahat ng tingin nila.

" Mga ate kuya " panimula ko pero nakatingin lang ang mga ito sakin at walang niisa sakanila ang nagsasalita hanggang sa magsalita si Ate Nicole.

" Ano Alex?. Magtitigan nalang ba tayo dito?. O may gusto kang sabihin?. Dahil nasasayang yong oras natin dito" Halata sa boses ni ate Nicole ang galit. Sa lahat ng ayuko ay ang magalit si ate Nicole kase lahat sila ay takot sakanya pag nagalit kahit si ate. Kaya nakayuko nalang ako. At napaluha.

" Wag mo kaming idaan sa paiyak iyak mo Alex kailangan namin ngayon ng paliwanag hindi ang makita kang umiiyak dyan " sabi naman ni ate EJ kaya huminga ako ng malalim bago nagsalita.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon