C41

63 1 0
                                    

Jobel's Pov

Nagising ako ng wala na si Abel sa tabi ko kaya dali dali akong bumangon at bumaba para hanapin siya.

" Eloy nakita mo bang bumaba si Abel?." Tanong kokay Eloy ng makita ko itong papasok.

" Nandon po siya sa borol ate " sabi nito kaya tumango ako at bumalik ulit sa taas para mag ayos at bumaba para mag pahatid kay Eloy.

" Jobel " agad na salubong sakin ni Ej.

" Nandito na pala kayo. Si Abel ba nakita mo?." Tanong ko dito.

" Ahhh. Oo kanina lang pero si Boss ayon ohhh " sabi nito sabay turo kong nasan si Abel.

" Alam mo awang awa na ako sakanya. Di niya deserve to. Kung meron lang sana akong magagawa " sabi nito.

" Ang kailangan mo lang gawin ay wag kang panghinaan ng loob. Kailangan niya tayo ngayon at tayo lang ang makakapag pagaan ng loob niya " sabi ko dito at tumango lang siya.

" Kumain ka na ba?." Tanong nito.

" Hindi pa. Actually kagigising ko lang at wala na akong naabutan kaya dali dali akong pumonta dito dahil sapag alala." Sabi ko.

" Kumain ka na mo na at pakainin mo na rin si Abel kanina payan dito. Ilang minuto lang ng dumating kami ng pumonta siya dito "sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

" What?. Ang ibig mo bang sabihin kanina pa siya dito???." Sabi ko.

" Oo. At kanina pa namin pinilipit na pakainin pero ayaw niya talaga." Sabi nito kaya napasapo ako ng noo. Ang ibig sabihin sinigurado niyang tulog na ako at umalis?.

" Ako ng bahala. Salamat " sabi ko at umalis na para puntahan si Abel.

" Love " sabi ko at niyakap ito patalikod.

" Dapat ginising mo ako kung pupunta ka pala dito. Nag alala tuloy ako sayo akala ko kung napano ka na " sabi ko naramdaman ko namang hinawakan nito ang kamay ko.

" I'm sorry" sabi nito.

" It's ok love ang mahalaga walang nangyaring masama sayo. Kumain ka na ba?." Tanong ko dito.

" Wala akong gana " tipid na sabi nito.

" Love kailangan mong kumain kahit kunti lang ok?. Para makainum ka na ng gamot mo. Tapos kung gusto mong dito ka mo na papayagan kita basta kumain ka mo na." Sabi ki dito.

" Wala nga akong ganang kumain. Please wag niyo na akong pilitin." Matigas na sabi nito. Kaya napabuntong hininga ako.

" Ok. Kung ayaw mo. Di na kita pipilitin" sabi ko at tumalikod na.

Pero bago ako tuluyang umalis ay nilingon ko mo na ito at nakita kong nakayakap siya ngayon sa kabaong ng tatay niya. Tumalikod nalang ako at pumonta kung nasan si Alex. Ayukong makita siyang ganun dahil baka di ko kayanin at pati ako mapaiyak nalang rin.

" Oh ate halika kain ka mo na " alok sakin ni Alex pero umiling ako.

" Wala pa akong gana ehhh." Matamlay kong sabi

"Hay naku ate. Hayaan mo na mo na si Ate don. Di pa niya kase kayang tanggapin na wala na si papa. Pero naniniwala ako na magiging ok rin siya. Kaya kumain ka na ate. Baka magkasakit kapa niyan " sabi nito kaya ngumiti nalang ako ng tipid at kumain narin kahit kunti.


Abel's Pov

Nandito lang ako nakaupo katabi si papa. Ayukong kumain dahil kahit anong kain ko ay di ko nalalasahan. Wala akong gana sa lahat. Dito lang ako kay papa at di ako umaakis. Oo masakit saakin ang pagkawala niya pero anong magagawa ko?. Nawala na saakin ang lahat. Kahit sabihin man nilang di nila ako iiwan ay dadating at darating din yong araw na iiwan rin nila ako.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon