c25

285 4 1
                                    

Janin's Pov

Nandito lang kami sa loob ng room ni Abel at nag hihintay sa results na ginawa sakanya ni Jobel. Halos lahat kami dito ay nagiiyakan.

" Pag naging ok si Mark sabihin niyo sakanya na ginawa ko na ang promise ko sakanya. At para narin salahat " sabi nito wt tamingin sakin.

" Pero pwedi bang sabihin mo rin sakanya Janin ang pinangako niya?. Kase pag di niya ginawa yon. Baka tuluyan na kung mawawala at baka sa pagkawala ko ay di ko siya titigilan kahit san man siya mapunta." Sabi nito sakin at naguguluhan man ay tumango nalang ako at nginitian siya.

" Makakarating po " sabi ko sakanya at ngumiti ito. Marami pa kaming napag kwentuhan ni Abel bago dumatik si Jobel ay sinabing hinahanda na nila ang OR para kay Jobel.

" Boss pagaling ka ahhh." Sabi ni Nicole.

" Kaya muyan. Ikaw pa bilisan mo lang magpagaling at hihintayin ka namin. Ako narin muna ang bahala sa maiiwan mo " sabi naman ni Carlos at tinapik ang balikat nito.

" Kayo na muna ang bahala" sabi naman niya at ngumiti saamin.

" Ate pagaling ka ahh. Wag mukaming iiwan" umiiyak na sabi ni Alex at niyakap ang ate niya.

" Bro bilisan mulang." Sabi naman sakanya ni LA

" Una na muna kami at paki sabi kay Mark pag balik niya na gawin niya na ang promise niya bago pa mahuli ang lahat." Sabi nito ng nakatingin sakin.

" Makakarating boss. Ako na bahala don." Sabi ko at tuluyan na silang lumabas. Nakasunod lang kami sakanila hanggang sa makapasok sila sa loob ng OR.

Lahat kami ay dito lang nakaabang habang sumisilip sa maliit na butas na kong saan nga likod lang nila ang nakikita namin. Walang kahit mukha manlang ni Abel ang makikita namin.

" Magiging ok lang ba si ate kuya?." Rinig kong tanong ni Alex sa kuya niya.

" Magtiwala lang tayo kay Jobel bunso. Subrang mahal niya ang ate mo kaya di niya hahayaang may mangyaring masama sakanya. " Sabi nito sa kapatid.

" Ipagdasal nalang natin na magiging maayos si Abel " sabi ko na ikinatango nama nila.

" Magdasal tayo " biglang sabi ni Ej na kanina pa tahimik at nauna ng maglakad saamin papuntang chapel.

Pagpasok namin don ay kanya kanya na kaming upo at nagdasal na sana magiging maayos ang lahat.


-
Ilang oras na ang nakakalipas pero wala paring may lumalabas sa pinto kung saan ipinasok si Abel. Nag pa deliver narin kami ng pagkain at walang niisa saamin ang umaalis don hanggang sa may lumabas na nurse galing sa loob.

"Nurse kamuzta ang kaibigan namin?." Agad na sabi ni Carlos ng harangan niya ito.

" I'm sorry pero nag mamadali ako " yon lang ang sabi niya at agad na tumakbo paalis. Kinakabahan na kami sa kung ano na ang nangyayari sa loob.

Pagbalik nito ay may dala dala itong dalawang bags ng dugo at sunod naman na lumabas ang isa pang nurse. Nagsisimula nanaman kaming umiyak dahil sa nangyayari. Pero ipinagdasal nalang talaga namin na sana magiging maayos ang lahat.

Ilang oras pa ang paghihintay namin ng sa wakas ay lumabas narin si Jobel. Kaya lahat kami nagsipalit sakanya.

" Kamuzta?. Successful ba?." Agad na tanong sakanya ni LA.

" Si boss kamuzta?." Tanong ko dito.

" Guys ok na siya " sabi nito kaya nabunutan kami ng tinik at niyakap ang isat isa.

" Pero ilalagay muna namin siya sa ICU para ma monitor ang kalagayan niya. " Sabi nito kaya lahat kami napatingin sakanya.

" Kanina habang nasa kalagitnaan kami ng operation muntikan na siyang bumigay bigla nalang nag flatline yong heartbeat niya. Sinubukan namin siyang irevive at buti nalang di siya tuluyang sumuko. Kinulang rin kami sa dugo at mabuti nalang bago kami makasagawa ng pag opera sakanya ay nakakuha na ako ng dugo kung saka sakali. " Sabi nito pero Kami nakatingin lang sakanya.


" Ngayon wala pang result kung kailan siya magigising. Pero kailangan lang muna siyang ilagay sa ICU at wag kayong mag alala ako parin ang magbabantay at mag aalaga sakanya. " Sabi nito ng bigla nalang siyang yakapin ni Alex.

" Ginawa mo naman ang lahat ate. Kaya wag ka ng malungkot ang mahalaga ok na si ate. Maghihintay nalang kami kung kailan siya magigising. " Sabi nito at sumang ayon naman kami.

" Tama si Alex kaya wag ka na mag isip ng kung ano. Alam naman namin na di mo pababayaan si Abel lalo na at alam namin kung gano mo siya ka mahal " sabi naman ni LA. At niyakap namin ito.

" Tama na nga tong dram nato. Lina kayo at gusto ko na makita ang pangit na mukha ni Abel " biglang sabi ni Nicole kaya natawa kami.

" Pag ikaw narinig non. Malalagot ka " sabi nitong si Ej.

" Ede malalagot minsan lang naman " sabi ni pa nito.

" Takot naman " sabi ni Carlos kaya natawa nalang kami sa naging reaction nito.

Pumonta na nga kami sa labas ng ICU at don namin tiningnan ang kaibigan namin na mahimbing na natutulog. Inaayos siya sa loob Hanggang sa lumabas si Cy at ang tatlo.

" Naka ready na siya bess. At bukas na bukas pwedi nyo na siyang pasukin sa loob. Sa ngayon wag mo na at kakatapos lang niyang lumabas sa operating room." Sabi nito.


" Doc paki permahan nalang nito "sabi ni Abby at binigay kay Jobel ang dapat nitong permahan.

" Kyle mag handa kayo ng PPE para sakanila para di na sila pumonta pa kung saan para kumuha. Mabuti nayong meron tayo dito " sabi ni Jobel na agad naman niyang sinunod.

" Dito na muna kayo guys at papasokin kulang siya sa loob. Bess kayo na ang bahala sa kanila." Sabi nito ng pigilan sita ni Sam.


" Doc kumain ka na muna wala kapang kain simula kanina. Baka mamaya may mangyari pang masama sayo. Gusto mo bang si Doc Palmero ang mag aasikaso sakanya?." Sabi nito ng biglang sumama ang mukha nito.

" Ok. Kakain na muna ako at wag na wag kayong aalis na dalawa dito hanggat di pa ako nakakabalik. Maliwanag?." Inis na sabi nito at agad na umalis ng di pa nakakapag salita ang dalawa.

" Anyari don?." Tanong ko.

" Ito kase ehh. Pano yan?. Gutom naku ikaw talaga bat mo kase sinabi yon???." Inis na tanong sakanta ni Cy.

" Malay kubang seseryosohin niya" depensa naman ng isa.

" Alam mo namang selos na selos sakanya si bessy.  Gusto mo bang pati tayo madamay ha???." Sabi nito.

" Ano bang sinasabi niyo??." Tanong ni Ej.

" Kanina kase sa OR kilig na kilig si doc Palmero ng makita niya si Abel kaya ayon nainis si doc lalo na nong sinabi nitong siya ang mag aalaga sakanya pagkatapos ng operation at gusto na niya raw si Abel kaya ayon. Nagalit si doc HAHAHA " Sabi ni Sam

" Problema yan " sabi ni Carlos at napapailing nalang kami habang si Cy ay matalim na tinitingnan si Sam.


" Ikaw mag bantay dito at kakain ako " inis na sabi nito at aalis na sana ng pinigilan naman siya ng isa.

" Anong ako???. Baka nakakalimutan mong dalawa tayo sabi ni Doc. Gusto ko bang maparusahan tayo ha?." Sabi nito kaya itong isa inis na inis na at padabog na umupo sa upu at gutom na raw talaga siya kaya nag order nalang si LA ng pagkain nilang dalawa at baka mag transform pa itong si Cy dahil sa gutom.







__________________________________
SORRY PO AT NGAYON LANG NAKAPAG UPDATE. SUBRANG BUSY PO TALAGA KASE PATI YONG SATURDAY NA FREE DAY NAMIN AY KINUHA NA NILA PARA SA IBANG MAJOR SUBJECTS NAMIN 🥺.

SORRY PO 🥺.

SA DI PAPALA NAKAKAPAG BASA NG BOOK 1 NITO GUYS DITO PO SA ILALIM ANG ANG TITLE NG BOOK 1 . THANK YOU AND GOD BLESS ❤️

Si Doc at si Capt ( COMPLETE )

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon