c1

81 3 0
                                    

Someone's Pov

2 and a half years na ang lumipas at subrang laki ng ipinagbago ng dalawa. Si Abel halos ubusin ang oras sa trabaho para maglingkod sa bayan at ganun rin si Jobel sa America. Sa tagal niyang namalagi don ay gustong gusto na niyang umuwi para ibahagi sa bayan niya ang kanyang natutunan sa America. Sa katunayan ngayong araw na ang nakatakda para umuwi siya. Walang may alam na kahit sino kahit mga magulang niya na uuwi siya dahil ang gusto niya ay isurprise ang mga ito sa pag uwi niya.

Si Abel naman ay laki ng ipinagbago at may binago sa katawan niya. Gusto niyo malaman kong ano?. Sabay nalang natin itong abangan sa darating pang mga chapters nito.

Ngayon ay magkakasama si na Abel at ang apat niyang kaibigan para sa kanilang mission na gaganapin sa Albay dahil merong nakapag tip sakanila na don nagtatago ang suspect sa pag patay ang matagal nilang hinahanap. Nakakatunog kase ito kaya mabilis silang takasan pero sa pagkakataong to ay mahuhuli na nila dahil sa subra nila itong pinaghandaan.

Samantalang si Jobel naman ay kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan niya at subrang excited na itong makita ang mga taong mahal niya. Pagbaba niya ng eroplano ay agad niyang ninamnam ang simoy ng hangin na matagal niyang na miss.

" Wala paring pinagbago mainit parin sa pinas " sabi nito at nagmamadaling makalabas ng airport para makauwi ng condo niya at mapuntahan ang mga kaibigan. Napag decisionan niyang sa susunod na araw nalang niya puntahan ang mga magulang para na sa bahay ang mga ito sa pag dating niya.

" Manong sa Blue residence po tayo " sabi nito sa driver ng taxi na sinasakyan niya.

Mabilis lumipas ang oras at ngayon ay nasa harap na ito ng hospital na kong san siya dating nag tatrabaho na hanggang ngayon ay naghihintay sapag balik nito.

Agad siyang pumasok sa loob agad siyang binati ng mga nurses na nakakakilala sakanya. Yong iba tumitili sa subrang saya ng bumalik na ang head nila galing ibang bansa para pamunuon silang muli at mag trabaho kasama sila.

Masaya naman niyang binati ang mga ito pabalik at nag tanong sa nurse station tungkol sa apat nitong kaibigan. Napangiti naman ito ng sinabing na sa OR ang mga ito.

Ng marating niya ang pintoan ng dati niyang office ay akma niya na sana itong buksan ng pinigilan siya ng mga guard na bawal raw pumasok. Ayaw siyang papasukin ng mga guard sa office nito ng magkataon na nagiikot ang mga ito. Ayaw nilang maniwala na siya ang head ng hospital dahil sa baguhan ang mga ito at di nila ito kilala ng biglang may sumigaw na isang guard at pinagalitan ang dalawa dahil sa ginawa nila at pinakilala si Jobel na head ng hospital na pinag tatrabahoan nila. Nag sorry naman  sila dito at tinanggap naman niya dahil sa naiintindihan naman niya na ginagawa lamang nila ito dahil ito ang trabaho nila.

Pumasok naman siya sa loob at sandaling inilibot ang kanyang paningin subra niya itong na miss at ang mag trabaho dito. Napatigil naman ito saglit ng makita niya ang litrato nilang dalawa dati nakung saan ay makikita mo kung gaanu sila ka saya ng bigla nalang itong mapaluha habang inaalala ang mga panahong masaya pa silang magkasama. Lahat ng mga pinagdadaanan nila at lahat ng mga away at saya na hinarap nilang magkasama.

Sandali pa niya itong tinititigan at niyakap ng bigla nalang bumukas ang pinto.

Jobel's Pov

Na sa kalagitnaan ako ng pag alala ng mga alala namin non ng biglang bumukas ang pinto at pag harap ko ay napangiti ako sa nakita ko.

" B-bes " sabi ng best friend ko na umiiyak na ngayon sa harap ko maging yong tatlo ay naiiyak narin.

" Na miss ko kayo " sabi ko sa kanila at niyakap silang apat.

Nagiiyakan lang kaming lima dito sa loob habang magkayakap.

" Kailan kapa dumating?." Tanong ni bessy sakin.

" Kanina lang bess. Pagdating ko dito umuwi mo na ako saglit para maayos ang mga gamit ko tsaka ako domiretso dito " sabi ko sa kanya.

" Kayo?. Kamuzta kayo?" Tanong ko sa kanila.

Masaya naman kaming naguusap hanggang sa napag decisionan namin na don nalang kami sa office ni Bessy para makapag kwentohan pa kami ng maayos.

" Pero unfairness bess ha. Lalo kang gumanda. Talaga bang nag training kalang sa America?. " Sabi ni bessy na sinang ayunan naman ng iba.

" Alam niyo. Dami niyong nakikita " sabi ko

" Totoo kaya " sabi naman ni Sam ng mag salita si Abby.

" Alam mo kung nandito lang sila masaya ang mga yon. Dahil nandito ka na subrang na miss ka nila " sabi ni Abby.

" Magkikita naman kami mamaya. Diba pupunta ang mga yon dito?." Sabi ko ng ngumiti sila ng nakakaloko.

" Sila ba ang gusto mong makita o yong pinunu nila?." Tukso sakin ni Kyle.

" Oo nga. " Sabi naman ni Sam.

" Kayo ahh .. tigil tigilan niyo ako. Bakit?. Kung san naman siya andon naman yong apat nakabuntot sakanya. Malamang pag pumonta ang mga yon mamaya andon siya. Kaya Bat ko pa siya hahanapin?." Sabi ko pero tumawa lang sila.

" Baka pag nakita mo siya. Matulala ka nalang sa laki ng pinagbago niya doc HAHAHA" Sabi naman ni Abby.

" Wala akong pakialam " walang gana kong sabi

" Tingnan nalang natin bess. Kung alam mo lang na tuwing pupunta yan dito sa hospital parang may pumasok na artista kong makatili ang mga nurses dyan." Sabi naman ni bessy.

" Kaso malas ngalang kase baka next week pa sila makakapunta dito " dagdag pa niya.

" Bakit?. Nasan ba sila?." Tanong ko.

" Hinahanap HAHAHAH " parang mga Tanga lang.

" Wala Sila. Nasa Albay may hinahabol na masamang tao. Kung nabalitaan mo yong balita sa pag patay ng dalawang batang babae pagkatapos gahasain ay yon ang tinutugis nila ngayon. Kaya wala sila at baka next week ang balik nila. Pero di pa sure ha. Kung mahuli nila agad makakabalik sila agad dito. Pero kung hindi baka matatagal " sabi ni bessy kaya napailing nalang ako.

" Tama na ngayang pag uusap sa kanila. Mabuti pa lumabas nalang tayo at makapag lunch. Anong oras na nagugutom na ako " reklamo ko.

" Mahigit dalawang taon rin akong di nakakatikim ng libre galing sayo bess. Kaya sagot mo na ang lunch " sabi nito kaya napairap ako.

" Oo na. May magagawa pa ba ako?. Alam ko namang di niyo ko titigilan kong tumanggi ako " sabi ko sa kanila.

" Tara na. Gutom na mga alaga ko " sabi ni Kyle na ikinatawa naman. Napapailing nalang akong sumunod sa kanila hanggang sa makarating kami sa dati naming kainan at nag order narin. Pero yong mga walang hiya ayon. Talagang sinagad ang matagal nilang di natitikman na libre galing sakin. Dahil halos lahat sila puno yong mga plano nila at may mga pahabol pa.

" Parang di kayo nakakain ng ilang taon ahhh " inis kong sabi sa kanila.

" Hindi talaga bess. Kaya kumain ka nalang dyan ok?. Gutom lang yan " sabi nito. Napairap nalang ako sakanila bago ko simulan ang pagkain ko.

You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon