c8

70 3 0
                                    

Jobel's Pov

" Bakit?. Single naman ako at single rin naman si Ivy wala namang problema kong saka sakaling mahulog kami sa isat isa " sabi nito na nagpainit ng ulo ko

" Ganun?. Ede don ka. Bwesit" inis kong sabi at umalis sa ibabaw niya ng tumawa ito ng malakas

" Ito naman. Di na mabiro halika nga dito " sabi nito at binuka ang dalawang kamay niya para yakapin ako. Inis naman akong lumapit sakanya at niyakap niya ako tsaka pinaupo sa lap niya.

" Nakakainis ka naman ehh. Kakasabi mo lang kanina na mahal mo ako tas yong babae mo parin ang iniisip mo " inis kong sabi sakanya na ikinatawa lang niya.

" Nagseselos ka ba?." Tanong nito sakin at inirapan ko lang ito.

" Bati na kase tayo mahal ko " sabi nito. Napabuntong hininga naman ako at tumango.


" Bati na tayo?." Tanong nito ulit.


" Bwesit. Oo na nga " inis kong sabi dito at napasigaw nalang ako dahil sa bigla niya nalang akong binuhat at tumatalon talon pa.


" BWESIT KA ABEL IBABA MO NGA AKO " sigaw ko sakanya.


" Sorry HAHAHA masaya lang ako na ok na tayong dalawa " sabi nito at may mga luhang pumatak sa mga mata niya kaya agad ko itong pinunasan.


" Pasalamat ka at mahal kita. Dahil kong hindi itatali talaga kita don sa babae mo. At itong tatandaan mo Abel. Walang sino man ang pweding humawak sayo kundi ako lang. Naiintindihan mo??." Ma authority kong sabi.


" Yes ma'am" sabi nito at sumalodo pa sakin. Kaya napangiti nalang ako.


" Good. Tara na at matulog na tayo. Anong oras na amoy alak kapa" Sabi ko dito.


" Shower lang ako " sabi nito at hinalikan ako sa noo.


" Bilisan mo " sabi ko dito at nginitian lang ako nito.

Pagkatapos nito sa banyo ay napangiti nalang ako. Tama si bessy seguro kong di pa ako kumilos kanina baka tuluyan na siyang nakuha sakin ng babaeng yon. Inayos ko naman ang kama nito at nahiga ng biglang tomonog ang phone nito may message na naka pop up kaya tiningnan ko ito. At napataas nalang ang kilay ko.


From: Ivy Pangit

Hoy Abel HAHAHA libre mo ko ahhh. Ayan na ahhh. Seguradohin mo ng sa pagkakataong to umayos ka na. Naku di mo naman sinabi na nakakatakot pala yang jowa mo ede sana nakapag handa ako. Walang hiya ka talaga. Basta libre mo ko ng beer at don parin sa tambayan.

Basa ko sa message ng Ivy nayon.


" Love " rinig kong tawag sakin ni Abel kaya taas kilay ko itong tiningnan at tinapon sakanya ang phone nito na agad naman niyang Sinalo.


" Bakit?." Tanong nito at tiningnan ang phone niya.


" Ito ba?. Alam mo love wala ka namang dapat ipag selos kay Ivy kase di naman kami talo non. Nag kakilala lang kami non nong unang gabe natin dito. Di ko naman alam na may tao pala don sa batong inupuan ko at yon inalok niya ko ng beer tsaka kinulit kong bat daw kinakausap ko yong sarili ko. Kaya yon napa kwento ako ng wala sa oras. Tsaka nong sinabi mong magkaibigan nalang tayo dinamayan niya ako. At sabi niya tutulungan niya akong maibalik ka sakin. Di pa naman kami nag sisimula ay nakuha na kita ulit ng walang kahirap hirap HAHAHA" nakakainis.


" Tsk " bwesit sila.


" Love wag ka ng magalit. Kakabati lang natin ohhh. Sorry na " sabi nito at niyakap ako.


You're my HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon