Kabanata 48 Part 2: Day 3

1.2K 56 10
                                    


Ash's Pov

Pumangalumbaba ako dito sa armrest habang nananatili paring pinapanuod ang dalawang kagrupo kong parang mga abnoy kung magsuntukan.

"Psh!" Sabi kasi ni Ma'am Karyle na panoorin ko lang daw muna sila at pag-aralan ang mga galaw.

Si Ma'am Karyle din nga pala ang hahawak sa grupo namin.

Hmm...habang wala ako ng ilang araw dito sa school eh eto na pala ang mga nangyayari. Buti nalang talaga at pinapasok na 'ko ni papa.

Teka? Nainform na ba si papa tungkol dito? Na ganito ang nangyayari sa school na 'to?

Nainterrupt ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Ma'am Karyle.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Magsimula kana. Umpisahan mo ng tumakbo sa school. Sampung beses."Seryoso niyang sabi.

"Huh?!"

Third Person's Pov


*Huff...huff*

"Ten..."

Pagod na pagod na sumalampak si Ash sa damuhan, dito sa school ground at isinandal ang likod sa puno.
Basa ang buhok dahil sa pawis , namumutla ang labi at hingal na hingal na parang asong .lol.

Nakasampu na siyang takbo sa palibot ng school na labis na ikinapagod nya.
Nyemas.

Masmaganda talagang hindi nalang siya pumasok kung alam niya lang na patatakbuhin siya ng butihin niyang guro!

Nyetakels, siya kaya patakbuhin ko ng sampung beses ?! Gurang na 'yon! Hindi na naawa!-Saad ng isip ni Ash.

Tanging siya lamang ang estudyanteng nasa labas. Lahat kasi ay nasa kani-kanilang training room.

"Ano bang klaseng pagsasanay ang sinasabi mo? At anong laban?"
"Pagsasanay kung paano humawak ng baril at iba pang armas...kung paano ipagtanggol ang sarili mo sa kalaban...kung pa'no pumatay."

Bigla na lamang sumagi sa isipan ng dalaga ang pag-uusap nilang 'yon ni Yoshio.

Pumatay?

Ginagawa niya 'to para pumatay?

Tama ba 'to?

Tama bang dito siya magpatuloy sa ganitong klaseng school na 'to na pinamamalagian ng libu-libong mga walangyang estudyante?

At mga gurong...pagkaharap ka akala mo kung sinong santo pero ang totoo'y wala rin naman silang pinagkaiba sa mga estudyante nila.

Tama nga bang ipagpatuloy niya ang pakikisama sa mga gan'tong uri ng kabataan?

Pinagmasdan ni Ash ang mga gusaling nakatirik sa loob ng paaralang ito at mariin niyang pinakinggan ang ingay mula dito.

Mga ingay na dulot ng pagsasanay ng mga estudyante.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon