A/n: This chapter is dedicated to @Mikachie . ^_^ Hi~
Tingnan ang imahe sa kanan. XD -------->
Kabanata 45: Kaeru 帰る (Return)
"Pa..."Tumingin ako kay papa.
"...naiintindihan kita. Alam kong ayaw mong may mawala pa sa'yo. Pero...hindi na 'ko bata. Hindi ko hahayaan na magkulong dito at walang gawin laban sa kanila."
"Ano bang sinasabi mo?!"Inis na sabi sa'kin ni papa.
"Ngayong malaki na 'ko...napag-isip isip kong..."Napayukom ako.
Hindi ko alam kung tama ba 'tong magiging desisyon ko.
Pero...dahil sa mga nalaman ko...lalo akong itinutulak ng sarili ko na kumilos.
"...maging isang Yakuza tulad niyo."Sabi ko.
Kita ko ang panlalaki ng mata ni papa, gayun din sina Yoshio, Riku,Shiro at Ryu. Lahat sila ay hindi inaasahan na sasabihin ko 'yon.
Ayoko na, na walang gawin. Walang gawin para ipagtanggol ang pagkamatay ng mama ko. Malaki ang galit ko sa grupong 'yon. Sila ang dahilan kung bakit hindi ko kasama si mama...
kung bakit hindi ko kasama si Yui.
Sinira nila...nang Shiba na 'yon at ng pesteng anak niya ang buhay namin.
"Kalokohan 'yang sinasabi mo. Hinding hindi kita papayagan diyan sa desisyon mo,Miro."Mariin na sabi ni papa sa'kin.
"Pa! Gusto kong ipaghiganti si Mama!"Pagkabanggit ko palang ng tungkol kay mama ay naluluha na 'ko. Sa tuwing maalala ko kasi si mama ay hindi masasayang nakaraan ang nagfflashback sa isipan ko. Kundi ang pangyayari kung paano namatay si mama.
Mabilis na lumapit si papa sa'kin at marahas ako nitong hinawakan sa kanang braso. Napangiwi ako sa sakit.
"Nahihibang kana ba?! Alam mo ba ang sinasabi mo,hah?!"Bulyaw niya sa'kin.
Naiyak lamang ako at napatungo.
"Hindi...hindi..."Mahina kong sabi habang patuloy lang sa pag-iyak.
Hindi ako nahihibang.
"Gusto ko talagang ipaghiganti si mama at si ate,pa."Maluha luha na'kong tumingin sa kanya.
Halata kay papa ang galit sa mukha niya at pati narin ang sakit at lungkot na nararamdaman niya.
Parehas lang naman kaming nahihirapan. Parehas lang kaming nalulungkot at nagnanais na maghiganti.
"Gusto kong maging-isa sa iny---"
"TAMA NA!"Sigaw niya na dahilan para hindi ako matapos sa pagsasalita.
"Ipapahamak mo lang ang sarili mo. Wala kang laban sa kanila. Ayoko ng muling marinig 'yan sa'yo."Pagbabanta niya. Binitawan na niya 'ko at tumalikod na sa'kin.
BINABASA MO ANG
TROUBLE HIGH - UNDER REVISION
Humor~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na may Action, Thriller, Teen Fiction, pero more on Comedy ...*shrug* I think :) Ito yung ... more on BAKBAKAN! *HUGOT NG BARIL* Yung may...