Otor's Note: Hello po!~ Gusto kong magpasalamat sa inyo dahil hindi po kayo nagsasawang sumubaybay sa kwento ni Ash. Bagamat may iba na nagsasawa na~ XD hahah! Hindi ko kayo masisisi, eh antagal ba namang mag-ud ng otor nito eh. Lol. Salamat din sa vote at comment. :)
Gusto ko ring humingi ng tawad dahil ang tagal ko kayong pinaghintay sa ud. :( Pasensya na ho! Mas kailangan ko po talaga kasing pagtuunan ng pansin ang pag-aaral. Ayaw ko nang makakuha ng tres ulit! XD wahahaha! So..sorry po.
( TvT). Sorry rin kung panget tong ud ko ngayon.
Ang chapter pong ito ay idededic ko kay classmate!~ XD Salamat sa pagbabasa ate~ @MsPenciLavenia Siya po kasi ang pinakahurado ko sa kwentong to. Araw-araw ko siyang tinatanong kung anong masasabi niya sa bawat chapter ng TH~ kaya...Salamat ate~
~~~
(6:30 am)
Lei's Pov
Pinagmasdan ko ang lahat ng estudyante na nandito na sa loob ng school. Lahat ay nakapila na ng maayos. Pero may iba paring kararating lang.
Bakas parin sa mga mukha nila ang kaba.
"Aimee...natatakot ako. Paano kung...mapatay nila ko? Paano kung..."
"Shhh~ Hindi mangyayari 'yon. Malakas tayo. Kakayanin nating lumaban."
Napahigpit ako ng hawak sa bagpack ko.
Lahat kami ay hindi maitatago ang takot na nararamdaman. Sa tuwing darating ang araw na'to ay hindi namin maiwasang makaramdam ng takot.
Takot na baka sa pagkakataong ito ay hindi na kami swertihen.
"Hoy,ayos kalang ba?"Pagtatanong ni Joemarie na ikinagulat ko naman. Katapat ko lamang siya.
Kaming mga 4rth year ay sa dulo ang pwesto ng aming pila. Nasa unahan naman ang mga 1st year kung saan malapit sa stage, sinusundan naman sila ng 2nd year at 3rd year.
"H-huh? Oo."Saad ko.
"Wag kang kabahan. Alam mo namang dito sa ating seksyon isa ka sa magaling lumaban."Sabi naman niya at kumindat pa.
Natawa nalang ako.
"Nga pala...nasan ba si Ash? Kahapon pa wala yun ah!"Pagtatanong niya sa'kin.
Tsk. Yun na nga eh. Hindi ko rin alam kung nasaan na yung babaeng yun. Nakailang txt nako at nakailang tawag narin sa kanya pero wala manlang akong natanggap na reply o sagot sa tawag ko. Kahapon pumunta pa'ko sa apartment niya pero mukha namang walang tao.
Tsk. Nasan na ba kasi siya?
"Umayos na kayo ng pila."Seryosong saad ni Ma'am Karyle sa mga classmate kong lalake.
Pinagmasdan ko siya pati ang iba pang guro. Miski sila ay kasama sa laban namin. Pero sa pagsasanay na gagawin ay hindi na ...dahil ang lahat ng guro dito ay isa ng professional killer.
Aakalain mong isang ordinaryong guro lang sila pero sa likod nun ay may tinatago silang madilim na nakaraan at madilim na pagkatao.
Lahat kami ay napatingin sa stage nang umakyat na ang Principal na si Mr. Yamada kasama si Ginoong Kazuya. Nasa likod naman nila ang apat na kambal.
Naupo na sila dun sa mga nakahandang upuan para sa kanila. Nakita naman naming umakyat si Sir Edward at lumapit na dun sa mic.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Ngayon, ang unang araw ng inyong pagsasanay. "Seryoso niyang saad.
BINABASA MO ANG
TROUBLE HIGH - UNDER REVISION
Humor~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na may Action, Thriller, Teen Fiction, pero more on Comedy ...*shrug* I think :) Ito yung ... more on BAKBAKAN! *HUGOT NG BARIL* Yung may...