@PumpingLemma
Sorry...sorry...sorry..po at umabot ng dalawang buwan na hindi ko pag-ud. :( Sorry na po. Kaya hindi napo ako mangangakong makakapag-update ako ng mabilis dahil bising bisi talaga ko sa pag-aaral. Yun lang po, salamat. :(
---
Lei's POV
4:20 am
*Kriiiiiiiing!*
"Umm.."
"Aish! Ang aga naman ata?!"
"Anak ng! Alaskwatro palang oh! Ang aga namang mambulabog!"Mga reklamo ng mga kasama ko dito sa silid nang marinig namin ang bell.
Bumangon na'ko at ginising si whenang mahimbing paring natutulog sa taas.
"Whena, gising na."Saad ko habang tinatapik ang pwet niya.
"Mmm.."Tugon niya at pinalo ang kamay kong yumuyugyog sa kanya.
Tsk. Itulak ko to eh.
*Wapak!*
"Aaaaaaa!"Halos umalingawngaw sa kasuluksulukan ng school ang boses ni Whenzie matapos ko siyang bigyan ng isang malakas na palo sa pwetan niya. Napansin ko naman na ilan sa mga tulog pang kasama namin dito ay napaupo sa kama nila dahil sa sigaw ni Whenzie.
Bwahahahaha!
"Pfft. Bangon na kasi."Saad ko na nakatakip na ang isa kong kamay sa bibig ko. Pinipigilan ko kasing tumawa. Hahahah!
Masama naman ang tingin sakin ni Whena ngayon at padabog na umalis sa higaan niya.
---
"Magandang Umaga."Bati ni Eugene sa'min matapos niyang pumasok sa aming silid na labis na ikanagulat ko.
Bakit siya?
"Handa na ba kayo?"Pagtatanong niya na may seryosong ekspresyon sa mukha at tumingin sa'kin na medyo ikinailang ko.
"Opo!"Sabay sabay na sagot ng mga kasama ko.
Ako naman...hindi nakapagsalita. Kasi naman, hindi pumasok sa isip ko na siya ang maghhandle sa'min. Ugh! Makakapagconcentrate kaya ko nito?
"Ms. Mariano?"Napakurap ako nang marinig kong tawagin niya 'ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin.
*gulp*
Napakaseryoso naman niya.
"O-opo"Mautal kong sabi at tumungo agad para iwasan ang tingin niya.
"Hindi kita marinig. Lakasan mo."Utos naman niya.
Aish!
"Opo!"Saad ko at tumingin na ng diretso sa kanya.
"Good."Sabi niya at inalis na ang tingin sa'kin.
" Ngayon, ako ang hahawak sa grupo niyo, kaya h'wag kayong magkakamaling pahiyain ako... "Tumingin muli si Eugene sa'kin bago ituloy ang sinasabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/4415375-288-k289878.jpg)
BINABASA MO ANG
TROUBLE HIGH - UNDER REVISION
Humor~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na may Action, Thriller, Teen Fiction, pero more on Comedy ...*shrug* I think :) Ito yung ... more on BAKBAKAN! *HUGOT NG BARIL* Yung may...