Kabanata 40: Kenji Sasaki

1.3K 51 1
                                    







Lei's Note:

Ieedit ko po yung chap. 1,2,3 and 4. Babawasan ko lang naman po ng mura sa mga chappy na 'yon. Nagreadback po kasi ako. At dun ko napagtanto na ...NAPAKAWALANGYA ko palang manunulat. XD Wahahaha!

and... Si Lei Mariano naman ay gagawin ko ng KC Mariano. :) Magkapangalan kasi kami. XD Gusto ko ako lang ang Lei. Lol.

Sa mga nagdaang chappy naman...si Mauie, kung naaalala niyo...siya yung babaeng nakamaskarang bungo na kalips to lips ni Mika. Pfft.

Napansin niyo rin ba na may mga bagong char. na naman na sumusulpot sa kwentong to? Pansin niyo? Ako rin eh XD Madadagdagan pa 'yan. :)

Patawad po pala kung sooooooooobrang tagal ko mag-ud. ;( Finals po kasi namin kaya hindi ko muna to naasikaso. Sensya na ha? At ngayong sembreak na namin e makakapag-ud nako ng masmabilis XD. Yun lang po~ Arigatou Gozaimasu!

Etong Chapter na'to ay iddedic ko ulit sa Japanese friend kong si Hayate mukhang TAENG NIGGA! (wahahaha!) na nagbansag sa'king CHIMPANLEI?! Srsly?! Mukha ba'kong Chimpanzee?( =__=)

Anyway~ This Chapter is dedicated to you AGAIN!  Baka! Hayapoo~ Hayakochan~ :3














Third Person's Pov


"Sh.t! Yari tayo nito!"Sigaw ng isang lalaking armado ng baril matapos sipain ang itim na sasakyan dahil sa sobrang inis.

"Wala na! Papatayin niya tayo! Wala na tayong magagawa."Saad naman ng isang lalaki na may tama ng isang baril sa tagiliran.

"Ugh! Tumahimik ka! Ano ng gagawin natin?! Hindi naman pwedeng bumalik tayo sa pinuno ng ganto...na hindi natin nakukuha ang anak ng pinuno ng Hanoji-gumi!"Saad pa ng isang lalaki na halos mapunit na ang anit nito sa higpit ng pagkakahawak sa buhok niya.



"Wala."Simpleng saad naman ng isang lalaki na prenteng nakasandal sa gilid ng itim na van habang patuloy lang ang paninigarilyo.


"Huh?! Anong wala?!"Sigaw naman ng isa na may tama ng baril.



"Kilala niyo naman ang pinuno. Hindi siya marunong magbigay ng pangalawang pagkakataon. Kahit isang beses kalang pumalpak...patay kana."Saad naman nito.



Lahat sila ay labis na kinakabahang bumalik sa Mansyon ng Sasaki. Labis na kinakabahan at natatakot sa pwedeng mangyari sa kanilang pagbalik.


Kung kanina ay nasa labing tatlo sila ...ngayon ay lima nalang sila. Ang walo kasi sa kanila ay namatay sa pakikipagbarilan kina Riku.


Laking pasasalamat na ngalang nila at nagawa nilang takasan sina Yoshio nang habulin sila nito. Nasa malawak na bukid sila ngayon kung saad tanging isang poste na may ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag sa malamig at madilim na lugar.



"K-kung tumakas nalang kaya tay--"Naputol agad ang sasabihin ng isang lalaki nang marinig nila ang sigaw ng isa sa kasamahan nila na may tama ng baril sa tagiliran habang nakatingin ito sa driver seat ng sasakyan.




Agad silang lumapit sa kasamahan na nanlalaki na ang mata. Ang tatlo ay napasinghap matapos nilang makita sa driver seat ang isa pang kasamahan nila na tadtad ng saksak sa mukha.


Hindi nila magawang makapagsalita matapos na makita ang duguang mukha ng kasamahan. Halos lumuwa narin ang isang mata nito dahil sa pagkakatarak ng balisong dito.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon