Ash's Pov
"Uuwi na nga ko e!"Bulyaw ko sa mga tuod na mga lalaking 'to na nakaharang sa pinto. Gustung gusto ko na kasi talagang umalis dito eh eto namang mga hayup na 'to panay ang bunto't at harang sa'kin! Asar!
"Hindi nga po pwede! Ang kulit mo naman,Hime!"Yung isang tauhan dito na kanina pa ayaw magpatalo sa'kin. Kanina ko pa nga rin napapansin na nakikipagsabayan siya sa init ng ulo ko.
"Uupakan na kitang gurang ka!"Banta ko pa sabay taas ng kamao ko.
Nakita kong nanlisik ang mata niya sa'kin at magsasalita na sana ngunit may umepal.
"Sa edad mong 'yan...napaka-isip bata mo parin."Si Yoshio kasama si Riku.
Nagbow naman ang lahat sa kanila.
"Hindi ka ba makaintinde?"
Napanganga ako sa sinabi niya.
"Ano?!"Inis kong sabi.
Nakatingin lang siya ng seryoso sa'kin.
"Dinala ka namin dito para hindi ka mapahamak tapos ngayon magpupumilit kapa ring bumalik do'n."Sinamaan ko siya ng tingin at napayukom na lamang. Walangya 'to pinapahiya ako.
"Tch! Wala kang pakealam kung mapahamak man ako!"Saad ko.
"Tss. Ipasok niyo na nga 'yan sa kwarto niya!"Utos ni Yoshio sa kanila.
"H-hoy! Sinabi ng--"Ako nang pwersahan nila akong hawakan sa braso ko. "Ugh! Ano ba?! Mga wala kayong galang! Amo niyo 'ko dapat hindi niyo ko ginaganto!"
"Eh ako nga hindi mo 'ko ginagalang!"Inis na reklamo sa'kin nung matandang mainitin ang ulo.
Kanina pa 'to. =_=
*Blag!*
Tunog ng pinto nang agad nilang isarado ito.
"Uuuugh!"Sinipa ko yung pintuan sa sobrang inis.
"MAY ARAW DIN KAYO SA'KIN!"Sigaw ko pa at mainis na kinalabog ang pintuan.
Bwiset! "Bwiset!"
Sumalampak ako sa kama ko. Namaaaan! Pag-uuntugin ko mga ulo nila e!
(9:37 pm)
"ANO NA NAMAN?! SINABI NG WALA KONG BALAK KUMAIN!"Bulyaw ko nang may kumatok sa pintuan.
Kanina pa sila eh. Pinipilit kasi nila kong kumain na. Eh ayoko nga! Wala kong gana!
Nagtaklob ulit ako ng kumot. Maghapon lang akong natulog mula nung ikulong nila ko dito kanina.
May narinig naman akong isang pagpihit ng doorknob tapos maya-maya nakarinig na'ko ng... *creak* May pumasok.
Hindi ko nalang pinansin at ipinikit ko na ang mata ko.
May narinig naman akong parang may bagay na inilapag sa bedside table ko.
"Oy, kumain kana."
TSK! Ang kapal talaga ng mukha nito na pumasok sa kwarto ko!
"Tumayo kana diyan at kumain kana."Saad pa niya ulit pero hindi ko nalang siya sinunod at nagtulug tulugan nalamang.
Sisipain ko to palabas ng bintana e.
"Tsk. wag ka magtulugtulugan diyan."
Mukha mo! Ikaw patulugin ko e.
"TSK! Bahala ka! Nandiyan ang pagkain mo. Bumangon kana lang diyan kung nagugutom ka."Inis niyang saad at maya maya'y nakarinig na'ko ng pagbukas at pagsara ng pintuan.
BINABASA MO ANG
TROUBLE HIGH - UNDER REVISION
Humor~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na may Action, Thriller, Teen Fiction, pero more on Comedy ...*shrug* I think :) Ito yung ... more on BAKBAKAN! *HUGOT NG BARIL* Yung may...