[SPG]
†TORABURU KOTO(TROUBLE HIGH): KABANATA 5†
"Ayos na. Manatili muna kayo dito. Masyadong maraming dugo ang nawala sa inyo. Lalo kana miss Tanaka."-__- Sabi nitong lalaking nasa harapan ko matapos ang mahabang operasyon na ginawa nya sa'min. XD Operasyon daw?! Lol! Basta, tinanggal lang naman niya yung bala sa braso at binti ko which is MASAKIT.
Tumayo na yung nurse at pumunta kung saan.
Hindi ko parin inexpect na si kuyang lasing kanina na sawi sa pag-ibig ay nurse pala dito. Takte. Wala sa mukha niya.
At pano ko nalaman na siya ang nurse?!
Kasi...matapos kong sapakin si kuya kanina ay nagpanic si Lei at sinabi niya sa'kin na etong lalaking toh ang nurse na mag-aasikaso sa'min. So, eto naman ako, NAGULAT.
‡ FLASH BACK ‡
"Ano ng gagawin natin?!!! Waaah! Bakit mo kasi sinuntok?!!!"> 0 < -Lei na tinatapik ang mukha ni kuya para magising mula sa pagkakasuntok ko sa mukha niya.
"Tsk. Sorry naman. Malay ko ba!? Ba't dimo kasi sinabi agad sa'kin na yang lalaking yan ang nurse dito?!!!"=.= Takte. Edi kung sinabi niya agad edi sana napigilan ko pa ang sarili ko. Banas naman kasi. Bugahan ba naman ako sa mukha ng amoy beer niyang hininga.
Tsaka, nurse?! Ano bang klaseng nurse meron sila dito!?? Naturingang nurse naglalasing. Dapat tinatanggal na'yan sa trabaho!
"Tsk!"Ang tanging reak niya.
Tsk. Badtrip. No choice. Kailangan ko 'tong gisingin kung di mauubusan na talaga 'ko ng dugo. Mas lalong sumasakit ang pakiramdam 'ko. Nasa loob paman din ng katawan ko ang bala ng baril kaya maslalong masakit.
"San ang Toilet dito?"Tanong ko kay Lei na nasa sahig. Sa may tabi nung nurse. Ginigising niya kasi.
"Dun! Tapos, kanan ka!"Sabi niya.
May kalakihan kasi 'tong clinic na'to kaya't kinailangan ko pang itanong kung san ang cr. Umalis na'ko sa higaan at pumunta na sa C.R. Potek. Amoy dugo na talaga 'ko.
Pinihit ko ang gripo at nagsahod ng tubig sa may timba. Lumabas na'ko ng banyo habang bitbit bitbit ko ang timba na punung puno ng tubig.
"Oh? Anung gagawin mo diyan?!"O__O?Tanong ni Lei ng makabalik na'ko.
"Alis diyan."Sabi ko sa kanya. Tumabi naman siya.
>;-))
*SPLAAASH!!!*
"Aah!*Cough...cough...cough*"
>0< Si kuyang lasing. Nagising nung buhusan ko siya ng tubig. >;-)
Nice one, Ash!
"*Chuckle*"-Lei, na nagpapacool. Adik talaga 'tong babaeng 'toh. May sayad. →_→
Pansin niyo?Parang adik.
"*Cough...cough* F.ck! Ba't mo 'ko binuhusan ng tubig?!!!"(ˋ︿ˊ)
Galit at pasigaw na sabi nitong lalaking 'to sa'kin habang tumayo sa pagkakahiga sa semento.
Magsasalita na sana 'ko kaso naunahan ako ni Lei.
"Para magising ka sa kalasingan mow pows! Lasing ka kaya at nag-iiyak ka dito sa clinic. Sabi mo pa nga..'~Niloko niya kuuu, Leiii! Niloko niya kuuu!~'~TOT~"Panggagaya ni Lei. At umiyak pa.
BINABASA MO ANG
TROUBLE HIGH - UNDER REVISION
Humor~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na may Action, Thriller, Teen Fiction, pero more on Comedy ...*shrug* I think :) Ito yung ... more on BAKBAKAN! *HUGOT NG BARIL* Yung may...