Kabanata 42

1.3K 55 3
                                    



Lei's Pov






"Bukas na ang simula. Mapapagod na naman tayo kakaensayo."





"Heh! Hindi ka pa nasanay. Alam mo namang bawat taon ginagawa natin 'to."






"Hindi nga natin alam kung kailan ang eksaktong araw ng laban sa bawat taon. Lagi nalang nila tayong binibigla."








"Kaya nga tayo sinanay para laging handa. Parang boyscout!"





"Hahahah!"Tawanan nilang lahat.





Pero ang totoo niyan ay kinakabahan din sila tulad ko. Binabalewala lang nila ang takot at dinadaan sa tawa.





Nandito na kami sa room ng mga kaklase ko matapos ang meeting sa may Quadrangle.





Kung kanina ay seryoso sila sa labas ngayon ay balik na naman sila sa dating magulo.




Hanggang ngayon nalang nila magagawa ito...dahil sa susunod na araw ay umpisa na ng seryosong pagsasanay.





Isang biglaang anunsyo na hindi namin inasahan.





Pinagmasdan ko lang ang mga classmate ko. Lahat sila ay masaya sa ginagawang kalokohan. Lahat ay tumatawa at ngumingiti.





Ang iba namang magkasintahan sa section namin ay sinusulit na ang pagkakataon. Pagkakataong magkasama.


---




Ash's Pov





"UWAAAAA! Hime! Delikado 'yang ginagawa mo! Ibaba mo 'yan!"Pagmamakaawa nang lahat ng tauhan dito na naiwan sa mansyon.




Pakshet! Hindi ko to ibaba! "PAPATAYIN KO SIYA!"'Pagwawala ko habang pinandidilatan ko sila ng mata.







Ayaw kasi nila akong papasukin sa school. Siraulo ba sila?! Ang pag-aaral ay hindi binabalewala. Nagsisipag na nga akong pumasok e!




Idinikit ko pa ang patalim na hawak ko sa leeg ni Shiro na ngayon ay umiiyak.



Nakapulupot yung braso ko sa leeg niya habang nakaharap siya sa mga tauhan na nasa pintuan lang ng kwarto ko.




"H-Hime! Pakiusap,ibaba niyo na 'yan!"Halos magmakaawa ang isang matandang tauhan sa'kin.


"NEVAH! PALABASIN NIYO MUNA AKO DITO BAGO KO GAWIN 'YON!"Bulyaw ko pa.



Halatang kabadong kabado sila sa pagbabantang ginagawa ko sa buhay ni Shiro. *smirk*



"Hime...masakit. H'wag mo namang totohanin."(T v T)Saad ni Shiro.


Medyo nilayo ko yung patalim sa leeg niya.

"Ack. Sorry. H'wag kang masyadong maingay.Baka mahalata nila tayong umaacting lang."Mahinang sabi ko habang hindi gaanong gumagalaw ang bibig ko.


Oo. Umaacting lang kami. Bilib din ako sa isang 'to. Ang bilis niya kasing magpalabas ng tubig sa mata niya. Epektib pala talaga yung nilagay niyang paminta sa mata niya. Hindi lang siya naluluha...namumula pa mata niya. Pfft.



"Pero--"Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng isang tauhan.




"AYAW NIYO KONG PAALISIN?! SIGE! IHANDA NIYO NA KABAONG NIYA!"Sigaw ko. Naramdaman kong napasinghap si Shiro. Mukhang hindi niya rin inaasahan na sasabihin ko 'yon.



TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon