† Kabanata 34 †

1.9K 71 2
                                    

† TORABURU KOTO(TROUBLE HIGH):KABANATA 34 †

Ash's Pov

(Sa panaginip ni Ash XD)

"Jerry!"Tumingin siya sa'kin na may chocolate pa sa bandang gilid ng bibig niya.

"Hmm? Anu po 'yon, Miro-hime?"Tanong niya at muling kumain ng chocolate na pinaghatian namin.

"May chocolate ka."Seryoso kong sabi habang tinuturo ng hintuturo ko ang bibig niya.

Napanguso naman siya ng konti at lumapit sa'kin. Napaatras ako sa kanya at hinawakan ko ng mahigpit ang manika kong puro tahi ang mukha.

"Panget! H'wag ka lumapit!"Bulyaw ko sa kanya pero ngumiti lang siya.

"Diba sabi mo gusto mo 'ko?"Sabi niya at nagnguso pa.

"Ano?!"

"Sinabi mo sa'kin na gusto mo 'ko."Magiliw niyang sabi.

"Oo. Sinabi ko nga per-"

"Eh yun kasi ang sinabi ni Papa ko kay mama ko nung bago sila magpakasal! Na ...gusto ni papa si mama. Edi ...Magpapakasal din tayo!!!"Masaya niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mabilis ko siyang nahampas sa ulo ng manika kong hawak.

"Hmmp!"Reak niya at unti-unting lumukot ang mukha niya habang nakahawak sa bunbunan niya at ngumawa na siya ng ngumawa.

"Umalis ka nga dito!"Tinulak ko siya paalis ng kama ko.

Tumigil na siya sa pag-iyak at masamang tumingin sa'kin. Marahas niyang pinunasan ang tumulo niyang uhog gamit ang braso niya nang di parin inaalis ang tingin sa'kin.

"Umalis ka n--"

*Chup*

"Aaa!"Nagising ako mula sa pagkakakirot ng ulo ko. Sh.t! Ano ba 'to?

Kailan kaba mawawala!  "ugh..."

Napaupo ako sa kama at marahang hinilot hilot ko ang sintido ko.

Teka nga...anu ba 'yong panaginip na'yon? Kadiri. Hinalikan daw ako sa pisngi nung batang lalake na tinawag kong Jerry sa panaginip.(?)

"Tsk."Hinilot hilot ko pa ang sintido ko at pumikit.

"Sabi mo gusto mo 'ko?"

Napamulat ako ng mata nang biglang sumulpot yung mukha nung batang lalake sa isip ko.

"Aish!"Ano ba 'yon?!

Makahilamos na ngalang.

Tumayo na ako at maglalakad na sana pero nahinto ako nang makita kong...(OAO) "NASAAN ANG MGA PINTUAN KO?!"

Anong nangyari?! Wag niyong sabihing ...NANAKAWAN AKO! AT mga WALANGYANG MAGNA! PATI pinto NINAKAW PA!!!

Mula dito sa loob ng kwarto ko...kitang kita ko na ang labas ng bahay ko. Pati mga aso at taong dumadaan e kita ko na. Eh kasi naman..hindi lang pintuan ng kwarto ang nawala pati ung pintuan ko do'n sa sala.

Lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko si Yoshio na prenteng prenteng nakaupo sa sofa habang nakapikit at nakasandal ang ulo sa sandalan.

"Gising kana pala."Saad niya habang nakapikit parin.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon