† The Epic Ending Of Chapter 32 :3 †

1.9K 66 4
                                    

A/N:

This Chappy is Dedicated toooooo... tentenenenteneeen. XD  @YagamiKeijei  ...

(TvT) Ang gumawa ng bagong cover ng Toraburu Koto. *sniff..sniff* Maraming SALAMAT!!! *hug*  Da best ka! *thumbs up*

Halos hikain ako sa sobrang tuwa nang makita ko ang gawa mong cover! hahaha! XDlels.

--Happy 21K in TH! *sabog confetti*

(*0*)/~*

† Toraburu Koto(Trouble High):Kabanata 32 Part 3


10:00 PM

Xenshin Building:1st Floor

Gaya nga ng ipinangako ni Kazuya ay siya nga lang ang tanging pumunta sa lugar na napagkasunduang kitaan.

Kahit na hindi sang-ayon ang anak niyang si Ashton pati si Kaori at ang iba pang miyembro ng Hanoji-gumi ay mahigpit niyang pinagbawalan sila na sumunod. Pero, kilala niya si Ashton. Alam niyang hindi ito susunod sa utos niya. Gagawa ito ng paraan para sumunod sa kanya.

Sa pagdating ni Kazuya sa tapat ng gusali ay tahimik siyang lumabas ng kanyang sasakyan.

Iniwan niya sa loob ng kanyang sasakyan ang ilang malalaking maleta na naglalaman ng siyam na raang bilyong piso.

Nag-umpisa na siyang lumakad papasok sa  gusaling 'yon na may kadiliman dahil tanging isang ilaw lamang ang tanging nagbibigay liwanag sa loob.

Nadatnan niya si Shiba na prenteng nakaupo sa upuan habang naninigarilyo at habang minamasahe sa balikat ng isa sa mga alalay nito. Napansin naman siya agad nito gayon din ang iba pang mga tauhan na nagtatawanan at naglalaro ng baraha.

Inilibot ni Kazuya ang tingin niya. Inaasahan niya kasi na madadatnan niya dito ang kanyang apo pero wala ni anino man ni Yui ang nakita niya.

Napangisi si Shiba.

"Nasa'n si Yui?"Matalim na tanong ni Kazuya.

Tinapik na ni Shiba ang kamay na humihilot sa balikat niya para tumigil na ito. Tumayo na si Shiba sa pagkakaupo na may ngiti sa labi, gayun din ang mga tauhan nito.

"Masyado kang sabik. Bakit hindi muna tayo uminom?"Ngiting saad ni Shiba habang nilalagyan na ni Kei ng alak ang dalawang wine glass para kay Kazuya at kay Shiba.

Kinuha ni Shiba ang dalawang wine glass na'yon at lumapit kay Kazuya na seryoso lamang na nakatingin sa kanya.

Sa paglapit ni Shiba kay Kazuya ay nakahanda naman ang mga tauhan niya na ngayon ay tahimik na naglabas na ng baril kung sakali mang may gawing pag-atake si Kazuya sa kanilang pinuno.

Nakangiting inabot ni Shiba ang baso kay Kazuya. Tahimik lamang na kinuha ni Kazuya 'yon sa kanya.

"Ikinagagalak ko na makainuman ang tulad mo na pinuno ng Hanoji-gumi."Nakatinging saad ni Shiba at idinikit na ang baso sa kanyang bibig ngunit hindi niya parin idinidikit ang likido sa kanyang labi.

Nang makita na ni Shiba na inilapit na ni Kazuya ang bibig ng baso sa labi nito ay napangiti siya. Pero, mabilis ding napalitan ng pagkagulat at singhap ang ngiting 'yon nang mismong itapon ni Kazuya sa mukha niya ang laman ng wine glass nito.

Ang mga tauhan ni Shiba ay napakunot ng noo sa gulat at akmang kakalabitin na nila ang gatilyo ng kanilang baril, pero mabilis na inangat ni Shiba ang isa niyang kamay na nakatalikod lamang sa kanila. Senyales na 'wag silang magpaputok.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon