Kabanata 49 Part 4: Day 3

989 43 6
                                    


Ash's Pov

Uuuugh!
Bwiset talaga! Sarap pumatay ng bakulaw!

Mabilis akong naglakad pabalik ng training room. Iniwan ko na dun si Yoshio dahil hindi ko maatim ang pagmumukha niya.

Nakakasuka! Ampanget panget niya!

Nang makalapit na'ko sa training room at bubuksan na ang pintuan ay may nagbukas na nito.

"Tss." Isa pang panget.

"Hey~"saad niya ng may ngisi sa labi.

Sinarado niya ang pintuan at sumandal doon. Di talaga ko hinayaang makapasok.

"Tabi dyan."saad ko kay Francine.

Nagcross arms ito at nagtaas pa ng isang kilay sa'kin.

Makapagtaas ng kilay akala mo naman kinaganda niya 'yan. Burahin ko 'yang nakaguhit sa kilay niya eh.

"Seriously? Ganyan ba talaga kagaspang ang pag uugali ng anak ng isang Yakuza?~"
I gasped ng banggitin niya 'yon.

"*Smirk* Nagulat kaba? Well, girlfriend ako ni Yoshio kaya malamang alam ko rin ang koneksyon niya sa'yo...or should I say... koneksyon nila sa inyo ni Mr. Ashton Tanaka."

Napayukom ako at tahimik lang na nakatingin sa kanya.

Walang h'yang Yoshio na 'yon. Pati dito sa bruhang 'to dinaldal ang sikreto namin. Akala ko ba walang makakaalam? Bwiset.

"Wag kang mag-alala. Di naman ako madaldal para ipagkalat ang sikreto mo. Mapapahamak lang si Yoshio pagginawa ko 'yon. Tandaan mo, kahit anak kapa ng isang Yakuza...hindi ako natatakot sa'yo."seryoso niyang sabi at naglakad na paalis.

Ako naman...tahimik lang na nilingon siya.

Pakiramdam ko nainsulto ako. Hindi naman kasi ako binigyan ng pagkakataong magsalita.

Siraulong babae 'to.

Tss. Matakot? Kailan ba 'ko nakaramdam ng takot sa kanya?

"Kapal ng mukha. Dapat sa'yo pasabugin ang mukha. Ulu-ulo lang, di kasama katawan. Pagkasama katawan sabog pati laman." saad ko habang matalim na nakatingin sa bruhang 'yon.

Yun yung kinakanta nung mga batang kapitbahay ko dun sa pinagstay-an ko, sa apartment ni Cecile. Narinig ko lang sa kanila nung may binubully silang bata. Ginaya ko lang pampatanggal ng inis sa bruhang 'yon. Buti nga namemorize ko yung kanta.

But anyway, wala 'kong pakealam kung ipagkalat man niya ang paggiging Yakuza ng pamilya ko. Kung gusto niya ipagsigawan niya pa eh. Bigyan ko pa siya ng mike. Tss.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon