"Sorry, nadulas ang kamay ko. Hindi na kasi maganda ang lumalabas sa bibig mo.*smile*";>
Tinalikuran ko na siya at naglakad na paalis. Isang tray nalang ngayon ang bitbit bitbit ko.
Salamat sa kanya at nabawasan ang dalahin ko. Haha!
"Biiiiiiitch!"Sigaw niya na labis na nagbigay ng atensyon ng lahat.
Patay malisya lang ako at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa pwesto namin. Nakita ko si Lei na nakaupo na at nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa'kin. Pang-asar talaga 'tong babaeng 'to. =_=
Bago palang ako makaupo napansin kong karamihan ng estudyante dito ay nakatingin sa'kin ng masama. Binigyan nila 'ko ng 'Lagot ka sa'min!'look.
As if naman na matatakot ako sa tingin niyo.
Inirapan ko lang sila at umupo na sa tapat ni Lei. "Hahaha! Nice one friend!~ You rock!" XD
Sinamaan ko lang siya ng tingin at kumain na.
"Mapapaaway kana naman niyan haha!"Binatukan ko siya. Ang ingay eh.
"Tingnan mo si Francine, parang bata kung makapagsumbong kay Yoshio."Saad ni Lei.
Tiningnan ko naman. Nandun na si Yoshio at nakakunot noong pinupunasan ang mukha ni Francine ng panyo.
"Binuhusan niya 'ko ng t-"
"Tumigil kana. Kasalanan mo rin 'yan."Saad ni Yoshio sa kanya at umalis na.
"Pfft. Kawawa~*munch..munch*"Saad ni Lei habang nakatingin sa'kin.
Nginisian ko naman si Francine na ngayon ay masama ang tingin sa'kin.
Ano ka ngayon?~
Pahiya ka. Hindi ka manlang pinagtanggol iniwan ka pa sa ere.
"Hindi pa tayo tapos!"Saad niyang sabi habang pinanlalakihan niya 'ko ng mata.
"Ok."Saad ko ng may ngiti.
Naglakad na siya paalis.
Tss. Ako pa kinalaban mo.
"Alis nga!"Siya habang pinagtutulak ang mga estudyanteng nakaharang sa daraanan niya.
"Pfft. Bwahahahahaha! Pastilan! XD"Si Lei habang pinagpapalo ang lamesa sa sobrang tuwa dahilan para lahat kami ay mapatingin sa kanya.
"Hoy,tumigil kana nga."Saway ko sa kanya. Dahil sa pagtawa niya lalo tuloy sumama ang tingin sa'kin ng mga tao dito.
*Woosh!*
"AAA!"Lei.
Nagulat ako nang may biglang nagbato kay Lei ng isang buong pakwan dahilan para mawalan siya agad ng malay.
WTF!
Napatayo ako agad at lumapit sa kanya. Tinatawag tawag ko na siya at tinapik tapik ko ang pisngi niya kaso wala na talaga siyang malay.
Napayukom ako ng kamay at agad na humarap sa mga g.gong estudyante dito.
"Sino ang gumawa no'n?!"Sigaw ko sa kanila.
Binigyan lamang nila 'ko ng masamang tingin at hindi manlang nagsalita.
"SINO ANG WALANGYANG GUMAWA NO'N?!"Muli ko pang sigaw. Nagngingitngit na talaga 'ko. Sasakalin ko talaga ang naghagis sa ka--"Ouch!"Napaupo ako sa sahig nang pagbabatuhin na nila 'ko ng pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/4415375-288-k289878.jpg)
BINABASA MO ANG
TROUBLE HIGH - UNDER REVISION
Humor~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na may Action, Thriller, Teen Fiction, pero more on Comedy ...*shrug* I think :) Ito yung ... more on BAKBAKAN! *HUGOT NG BARIL* Yung may...