***A/n:
Hey! This chapter is dedicated to maaaaaaaaaars!!! Hi @Helaholic , salamat sa paggawa ng Fanart. Napangiti mo talaga ko! Wide pa nga eh! hahaha! SALAMAT ULEEET! MWAHH! xD
--Ayun po yung ginawa ni Mars oh! (Em so tats! XD ) (T 3T) ---->
--Nga pala... sobrang nagssorry ako kung sobrang tgal ng ud ko ngayon. Patawad po! Sana maenjoy niyo 'tong chap nato. At maintindihan sa gulo ng description at grammar XD bye~~ mwah!!
† TAKAI TORABURU(TROUBLE HIGH): KABANATA 22 †
† Nomi's Pov †
Eh? Tumatawa si Boss mag-isa?
Weird.
Humihit-hit kaya 'to ng shabu? Hindi rin imposible, dahil Yakuza siya.
"Ahh..boss,"Tawag ko sa kanya at nakangiting tumingin sa'kin. ":)"
"Bakit po kayo tumatawa?"Matapos kong tanungin 'yon...mabilis na sumeryoso ang mukha n'ya.
"Tch!Aren't you going to your room?"Mairita niyang tanong.
"Ah-e...si-sige po!"Napakamot ako sa batok at umalis na.
Ang weird. Nung nasa hospital kami ng maaksidente si Miro-Hime, nakita rin namin siyang tumatawa.
Gumagamit nga ata ng shabu si Boss. Tsk.tsk.
Nang makarating na'ko sa tapat ng room ko sa section 3-E binuksan ko na ang pinto. Nagulat ang mga classmate ko ng makita nila 'ko. Tinigil nila ang pagbabato ng papel at pagkakalampag ng upuan sa room at mabilis silang umupo ng maayos.
Pumasok na'ko sa loob at umupo na sa proper seat ko sa harapan.
Hindi parin ako sanay na gan'to ang trato ng mga classmate ko at schoolmate ko sa'kin. Dati kasi hindi gan'to e. Dati, pagpapasok ako...babatuhin nalang nila 'ko ng papel, bubuhusan ng harina, sasabihan ng wirdo, babatuhin ng eraser ng board, kukunin ang bag ko at pagpapasapasahan at pagtutulungang bugbugin. Sa madaling salita, isa akong laruan na pwede nilang pagtripan.
Pero, NOON 'yon, iba na NGAYON. Kung dati isa akong katuwaan sa kanila...ngayon isa na'ko sa kinatatakutan at iginagalang nila.
Hindi mangyayari 'to kung di dahil kay Boss.
|| Flashback ||
*Boogsh! Boogsh! Boogsh!*
Napapangiwi ako sa lakas ng sipa nila sa'kin. Napahiga na'ko sa semento dahil sa sakit. Tuloy parin silang tatlo sa pagsipa sa'kin habang tawa ng tawa. "Haha! Napakahina talaga!"
Andito kami ngayon sa school ground. Wala ng katao-tao dahil kanina pa nagsiuwi ang lahat. Madilim narin dahil alas-otso na ng gabi. Tanging ilaw nalang sa stage ang nakabukas kaya naman kitang kita ko parin ang mga ngisi nila.
Akala ko makakauwi ako ngayon ng walang bugbog kung gan'tong oras ako uuwi pero mali pala. Kahit anung gawin kong iwas sa mga pambubully ng mga estudyante dito ay natutunton parin ako.
"Sensya na tol! Wala talaga kaming mapagtripan eh!*smirk*"Sabi ni Francis at sunud sunod na nila 'kong pinagsusuntok.
Wala na'kong nagawa, dahil sa sakit ng katawan ko kaya hinayaan nalang silang bubugin ako. Napakahina ko talaga,haha!
Kinuha ni Jay ang salamin na suot suot ko, dahilan naman ng pagkalabo ng mata ko. Kahit di ko nakita kung anung ginawa n'ya sa salamin ko , alam kong inapakan niya 'yon.
BINABASA MO ANG
TROUBLE HIGH - UNDER REVISION
Humor~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na may Action, Thriller, Teen Fiction, pero more on Comedy ...*shrug* I think :) Ito yung ... more on BAKBAKAN! *HUGOT NG BARIL* Yung may...