† Kabanata 18 †

2.6K 87 10
                                    

† TAKAI TORABURU(TROUBLE HIGH):KABANATA 18 †

† Ash Pov †

Nasa loob ako ngayon ng sasakyan kasama ang nakakatakot na driver. Alam niyo na kung sino tinutukoy ko. =___=

"Tsk!Sa'n ba talaga tayo pupunta?"Tanong ko. Kanina pa nya hindi sinasabi kung sa'n nya 'ko dadalhin e!

"Tsk."Yun lang ang reak niya at binuksan ang radyo. Parang tanga lang.. tsk!

Maya maya lang nandito na kami sa mall. Pinark niya yung sasakyan at mabilis na bumaba at di manlang ako hinintay makababa. Dire-diretso lang siyang naglakad. Naku, wag ka na magtaka sa lalakeng 'yan. Hindi kasi naturuan ng tamang asal.

Anu namang gagawin namin dito? Kagagaling ko lang dito kahapon e. =..=

Hinabol ko siya ng nasa loob na siya ng mall. Sumunod lang ako sa kanya. Nasa likod nya 'ko.

Saksakin ko na kaya 'to para matapos na problema ko?!

"Eee..! Si Yoshio ba 'yon?"

"Waaa! Oo, siya nga! Papicture tayo, dali!"

Sabi nung mga kasing idaran ko lang. Nakatingin sila sa lalaking nakaheadset sa may harapan ko.

Naku, mukang lalapit pa dito. Tsk. -__-

Tinulak ko si Yoshio mula sa likod para bilisan ang lakad. Ambagal kasi. "Sh.t!" Muntik pa'tong madapa dahil sa lakas ng pagkakatulak ko. Pwaha!

"Sorry"→_→ Pfft.

Pagsosorry ko pero nagulat ako ng itulak nya 'ko ng mahina at magsasalita palang sana pero di na nya natuloy ng makarinig kami ng mabibilis at papalapit na yabag papunta sa'min.

"Waaah! Papicture kami, Yoshio! PAPIKTYUR!!!"* u *

Kinuyog ng mga babae si Yoshio. Ah, sorry for the word kinuyog. Pinagkaguluhan pala.

Yan...! Pinabibilis ko na kasi ang lakad eh.

Sumakay na'ko ng escalator papunta sa 2ndfloor. Iniwan ko na siya 'don. Narinig ko pang tinatawag niya 'ko pero di ako nag-abalang lumingon. Huweh!hweh!hweh! ;)

Para kang tanga, Ash.. =_=

† Yoshio's Pov †

"Hoy! Bumalik ka dito!"Sigaw ko sa kanya. Takte. Bingi-bingihan.

(~_~メ)Patay ka sa'kin.

"Yoshio, papicture na!"

"Ako muna!"

"Hindi! Ako! Ako unang nakakita sa kanya!"

"Mamaya kana! Yosh- Waaah! Nasa'n na siya?!"

Sumakay na'ko ng escalator para habulin yung babaeng 'yon.

"Waah! Ayun sya! Ayun sya!"Turo sa'kin nung mga baliw na babae. Tumakbo na'ko sa escalator. Nakita ko si Ash na papasok ng Toms World.

Bago palang siya makapasok dinakma ko agad ang kamay niya at hinila kung sa'n dapat pumunta. Sa Super Market.

Tss! Nakita ko kasi na wala ng kalaman laman yung ref niya. Parang utak niya. Kaya dinala ko sya dito.

"H-hoy! Bitawan mo 'ko! Sa'n mo na naman ba 'ko dadalin, ha?!"

Kahit na ayokong makasama 'tong babaeng to na kahol ng kahol ng parang aso, e wala 'kong magagawa. Malaki ang utang na loob ko sa ama niya at kay Ginoong Kazuya.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon