Kabanata 43: Siblings

1.3K 63 9
                                    

Otor's Note:  Salamat po ulit sa mga nagvvote sa kwentong ito at THANK YOU po sa mga comment ninyo! Lalong lalo na sa mga new readers nito. Hahahah! Salamat po! Natutuwa at kinikilig talaga ako sa mga comment ninyo. x) Sa mga silent readers ...mag-ingay na po kayo para damang dama ko ang presensiya niyo lol. Good or Bad feedbacks man 'yan AYOS lang. :)

Eddedic ko nga pala 'tong chap. na'to kay @yellowlover02   dahil natuwa talaga 'ko sa comment niya. Lalo na na sana daw ay may 'tibok tibok' na si Miro. XD Hahahah! Natawa talaga ako dun. Tibok? Hmmm...susubukan ko pong patibukin pa lalo ang puso ni Miro haha! Pero sa totoo lang po e nahihirapan po ako pagdating sa romance. Hehe!~ *peace sign*

Anyway,  Salamat sa'yo~...^_^  Salamat! Salamat! Salamaaaat!~
-----





Ash's Pov

Napaupo ako mula sa pagkakahiga at hingal na hingal ako mula sa panaginip na 'yon.

Bakit ganun ang panaginip ko? Nakakatakot...


Hinimas ko ang dibdib ko at pinunasan ko ang basa kong mukha dahil sa pawis.

Binuksan ko ang lampshade na nakapatong lang sa mesa.

Nakita ko ang isang lalakeng nakatungo sa lamesa. Dahil sa liwanag ng ilaw ay mukhang nagising ito at dahan dahan na niyang inangat ang ulo niya.

"Anak..."

TSK! Siya lang pala.

Yung kabang nararamdaman ko ngayun lang ay mabilis na napalitan ng inis nang makita ko siya.


Hindi ko siya pinansin at umalis na sa kama. Pumunta ako sa mini fridge na nandito sa loob ng kwarto ko at dun kumuha ng isang mineral water.


"Miro..." Tsk. Parang silang plaka. Tawag ng tawag.

Naaninag kong tumayo siya at lumapit sa'kin.


"Lumabas ka."Seryoso kong sabi ng hindi tumitingin sa kanya at matapos kong ubusin ang laman ng boteng hawak ko.

Walang galang na kung walang galang pero ilang beses na niya 'kong niloko e.

"Kapatid mo siya."Napangisi ako sa kanya nang sabihin niya 'yon.

Tss. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Dahil din dun naalala ko ang panaginip na'yon.

Tumingin ako sa kanya bago magsalita.
"Alam ko 'yon! Anak mo nga siya sa ibang--"

"Anak namin siya ng mama mo! Ate mo si Yui, Miro!"Nagsalubong na ang mga kilay ko matapos niyang sabihin 'yon.


"Ano?! Pa-paanong?"Naguguluhan kong tanong. Anlabo lang kasi. Paanong naging ate ko siya? Paanong naging anak siya ni mama? Ako lang ang anak nila...


"Tsk! Imposible! Ako lang ang anak niyo ni mama kaya paanong nangyaring---"Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita na siya.

"Maliit palang kayo ni Yui ay malapit na kayo sa isa't-isa. Lagi kayong nagkakasundo sa isang bagay at hindi namin kayo nakitaan na nag-away. Walang inggitan."Saad niya. Lumapit siya sa kama at doon naupo.


"Si Yui...ang ate mo...napakaresponsable niyang kapatid sa'yo."Tumingin siya sa'kin at bahagyang ngumiti. Pero mahahalata mo ang lungkot sa mata niya.


Nakatayo lamang ako habang nakatingin kay papa. Habang sinasabi niya 'yon...napapaisip parin ako na...bakit hindi ko maalala ang mga bagay na 'yon?....bakit hindi ko siya maalala? Kung tunay ko man siyang kapatid...kung ate ko man siya...bakit wala kong maalala tungkol sa kanya?

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon