† Kabanata 13 †

3.6K 97 15
                                    

****a/n Note:

Ang kabanatang ito ay nakadedic kay

@MeetJonathanPerez  *Clap..clap* :D

Yow dude! Ikaw ang napili kong idedic sa chap na'to dahil isa ka sa napakasupportive na wattpadfriends sa story na'to! At napangiti mo pa ko sa sinabi mo :D Tayo na't magdiwang! XDlmao. *Bow*

@ readers- Sorry for the wrong grammar. >___>

*****************

+TORABURU KOTO(TROUBLE HIGH): KABANATA 13 +

"Zannen desu....Hime."

"Zannen desu....Hime."

Patuloy na bumabalik parin sa isipan ko ang mga sinabi ni Jerry. Nakatitig lamang ako sa ilaw ng kwarto na'to.

Bakit?.....

Bakit bigla nalang siyang humingi ng tawad? Bakit bigla nalang

 siyang nagkaganun?..At ang ipinagtataka ko ay ng tawagin niya 'kong Hime.

Isa rin ba siya sa mga tauhan ng ama ko ?

Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang pag-iisip. Andito ako ngayon sa Ospital. Diniretso ako agad dito nila Aike. Nakarating narin kay Ashton ang balita tungkol sa nangyari sa'kin. Sabi nila na pauwi na raw ito ng Pilipinas at didiretso agad dito.

Nang malaman ko 'yon ay nakaramdam ako ng Sabik. Sabik na makita siya....Galit. Galit sa kanya na hindi parin nasusolusyunan. Halo-halo ang nararamdaman ko sa ama ko.

At dahil do'n pinalabas ko muna sina Aike. Hindi manlang kasi sila muna nagsabi sa'kin na ipapaalam pa pala nila 'to kay Ashton. Ni hindi pa nga 'ko sigurado kung gusto ko siyang makita.

Sabi ng Doctor sa'kin kanina ay manatili ako dito ng mga tatlong araw o mga isang lingo pa dahil sa tindi rin kasi ng pagkakapalo sa ulo ko at kamuntikan ko na raw itong ikamatay,pero hindi ako pumayag. Ayokong magtagal sa hospital, dahil hindi talaga kinakaya ng sikmura ko ang manatili sa gantong lugar. Tsaka aminado naman ako na masamang damo ako kaya bakit ako mamamatay?! Tss.

Naalala ko ang mga nangyari sa'kin kanina lang. Dalawang oras narin ang nakalipas.

Ang mga kamay na humipo sa hita ko....sa tiyan ko.

Kung hindi ginawa ni Jerry 'yon malamang ay nangyari na sa'kin ang nakakadiring karanasan.

Napayukom ako.

Naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa kaliwa kong mata. Agad ko 'yong pinunasan.

Ilang beses na ba kong nakaranas ng mga pangyayaring halos pumatay sa buhay ko!?

Marami narin.

***

"Miro-Hime,"Nagising ako sa yugyog ni Aike. Napatitig ako sa mukha niya dahil sobrang lapit nito.

"Hime?"Napakurap ako ng dalawang beses ng hawakan niya ang pisngi ko. "Ayos kalang?"

"Ah...oo."Tinanggal ko agad ang kamay niya sa pisngi ko. Naiilang ako sa paghawak niya sa pisngi ko. Lalo na't lalaki pa siya.

Bakit ang init?

"Namumula ka."Natatawa niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin at agad na bumaba ng sasakyan. Andito na pala kami sa apartment ko.

"Bwisit."Bulong ko. Binuksan ko na ang pinto at pumasok na.

Hindi ko napansin na sumunod pala siya.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon