+ TAKAI TORABURU (TROUBLE HIGH): KABANATA 11 +
+ Aike Riku's Pov +
Isang malakas na pagdabog ng paa ang maririnig sa silid. Nakatingin lang ako kay Miro-Hime na papalabas ng pinto.
(a/n: si Riku ->>>>>>)
"Tss."-Yoshio.
"Haaay!... Mukang mahihirapan tayong bantayan ang Hime!"Saad ni Shiro na napapailing pa.
"Ayos lang yan! Hindi lang talaga matanggap ni Miro-Hime na makakasama niya ang gwapong ako."Mangiti ngiting sambit ni Ryu sabay kindat kay Shiro. Napangiwi lang si Shiro sa kanya.
"Stupid."Saad ko.
Napatingin nalang ako sa pintong nilabasan ng Hime. Kinuha ko ang cellphone sa center table at tinawagan ang isa sa mga tauhan ko.
Sa isang ring palang ay agad na itong sinagot.
"Follow her."Sabi ko agad.
"Hai!"Sagot nito sakin. Binaba ko na agad ang tawag.
Tumingin ako kay Yoshio na ngayon ay nakapikit habang may nakasalpak na headset sa tenga.
"Yoshio,"Minulat niya ang mata niya at kunot noong tumingin sa'kin.
Inangat ko ang litratong hawak hawak ko ng sa gayon ay makita niya.
"Ikaw ba ang may gawa nito?"Tanong ko. Pinipigilan ko pang magalit sa kanya. Isa rin sa dahilan ko kung bakit kinailangan kong pumunta dito sa Faxton upang makausap narin si Yoshio tungkol sa litratong hawak hawak ko.
"Isn't it obvious?"Saad niya at pumikit muli.
Bumuntong hininga ako.
"Alam mo namang bawal tayong pumatay ng kasapi natin."Saad ko na halos mapunit ang litrato sa pagkakahawak ko.
"Kailan pa ipinagbawal sa isang Yakuza ang pumatay ng isang traydor?!"Saad niya na ngayon ay nakatingin na sakin.
Traydor?....
Pinagmasdan ko ang litrato na kung saan dalawang lalaki ang tadtad ng bala ng baril sa katawan.
Natawa ng bahagya si Yoshio. "Alam ko naman na gusto mo na kong patayin ng makita mo ang litrato na'yan. Masyado ka kasing malapit sa dalawang yan kaya hindi mo alam na sila ang naglagay ng lason sa whine mo na muntik mo ng inumin."Tumayo na siya.
"Wag kang masyadong magtiwala sa ibang tao dahil dito sa mundong 'to tanging sarili lang natin ang mapagkakatiwalaan,"
Ngumisi ito."Malay mo traydor din pala si Shiro at Ryu."Tumingin ito kina Shiro at Ryu na halatang nagulat din sa sinabi niya. Hindi parin nawawala ang ngisi sa mukha ni Yoshio habang papalabas ito ng silid.
+ Yoshio's Pov +
"Tss.."Tiwalang tiwala ka sa ibang tao. Totoo naman..ako naman talaga ang pumatay kina Vince at Jeff na kababata namin. At ako rin mismo ang nagpadala ng litrato kay Riku dahil gusto kong malaman niya na ako mismo ang pumatay sa mga traydor niyang kaibigan.
Flashback
Kasalukuyan akong naglalakad pababa ng hagdan sa isa sa mga Mansyon ng pag-aari ng aming pinuno. Isang engrandeng selebrasyon ang nagaganap dito sa mansyon. Ipinagdiriwang kasi namin ang pagkamatay ng pinuno ng kalaban naming grupo. Namatay daw ito dahil sa malubhang sakit. Tss..walang kwenta ang pagkamatay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/4415375-288-k289878.jpg)
BINABASA MO ANG
TROUBLE HIGH - UNDER REVISION
Humor~~*~2013~*~~ Toraburu Kotoトラブル 高等 ( Trouble High) Isang Manga-mangahan at Japanese-Japanisang Kwento. XD Na may Action, Thriller, Teen Fiction, pero more on Comedy ...*shrug* I think :) Ito yung ... more on BAKBAKAN! *HUGOT NG BARIL* Yung may...