† Kabanata 33 †

1.7K 77 4
                                        

A/N: Kayo napong bahala ang humusga sa chapter na'to. :) Ivote kung karapat dapat at magcomment kung may nais ipabatid.lol XD

Magiging mabagal nanaman ang ud q. (TvT''') Pasukan na kc! (-/\-) Pasensya napo!

Nga pala... :D Ang kabanatang ito ay nakadedic kaaaaaaay~  Sleepy_Ice Salamat sa'yo ^_^ ... keep supporting TH!






Toraburu Koto(Trouble High):Kabanata 33†



Ash's(Miro) Pov

"Ugh!"Napahawak agad ako sa sintindo ko nang magising ako at naupo na'ko sa pagkakahiga. Ang sakit.

"Anak!"Nagulat ako nang may humawak sa mga kamay kong humihilot sa magkabilaang gilid ng noo ko kaya napatingin ako sa kanya.

Naalala ko naman yung kanina nang makita ko siya. Marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko at seryosong tumingin sa kanya.

"Sino siya?"Napakunot noo naman siya sa tanong kong 'yon.

Napansin kong kami lang ang nasa loob ng clinic. Tsk.Nasa'n na ba si Lei?!

"Huh?"

"Sino siya?! Bakit mo siya tinawag na anak?!"Halos pasigaw ko ng sabi. Napapangiwi ako at pinagpapawisan narin dahil pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa sobrang sakit. Sh.t!

Napansin kong nanlaki ang mga mata niya nang sabihin ko 'yon. Marahil ay hindi niya inaasahan 'yon.

"Bakit hindi ka makapagsalita?"Mahinahon kong saad. Sinusubukan kong 'wag sumigaw dahil kung sisigaw na naman ako ay sasakit na naman ang ulo ko.

Napayukom ako nang iiwas niya ang tingin niya sa'kin. Mukhang tama nga ako ng hinala. "Bakit? Bakit inilihim mo sa'min to ni mama pa? Hindi ka pa ba nakuntento kay mama at ...NAGKAROON KA PA NG ANAK SA IBANG BABAE!!!"Wala na ...hindi ko na nakaya ang emosyon ko at tinulak siya pagkasabi ko no'n.

F.ck! Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit!

"Aaa!"Napansin kong papalapit siya sa'kin pero nagsalita na'ko bago pa siya makalapit.

"H'WAG KANG LALAPIT!"

"Miro! Anak!"Nanlaki ang mata ko nang makita kong unti-unting magkaroon ng tubig ang mga mata niya.

Nahihirapan ako....

Nahihirapan ako pagnakikita ko siyang umiiyak.

"Aaa!!!"Napasigaw ako sa sakit at napahigpit ng hawak sa ulo ko. Aray!

Ano ba 'tong nararamdaman ko?!

Mas lalo akong napaiyak dahil sa matinding kirot nito at wala na 'kong ibang paraan kung di iuntog ng iuntog ang ulo ko sa dingding. Sobrang sakit!

Iyak lang ako ng iyak habang inuuntog ang ulo ko. Hindi ko na alam kung anung gagawin ko. Gusto ko lang...maalis ang nararamdaman kong sakit.

"Miro! Tama na! Tama na 'yan!!!"Pinipigilan na niya 'ko sa ginagawa ko.

"LUMAYO KA!"Sigaw ko pero pilit niya parin akong tinitigil sa ginagawa ko.

"TAMA NA!!!"Hindi ko siya pinakinggan. Wala na 'kong alam na paraan kung pa'no ko mapapatigil ang pagkirot nito. Pakiramdam ko binibiyak ang ulo ko.

"UMALIS KAN--*SLAP!*"

Napatigil ako at natulala nalang nang bigla niya 'kong sampalin.

"TUMIGIL KANA!!!"

Napatingin ako sa kanya. Kitang kita ko kung pa'no yumukom ang mga kamay niya sa gigil.

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon