Chapter 7

98K 2.1K 635
                                        

WARNING: MATURE CONTENT

Joshia

Hinayaan ko syang matulog sa harap ko habang nagtratrabaho ako. Ilang oras din ay bumaba na ang mga bartender sa taas para tumulong dito sa baba. Nagsibaba na rin kasi ang mga costumers sa taas.

"Oh, sino yan? Knock out agad?" Dumating si Maui sa counter namin.

"Yeah. Couldn't handle my experiment." I shortly said.

"Ay, yung Twinkle Star? Gago bakit mo binigyan non." Natatawa nyang sabi at tumabi sakin para magserve ng inumin.

Dumami na ulit ang mga customers na pumupunta sa counter namin. Naging abala kami ni Maui at hindi na nagawang magpahinga. Nakakain lang kami ng meryenda ng mag Wild Night na dahil alas dyes na.

Wild Night ang tawag sa oras twing nagpapatugtog ng malakas at hyper na kanta ang DJ at magsasayawan na ang lahat. Nagkalat na rin ang mga waiter para mag-abot ng mga hard drinks sa kanila.

"Hindi mo ililipat sa taas? Kanina pa yan dyan diba?" Tinuro nya ang lalaki na hanggang ngayon ay tulog pa rin.

I shrugged. "Let him. We don't to speacial treatment here, remember?"

Nagkibit balikat sya, obviously realized my point. Saka ang bigat ng lalaking yan, hindi ko yan bubuhatin pataas ng hagdanan dahil lang sa tumba sya dahil sa drink na binigay ko.

It's not my fault.

Nang mag alas dose na ng hating gabi ay humupa na ang tao. Kaonti na rin ang mga umoorder ng drinks dahil bagsak na ang malalakas uminom naming customer ngayong gabi.

"Uwi na 'ko, pre." Tinapik ako ni Maui sa balikat.

Tumango lang ako habang nagpupunas ng counter. Maaga syang uuwi ngayon dahil mas maaga syang pumapasok kesa sakin. Isa rin kasi ako sa magsasara ng bar ngayong gabi.

Nagpalit na rin ako ng damit ng makapagsara na kami ng katrabaho ko. May limang waitress ang naiiwan dito para maglock ng pinto dahil dito sila tumutuloy dahil malalayo ang bahay nila.

"Bye Josh, ingat ka." Sabi ni Beca.

I nodded at her and closed the door of the taxi I booked. Binigay ko ang address ng lalaki na nakita ko sa wallet nya at inabutan na rin ng bayad ang driver tapos ay umuwi na rin ako sakay ng big bike ko.

Dahil wala ng klase ngayong linggo ay hindi na ako nag aksaya pang gumising ng maaga dahil open gate ngayon, pwedeng kahit anong oras pumasok dahil walang klase. Pwede ring hindi mag uniform.

I woke up 7 in the morning. Nagshower ako saka nagluto at kumain ng almusal. I didn't bring any school stuff with me aside from the book I borrowed from the Library na ibabalik ko na mamaya.

Tapos hihiram ulit ako ng bago.

Nagdala lang ako ng maliit na body bag para lagayan ng cellphone at wallet ko. I drove my big bike to school like usual and parked it. Nagkalat ang mga late na estudyante sa gate at parking ng school.

Nagdirecho ako sa Library para ibalik ang libro. Tapos kumuha ako ng dalawang bagong libro na hihiramin. A mystery novel book and a Engineering OJT book. Nagpunta ako sa classroom namin pagkatapos.

Gaya ko ay naka civilian lang ang mga kaklase ko. Kaonti rin lang ang tao rito sa room, maybe they're already taking their training or roaming around. Nonetheless, it lessen the noise in our room.

"Good morning!" Masiglang bati ni Ian sakin na may hawak na bola ng soccer.

Tumango lang ako at umupo sa upuan ko. I opened the novel I borrowed and started reading. Pero hindi ako hinayaan ng katabi na magbasa ng matiwasay at sinimulan akong guluhin.

Glasses And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon